"Tangina niyo, malasin sana kayo sa mga love life niyo!" Bench rolled his eyes and stoop up.
Sakto naman ang pagtayo niya nang may biglang kumatok sa pintuan. We even looked at him so he would open the door since he's the one who's standing.
Nakahiga na ako sa couch, nakaupo si Migs at busy si Gideon sa niluluto niya. Napamura pa siya ng mahina bago binuksan sina Vince at Sam.
They decided to order food instead of cooking since it would only take a lot of our time. The group was also planning to have a few bottle of drinks tonights since minsan lang talaga kami mabuo.
Tumayo agad ako nang magtakbuhan silang lahat para salubungin ang kakarating lang. Nang makarating ako roon ay naabutan ko na agad si Bench na kumakain nang mga matatamis na gummies. Nag-away pa sila ni Migs dahil nagdadamot.
"Eh, bumili ka! Pinabili ko 'to!" tinakbo iyon ni Bench palabas sa rest house ni Vince kaya naghabulan pa sila.
Vince was wearing his black cap and mask. Kahit pa malapit sa dagat ang rest house niya ay ayaw niyang may nakakakita sa kaniya lalo pa't may mga kapitbahay na mga beach ang rest house niya.
"Paano ka makakapagpahinga kapag umuuwi ka rito, eh, madaming tao?" minsang tanong ni Migs sa kaniya noong minsan rin kaming pumunta rito.
"Okay naman kapag umaga. Mostly beach parties sa gabi ang maraming tao rito." he said, unbothered. "Private naman 'to, hindi nila alam kung sino ang nakatira."
Ayaw niya rin ng nadi-disclosed ang mga bahay o mga ari-arian niya dahil dagdag information daw para sa nga bashers niya.
Tinulungan na rin namin silang dalhin ang mga bitbit nilang pagkain. Hindi ko rin namalayan na tapos na pala sa pagluluto si Gideon at nagiging bata na sa harap ni Sam.
Nakakabaliw nga ang pagmamahal. Proven.
I laughed at my own thoughts before going to the balcony. Malawak ang balkonahe ng rest house niya kaya doon kami nagset-up ng lamesa.
Nang makabalik ang mga batang naghahabulan sa labas ay kumain na rin kami agad. Migs prayed for the food before we eat.
We also did some trends. Mga sayaw at kalokohan. Since I still can't upload for music covers, bumabawi nalang ako sa account ng mga kaibigan ko. Hindi naman sikreto na kaibigan namin si Vince.
"Buti na lang at hindi kayo napapansin na hindi kayo pumupunta kapag laro na ng school niyo, 'no?" Gideon asked, when Sam was busy finding other dance to do.
"Hindi," simpleng sagot ni Bench. "Busy ako, eh. Hindi naman required 'yon tsaka buti sana kong wala silang pinapagawa sa mga araw na may laro ang school!" sumimangot siya.
Umangat ang kilay ni Vince nang marinig ang sinabi niya kaya tinaasan niya rin 'yon ng kilay. These two really...
We did two more dance before we decided to grab a drink. Sa rest house pa rin ni Vince kasi hindi naman pwedeng lumabas pa kami. At baka makita ako ni Coach at bitayin ako bukas.
"Pagod na ako! Second year pa pala ako pero mukhang pang-fourth year na ang dala kong pagod araw-araw!" si Migs.
Humalakhak si Bench. "Ako rin, kaya nga gusto ko pumasok sa relasyon kasi parang hindi napapagod ang mga kaibigan kong may mga boyfriend at girlfriend, eh!" tinuro niya pa sa ang dalawang magkatabi sa gilid niya—si Sam at Gideon. Tinawanan lang siya ng mga 'yon kaya mas lalo siyang sumimangot.
"I discovered that I could do studying and shoots at the same time. It was just a random thought noon na baka hindi ko kaya pero dedma lang kasi nagawa ko pala." Sabi ni Vince.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 8
Start from the beginning
