Masyadong dikit ang laban kaya doble-kayod ang team para makaposte ng puntos.
For the next few minutes, we managed to outsmart the other team. We trick them by jumping so high but will only push the ball enough to pass the net.
Nakuha namin ang ikatlong set kaya nagpahinga muna kami nang magsimula na sa ikaapat na set. Hopefully, it would be our match set. Malakas ang mga pumasok na teammates namin kaya kampante kaming hindi sila mababaon ng kabila.
Mas lalong nahirapan ang UST na makapuntos nang magpahinga saglit ang team captain nila dahil deritsong dalawang set na ang laro no'n.
Nang makalamang kami ng tatlong puntos ay saka lang ako tumayo para bumalik sa laban. Nang tumalikod ako saglit para ibigay ang towel at tubig sa staff ay nakita ko ang mga kaibigan kong sumisigaw. Bitbit pa talaga ni Vince ang tarpaulin. Tumatalon pa! Itong batang 'to talaga!
Sinubukang bumalik ng UST pero hindi na umubra dahil sunod-sunod rin ang naging errors nila. We ended the game with the service ace coming from me. It was somehow a relief winning. Makakapasok ulit kami sa finals. Natakot pa naman ako dahil baka hindi ko kayang magdala ng team.
We cheered for the win we got, we shook hands with our opponent as a sign of the sport spirit. The failure won't define the team. Maging kami man, kahit sa secondary level noon, we experienced losing. At iyon ang isa sa mga saysay ng laro, sports taught people that life wasn't always about winning. Kailangan dumaan sa dilim para makarating sa liwanag.
"Congratulations, Captain!" Sam together with his boyfriend, Gideon congratulated me. "Angas ng spikes ngayon, ah."
"At dahil d'yan, babayaran mo ang perang binayad ko sa tarpaulin!" nakangising tumindig si Vince sa harapan ko.
"Joke lang. Congratulations, Cap!" sabi niya at tumalon-talon pa at nagmukha na nga kaming tanga sa gitna dahil nagtatalon-talon kami.
Nakakamiss ang dating gawain namin. Walang pakialam sa palagid basta masaya kami at walang nasasaktang iba. And for once, I felt that happiness again. With them. Hindi man kami kumpleto, masaya pa rin dahil alam naming mabigat ang rason nila Migs at Bench.
Nagkayayaan ang team na kumain mamaya dahil nakapasok kami sa finals. Maaga pa, alas singko pa ng hapon. Mamaya pa ang dinner kaya uuwi muna kami.
Sa susunod pa ang celebration namin ng tropa dahil may magaganap na rin namang kainan mamaya.
"Manood tayo laro ng Ateneo?" Frat suddenly said. "Nakakabagot naman kasi sa condo."
Napalingon ako sa kaniya habang nag-aayos ng mga gamit. Nakayapos pa ang puting towel sa leeg ko. Maging si Tres na kanina pa nakasimangot ay napalingon din.
"Manood ka mag-isa mo!" bad-trip na sabi niya.
Maayos pa naman 'to kanina? Mahina kaming tumawa ni Frat nang magkatinginan kami dahil sa pagbabago ng mood niya.
"What happened to you?" I asked, then glanced at Frat who's now wandering his eyes around the room. Mukhang tanga.
"Wala, gusto ko nang umuwi kasi mainit na dito!" mabilis niyang sabi.
Dahil mukhang hindi naman siya mapipilit ni Frat ay ako na lang ang kinulit niya kaya sumama na lang din ako.
"Dadaanan na lang ako sa inyo?" tanong ko kay Frat nang palabas na kami sa venue. "Maliligo pa ako tapos magbibihis para deritso na tayo mamaya."
I raised my voice purposely so Tres would hear it. We want to tease him more, trip talaga namin ni Frat ang inisin siya. Mabilis mapikon.
"Oo, bilisan mo rin nang may maabutan pa tayong laro!" Ani ni Frat habang nagpipigil ng tawa.
"Tangina naman, sasama na nga ako! Lintek na taong 'yon!" nagdadabog na sabi niya, nakapatong pa sa bewang ang mga kamay.
