"Pagod na ako!" hiyaw ni Tres sa likuran ko. "Coach, pwede isang ulit lang?" reklamo ni Tres na agad dinugtungan ni Frat.
"Coach naman, eh! Si Zeus nalang ipag-drill mo, trippings niya mga ganito, eh!" nakasimangot na siya. Mukhang batang inapi-api kahit hindi naman.
Reklamador.
"Oh, come on! Next cycle na, bilis! Ang kukupad naman." I told them, teasingly.
I just wanted them to realize how important these drills are. Hindi lang naman 'to simpleng pagpapahirap lang. It could help to energize our body before the game and it could also stretch our muscles before we proceed to the actual game.
Mahirap na, katawan at dedikasyon lang ang puhunan dito.
"Naku! Gym gusto, drill ayaw? Kapag gym, kahit buong araw, ayos lang. Kapag drill kahit tatlong ikot lang, pagod na agad!" pambabara ni Coach. Nakatayo pa siya sa scoring chair kaya mukha siyang hari na nagbibigay utos sa mga tagasunod niya. "Galing na ako sa mga trip niyo, at hindi maganda ang kinalabasan!"
I laughed when I tried to imagine Coach being a typical king with a big belly. Tapos madamot dahil ayaw magbahagi ng mga pagkain niya. He even tilted his head to raise his brows on Tres and Frat.
Wala nang nagawa ang nga loko kundi tapusin ang drills nila. After the drills, we took a five minute break before we proceeded to the game.
Unlike before, mas seryoso na ngayon dahil si Coach na mismo ang nakatutok sa bawat galaw. Siya rin ang scorer at tagabantay ng nga errors and faults.
He whistles. "Net fault! Be careful, Frat and Dino!"
I jumped when the ball made its way to me. Hindi 'yon nahabol ng kabilang team kaya umingay na naman si Coach.
"Hindi natin alam kung ano pang pwedeng ipamalas ng nga kalaban natin. Kung palaging ganito, mas makakakuha sila ng puntos mula sa atin!"
Maraming sermon pa ang pinakawalan niya pero kumalma rin nang maging maayos ang bawat laro namin.
"The scouting will be ending soon. Huling observation sa finals ang gagawin nila. If you wish to continue your volleyball career overseas, might as well do your best."
The traning ended around eight in the evening, we practiced for almost six hours, almost, since we had our break times.
Mas naging higpit man ang training namin ay hindi naman nawala ang pahinga kahit saglit dahil mahalaga para sa amin ang kalusugan ng bawat isa. If we want to win, we need to take care of ourselves first.
Hindi agad ako dumiretso sa condo dahil nagyaya ng dinner si Prezie. She will also explain to me some activities I needed to submit and study. Isang linggo lang naman akong hindi talaga makakapasok sa klase kasi rigid training for finals.
Kaya pa siguro kung morning hours lahat ng subject ko kasi kaya naman 'yon dahil sa hapon pa naman ang training namin pero hindi. Most of our subjects are in the afternoon. May iilan sa umaga pero minsan lang dahil kadalasan, ala-una ng hapon hanggang alas syete ng gabi ang schedule namin.
Kaya kahit pa kating-kati akong pumasok, kailangan ko munang ipagpaliban 'yon saglit dahil may kailangan akong gampanan. Isang linggong pagpikit muna sa pangarap kong maging engineer pagdating ng panahon.
Mahahabol ko naman lahat ng 'yon. Hindi lang ako sanay na hibdi pumasok ng sunod-sunod.
Dinaanan ko pa sa condo niya dahil tinatamad na naman. Kung wala lang talagang magandang sasabihin 'to, hindi ko na talaga gagambalain 'to. Ang ingay!
"Si Professor Cheska, magbibigay lang yata 'yon ng coverage dahil hindi naman madalas ang naging discussion natin sa subject niya," Prezie started talking while we were waiting for our food. "Si Professor Yerana, magbibigay siya ng pointers para sa darating na exam, marami rin ang itinuro niya. Kabaliktaran ng kay Professor Cheska." She laughed like she remembered something.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 9
Start from the beginning
