Bigla na lang tumatawa. Mukhang kailangan na nga niya ng pagkain. Nababaliw na siguro 'to sa mga plates and activities sa school.

Kami pa naman ang halos nagkakasundo roon. Mas mabilis naman kasi namin naiintindihan ang lesson kaya minsan, ako ang pinagtatanungan niya at ganoon din ako sa kaniya.

Hindi ko tuloy alam kong anong pinagkakaabalahan ng babaeng 'to sa building namin. Hindi naman siya palasulat ng mga libro niya roon kasi maingay ang paligid..

"Any plates to be submitted before the final exam?" sagot ko habang binubuksan ang bubble gum ba nabili ko kanina habang naghahanap kami ng restaurant.

Tumingala siya sa taas, umaaktong nag-iisip. Gumagana ba ang utak nito kapag hindi acads? Pala tawa kasi, nasobrahan na sa ingay ang brain cells.

"Hmm, wala naman... patapos na kasi ang semester. Mag-aral ka na lang sa topics na ibibigay ko mamaya." Sabi niya, distracted na sa tumutunog niyang phone.

I chewed the gum in my mouth. "Ngayon na, nandito kana, oh!"

She rolled her eyes and raised her brows. "Wala nga akong dalang notes. Nasa condo, naiwan ko." Masungit niyang sabi habang hawak ang phone.

Tumunog 'yon kaya nagbago ang expression sa mukha niya. Sinubukan kong basahin ang pangalan ng tumatawag pero hindi ko mabasa dahil bahagyang nakatagilid ang phone.

"Nakita mo?! Nakita mo?!" she panic.

Tumawa ako ng malakas para inisin siya. May tinatago na naman ang tanga! Hindi marunong magtago, eh.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at tinitigan siya. "May boyfriend kana?" I laughed to tease her more.

"Hoy! Anong nakita mo? Bwesit ka, Euseff!" bigla siyang kinabahan na para bang kakilala ko ang tumatawag sa kaniya. "Hindi ko 'yon, boyfriend!"

Sinapak niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagtawa. Basag trip naman, iniinis lang!

"Chill, wala akong nakita!" I raised both of my hands in the air to surrender. "Halata ka rin, eh. Promise, hindi ko nabasa ang pangalan!"

She rolled her eyes and pinched my hand resting on the table. Her phone rang again so she had no choice but to answer it.

"Sagutin ko lang 'to, sinasabi ko sa 'yo isusumpa talaga kita nang hindi kana magka-shota!"

I just laughed it off while busy chewing the gum. Buti nga at hindi ako nabulunan kakatawa.

Lumabas siya para roon makipag-usap. Tumingin na lang din ako sa labas para magmuni-muni. Walang ganap ang phone ko, busy lahat ng tao.

The lights were a bit golden yellow. It blended with the streetlights outside, kakaunti na lang din ang mga sasakyan dahil late na.

Well, if it's not because of academics and Prezie, I am now in my condo, resting. Pero dahil hindi naman ako full-time volleyball player, kailangan ko ring gawin 'to.

Choice ko rin na pagsabayin ang acads at trainings. Hindi ko gusto ang natatambakan ng gawain dahil hindi maganda para sa mga minamahal kong brain cells.

My thoughts got interrupted when a group of people passed by. They're wearing blue shirts with a school logo on the upper left of it.

At mukhang hindi na ako nagulat nang makita ko si Uno. He was laughing with his friends. I assume that they just finished their training since I saw some of the dudes wearing their volleyball jersey.

Dumaan lang sila sa restaurant kong nasaan kami, mukhang sa kabila ang punta. Hindi lalampas sa sampu ang mga kasama niya.

When they vanished, Prezie suddenly appeared. Nagulat ako kaya napaayos ako ng upo. Mukhang multo, hayop. Basta basta nalang lumalabas! Nasa labas lang naman 'to? Paano siya nakarating sa kabilang side ng restaurant?

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now