"Well, you saw how he defended those jerk," I answered. "He deserves it."
"Besides, he should've let me punch again. Nangangati akong sumuntok kanina tapos pinipigilan lang ako. Edi sana, maaga kaming natapos kung hindi lang siya pumagitna."
I saw how she flinched earlier and those guys really did their best to make me angry. Bobo, puwede naman silang magsarili para matapos ang kakatihan nila pero nandadamay pa ng iba.
They should have took care of themselves privately than making other people uncomfortable. Puwede namang magsarili kong hindi na talaga kaya. Maghanap ng sariling paraan para hindi makasakit ng iba.
Hindi nila alam kung anong klaseng sugat ang nabuksan nila kanina habang kinukulit nila ang isang babae. The kind of scars that never been faded.
The type of scars that requires a lot of time to fade. Hindi pa sigurado dahil sa bawat subok nila, may mga taong kagaya nilang nagpapalala nito. Nasaan ba ang kaunting respeto nila sa sarili? O kahit konsensya man lang sa katawan?
"I'm not on Uno's side, but I saw him glanced at the CCTV many times. He probably thinks about your reputation..." she said. "And I'm sorry for dragging you with this."
"I don't mind being the headline of the news. I did what I needed to do. I defended someone being harassed, that's it."
She massaged her head. Hindi na niya siguro alam ang dapat gawin.
Totoo ang lahat ng sinasabi ko. Hindi naman dahil may nanonood, dapat na akong tumalikod sa prinsipyo ko. Tinulungan ko si Prezie dahil bukod sa magkaibigan kami, hindi tama ang ginawa sa kaniya.
Kahit pa ako ang maging laman ng balita kinabukasan, wala akong pakealam. I just know Lola would be proud of me.
Dahil nagamit ko ang lahat ng tinuro niya sa akin noon.
"Hindi masamang makipag-away kapag nasa katwiran ka at lalong hindi 'yon masama kapag may inaagrabyado, basta ba huwag humantong sa patayan." I remember her words, nakipag-away ako noon sa kaklase ko dahil inagaw niya ang baon sa bag ko.
Minsan, kailangan nating tumayo para sa iba. Kailangan nating humakbang para sa mga taong takot ipaglaban ang sarili nila. We need to step up for others sometimes.
May mga taong hindi kayang ipaglaban ang sarili nila, at ayos lang 'yon. Hindi lahat ng tao malakas ang loob ipagtanggol ang sarili nila, hindi 'yon kakulangan sa pagkatao nila. Hindi dapat iyon ang tinatanaw ng iba, ang dapat ay sinusugpo ang mga taong mapanakit.
Kasi kong mas ibubuntong natin sa biktima ang sitwasyon, mas lalo silang magiging kawawa. Mas nararapat na bawasan ang mga masasama sa mundo kaysa ipamukha sa iba na mahihina sila.
Kasi hindi naman ginawa ang tao para maging malakas. Eventually, they learned to defend themselves. Pero hindi ibig-sabihin, hahayaan natin ang ibang saktan lang sila dahil matututunan naman nilang ipagtanggol ang sarili nila.
I dropped Prezie on her condo building, inaantok na siya kaya mabilis siyang pumasok sa loob.
Habang nagmamaneho, Uno's face earlier rushed through my mind again.
I never thought we will be back in this phase again. Kung noon, hindi masyadong seryoso ang naging bangayan namin... ngayon mukhang kabaliktaran.
We talked about that unserious beef between us and now, we are back with this. Hindi ko rin alam kung anong kasunod nito.
Binalik ko sa lagayan ang ginamit kong toothbrush bago lumabas sa banyo. I'm only wearing my black pair of shorts. May nakasabit na towel sa leeg dahil pinapatuyo ko pa ang buhok ko.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 10
Start from the beginning