Nagtinginan ulit kami ni Frat dahil mukhang iisang tao na naman ang nagpabago ng mood niya.
"Hayaan mo na kasi 'yon. Gago 'yon, eh. Hindi naman tayo ganoon kaya magsama sila ng ex mo!"
"He's right. Hindi mo naman pwedeng ikulong nag sarili mo sa mga taong ganoon. Mamamatay ka talaga dahil sa sakit sa puso, sige ka!" panggagatong ko sa sinabi ni Frat.
Huminga siya nang malalim. "Hindi siya." Sabi niya bago naunang maglakad.
Tumawa na naman kami ni Frat dahil kahit anong pagsisinungaling niya ay hindi niya kami maloloko. Hindi pala, ah...
Pagkarating sa condo ay nagshower agad ako at nagbihis para makaalis na. I wore my normal outfit. A white shirt, faded blue jeans and a white sneakers. I partnered it with ny gold rolex watch and a silver necklace.
Matagal ko ring hindi nasusuot dahil palaging may practice. I applied perfume before going downstairs. Dinaanan ko si Frat at si Tres na rin kahit may dala siyang kotse.
Marami pa ring tao nang makarating kami. I texted the coach earlier to reserve us chairs since nagpaiwan naman siya roon kasi manonood pa raw siya.
Pangatlong set na nang makarating kami ulit sa venue. Malakas ang sigawan at alam kong kaniya-kaniyang cheer ang bawat unibersidad, sigawan na hindi ko narinig kanina dahil nasa laro ang atensyon ko.
Pareho sila ng standing kaya mukhang aabot pa ng limang set.
"Another service ace from Uno Galvera!" one of the announcer cheered. "Grabe, mukhang nawawala ang bola kapag hawak na ni Uno!"
The game went on and the Ateneo team is really doing well and the DLSU was catching up kaya hindi talaga naglalayo ang puntos nila.
Mabilis lang lumipas bawat pag-ere ng bola, at sa isang kurap lang ay nakuha na ng Ateneo ang ikatlong set. Maingay pa nga si Frat sa gilid ko at mukhang nakalimutan na niyang malaki ang tiyansa na maglalaban kami sa finals. Si Tres naman ay poker face pa rin sa gilid namin. Malakas talaga ang hatak ng galit niya sa Atenean na 'yon dahil sa nangyari sa kanila ng ex niya.
Nagulat ako nang biglang sabihin ng announcers ang pangalan ko.
"Watching live agad ang Captain ng Fighting Maroons! Kasama ang dalawang teammates niya!"
Napamura ako ng mahina nang makita ang pagmumukha namin sa LED sa itaas. Nagpapalipas nga lang kami ng oras, nakita pa talaga sa buong Arena...
Rinig ko ang sigawan ng manonood at alam kong dahil 'yon sa amin dahil nagtime-out ang laro. I just smiled so the camera will stop pointing at us.
Nasa ikalimang bench kami mula sa upuan ng mga players at hindi ko rin alam na mga Ateneo pala ang nasa harapan namin. .
Kinapa ko ang phone sa bulsa para i-check ang oras pero nang maibaba ko 'yon ay naramdaman ko rin ang pagsiko ni Tres sa katabi niya kaya napatingin din ako.
Gusto pa lang ipakita ni Frat ang naging kaaway ni Tres kaya siya natatawa habang nakasimangot pa rin si Tres sa gilid niya. Nabaling sa akin ang atensyon ni Frat at pasimpleng itinuro ang tinutukoy niyang kaaway ng isa.
But when I saw the guy, a familiar physique blocked the view. Nang pasadahan ko ng tingin ay mabilis na nagsalubong ang kilay ko.
Uno.
Umiinom siya ng tubig habang nakatitig sa akin. He was wearing their usual blue and white uniform. Jersey number twenty-six ang suot niya.
Nang mapagtanto niyang magkasalubong ang kilay kong tinitingnan siya ay agad siyang ngumiti.
The silly smile that always made my blood boil... noon. Ngumisi siya ulit bago bumalik sa laro.
The next thing I knew, they won the match and we will be fighting for the champion in the finals.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 7
Start from the beginning
