Naabutan ko sila Tres sa loob na nagbibihis sa locker nila. Magkatabi ulit kaming tatlo nila Frat.

"Maaga mga atenean ngayon, ah. Mas nauna pa dumating sa atin!" halakhak ni Frat habang nasusuot ng jersey niya.

Umiling-iling si Tres. "Ewan ko rin. Tingnan mo kanina, ang angas ni Gago!" he's probably reffering to that one guy from Ateneo na naging dahilan ng paghihiwalay nila ng girlfriend niya.

"Dahan-dahan, baka magsuntukan na naman kayo," sabi ko nang maipasok sa locker ang dalang paper bag. Damit lang ang laman at pabango. "They might be somewhere, baka marinig kayo."

"Sus, mayayabang lang ang mga 'yan pero wala kang aasahan kapag resbakan!" si Tres, nakangiwi pa.

"Hala, malapit kana maging young stunna!" tumawa pa si Frat sa tabi niya. "Warfreak mo naman, Lods!"

I furrowed my brows, unable to process the words. Young stunna? Ano 'yan? Nabasa ko na 'yon... siguro.

Isinara ko na ang locker at naunang lumabas. "Hurry up. We still have a drill to do." Tanging sabi ko bago lumabas sa locker room.

May separate na room para sa drill bago ang laro. Its a medium field. Doon kami nagwa-warm-up at ginagawa ang mga drill namin para makondisyon ang mga katawan namin.

"Boys, the game will start in a bit. Be ready, especially, the first six!"  our coach entered the room and announced when the game would start.

"Team Captain of Fighting Maroon, wearing jersey number sixteen, Zeus Feriorei!"

Rinig na rinig ko ang hiyawan ng tawagin ang pangalan ko. Nasa akin ang atensyon nila dahil madilim ang buong court at tanging iniilawan lang ay ang tinatawag na player.

I fixed my safety gear before the game started. Mahirap na, katawan lang ang puhunan tapos mapupuruhan pa.

The game starts a bit easy for us. Sunod-sunod ang puntos namin dahil mukhang nahihirapan ang kabilang team na depensahan ang mga palo namin.

"Tres, combo play. You'll go first and I will follow!" I said when we gained another point. Nagtipon kami sa gitna kaya may pagkakataon para masabihan ko sa Tres sa susunod na gagawin.

Tumango lang siya at agad na bumalik sa laro. When Kez successfully serves the ball, we focus on who's holding and where the ball will land.

Muntik pa kaming maisahan ng magbitaw ng mahinang palo ang kabila kaya akala namin ay drop shot na, buti na lang at nasalo ni Caleb.

Umangat ulit ang bola kaya agad na sinet ni Kez papunta sa direksyon namin ni Tres. Tres on the other hand, faked a jump and paved the way for me to spike the ball. Hindi nahabol ng libero nila ang bola kaya mas lumamang kami sa kanila.

"U-nibersidad ng Pilipinas! Matatapang, matatalino, walang takot, kahit kanino! Hinding-hindi magpapahuli, ganyan kaming mga taga-UP! U-nibersidad ng Pilipinas!"

I could hear the loud chants from our school.

We got the first set but our opponent made sure to have the second one. Matindi ang naging habulan namin ng puntos na humantong pa sa deuce na twenty-eight pareho. But our team made a service error so the other team took that as an advantage to make a point.

Hindi na namin naagapan kaya nakuha na nila ang ikalawang set. It would be our great advantage to defeat them but we failed but I also reminded them that there is still another set to make up for the mistakes we made.

"Go USTe! Go USTe! Go USTe! Go! Go! Go! Go!"

The coach called a technical time out in the middle of the third set. "Dino, huwag agad i-serve ang bola kapag naghahabol pa ng hangin, okay? Hinga muna saglit. Frat, be careful sa pagblock ng bola, avoid touching the net."

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now