Simula

2.1K 94 5
                                    

Hinahabol ako ng mga anino. Hindi nila ako tinitigilan. Naririnig ko ang mga tawa nila. Sumasakit ang aking ulo dahil dito, hindi ko alam ang aking gagawin. Mayroon akong nakitang liwanag. Nakatayo roon ang isang lalaki at babae. Kinakawayan nila ako. Malabo ang kanilang mukha. Tama bang pagkatiwalaan ko sila o isa na naman silang haraya? 

Tumutulo na ang mga luha sa aking mukha. Nanginginig na ang aking buong katawan. Malapit na ako sa kanilang dalawa. Ngunit bigla akong napatigil dahil sa bulong ng babae.

"Anak," umiiyak nitong sambit.

Anak? Hindi ito maaari. Hindi ako sasama sa aking magulang. Kinalimutan na nila ako. Kinasusuklaman ko sila.

Mas gugustuhan kong magpatangay sa mga aninong humahabol sa akin. Papayag ako kahit saan nila ako dalhin. Ang mahalaga, mailalayo nila ako sa aking tunay na ama at ina.

Naramdaman kong hinawakan nila ako sa braso. Itinalikod sa aking magulang. Naririnig kong isinisigaw nila ang aking pangalan.

"Totoy! Ibalik ninyo ang anak ko!" sigaw ng lalaki. 

Pamilyar ang kaniyang boses. 

Tito Julius?

Napaupo ako sa aking kama. Hindi ako makapaniwala sa aking panaginip. Bakit tila totoo ang lahat? Bakit boses ni Tito Julius ang aking narinig?

Tumayo ako sa kama at pumunta sa kusina. Uminom ako ng tubig. Pinunasan ko ang aking pawis at pumikit. Hindi iyon totoo. Kailan ba nagkatotoo ang panagip? Kabaligtaran iyon ng katotohanan.

Narinig kong bumukas ang isang pintuan. Nakita ko na mula iyon sa kuwarto nina Ama. Lumabas si Ina. Humikab ito habang gulo-gulo pa ang kaniyang buhok.

"Totoy? Ang aga mo naman gumising. Matulog ka na muna. Maghahanda lang ako ng umagahan ninyo."

"Hindi na po. Nanaginip po kasi ako at bigla na lang akong nagising. Nanay, buhay pa po kaya ang aking totoong magulang?"

Napabuntong-hininga si Ina. 

"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo. Pero kung nagkataon at kinuha ka nila sa amin, sasama ka ba?"

"Hindi po. Kahit kailan, hindi 'yon mangyayari. Hindi ko kayo iiwanan, inay."

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. 

Naramdaman kong tumulo ang kaniyang luha kaya agad niya itong pinunasan.

"Sige. Maghahanda na ako. Maupo ka muna."

Pinanood ko si Ina habang nagluluto. Lumipas ang ilang oras na tahimik lang kaming dalawa. Hanggang sa nagising na si Jocelyn at si Ama. 

Habang naliligo ay hinahayaan ko lang na humagod ang tubig sa aking katawan. Nakapikit ang aking mga mata habang inaalala ang lahat. Bigla akong napangiti dahil tila isa akong bida sa isang pelikula na puno ng pagsubok sa buhay. Ganito kasi kadalasan ang eksena nila.

Pagkatapos kong maligo ay itinapis ko ang tuwalya sa aking katawan at tumungo sa aking kuwarto. Mabilis lang akong magbihis. Hindi kagaya ng iba na mayroon pang iba't ibang ritwal sa katawan. Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin. Ngunit bigla akong nagulat nang lumitaw ang mukha ni Tito Julius. Nakangiti ito. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at mabilis na iminulat. Isa na namang ilusyon ang aking nakita. Sarili ko na lamang muli ang nasa salamin.

Lumabas ako sa aking kuwarto. Hindi pa rin tapos si Jocelyn sa paliligo. 

"Jocelyn! Bilisan mo naman! Mahuhuli na tayo sa klase."

"Ito na nga! Papalabas na! O.A. ka lagi."

TotoyWhere stories live. Discover now