"Hindi, pero sabi ni Loxi... namamangha raw siya sa 'yo dahil hindi ka katulad ng ibang owner na english nang english at mayabang!" anas niya pa kaya napakunot ulit ang noo ko.
"I don't have the reason to be like that." I sighed, shaking my head while holding the urge to put a smile on my lips. "Sorry, english pa 'yon..."
This man really. Mukha lang siyang inosenteng bata na nagtataka sa mga bagay bagay sa mundo. Parang marami siyang tanong tapos naguguluhan siya sa mga sagot dahil bata pa siya para roon.
"Sabagay, mukhang hindi ka naman tulad nila..." he nodded, kumbinsido na. "Hindi kita nakikitang kumukuha ng libre rito, ah?"
"Hindi naman kasi 'to akin. Si Lola ang may-ari, hindi ako. Hindi naman ako ang naghirap na maitayo ang negosyo niya."
"But still, you're the grandson... kaya nga takot si Loxi at ibang staff sa 'yo kapag nandito ka dahil baka tanggalin mo raw sila bigla." he chuckled.
Huh? Why would I do that? Hindi naman ako ang nagpapasahod sa kanila rito kaya bakit ko naman gagawin 'yon? At kung mangyari man 'yon, malilintikan ako ni Lola.
I could imagine her wrath if ever I will really do such things. Sa kaniya ko pa naman nakuha na hindi magandang tapakan ang ibang tao dahil lang sa nakakaluwag-luwag tayo. Life would have been much easier if we chose to be kind to others. Hindi naman natin ikakamatay kapag tinulungan natin o sila o kahit maging mabait nalang tayo sa iba.
"Eh, sino ba nagpapasok sa inyo rito sa trabahong 'to?" I asked back.
"Lola mo." He answered in a lower voice.
"Nagpapasahod?" tinaasan ko siya ng kilay. "Nagbibigay ng mga regalo kapag pasko?"
"Lola mo rin..."
"See? Wala nga akong ambag sa negosyo niya at mga employee niya, maninira pa ako? Ganoon na ba ako kasama sa mga mata mo?" I laughed playfully.
Hindi na naman ako dinadalaw ng antok. Hindi rin ako nakakaramdam ng pagod kahit galing ako sa practice kanina. Ganito rin ang nangyari huling punta ko rito.
"Tell you friends here that I won't do such things. Pwede naman nila akong kausapin kapag nandito ako para malaman nilang hindi ako ganoon." Sabi ko ulit.
Tumango siya. "Praning nga kasi ang mga 'yon. Ewan, kapag nandito ka naman... hindi naman ako tinatablan ng presensya mo."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tiningnan nalang ang suot na relo kung anong oras na. "Kailan matatapos shift mo?"
Minsan, maaga siyang nandito tapos minsan late naman. I'm curious of the schedules Lola gave to them. Especially that he's not the only one working student that worked under Lola's business.
Maraming sinasabi sa akin si Lola na tinutulungan niyang mga estudyante para makapagtapos pero hindi niya sinabi kong anong schedules ang binibigay niya because knowing her, considerate siya bilang isang matulungin na tao.
"In a bit. Kapag kasi estudyante, flexible ang schedules namin lalo na at hindi pareho ang mga oras ng klase o may mga kailangan tapusin na mga projects." Sagot niya. "Pero kailangan mong magpaalam sa mga assigned managers para makapagpalit sila ng ibang staff. Marami naman silang staff na pwedeng pampalit sa amin kahit saglit."
I really admire Lola for that. Alam na alam niya ang mga paraan para matulungan ang iba. Siguro dahil nakikita niya rin ang sarili niya noon. Dumaan sa hirap bago makapundar ng negosyo.
"Minsan, lima hanggang anim na oras ang working hours ko tapos minsan apat lang dahil busy sa mga requirements sa school."
"Pinapayagan niya rin kaming gumawa ng mga assignments namin habang on duty, kaya nga may ibang table sa counter. D'yan ako madalas gumagawa ng plates kapag nandito ako. Minsan sa loob ng office pero matatagalan ako dahil papasok at lalabas pa."
Marami pa siyang sinabi tungkol doon sa mga nakukuha nilang mga sahod na minsan buo pa kahit hindi naman sila nakakatrabaho ng walong oras.
Nagtatanong nalang rin ako ng mga bagay tungkol sa store habang nagpapalipas ng oras. He would sometimes answer it faster than usual pero minsan may tinatago rin siyang mga dapat hindi na raw nilalabas pa gaya ng mga napaalis na staff dito dahil nagnakaw.
"Uno! Pwede na mag-out. Ako na ang duty!" Narinig namin ang halos pasigaw na sabi ng isang staff.
Palabas pa lang siya ng opisina kaya mukhang galing tulog. Doon yata sila nagpapahinga habang hinihintay ang shift nila.
"Ayos ka lang? Mukhang hindi ka natulog, ah?" Uno teased her, which made the girl smile.
"Nag-aral lang ako para mamaya! Makakatulog naman ako bago pumasok mamayang hapon." The girl wore her name plate. "Huy, architect! Kunin mo na mga plates mo rito at baka buhusan ko 'to ng kape."
Nakaupo lang ako sa lamesa habang tinatanaw at naririnig ko silang nag-uusap. Naglilinis na si Uno ng mga kalat niya roon sa table habang kausap ang isang staff na hindi ulit pamilyar ang mukha sa akin. Umiinom siya ng kape habang nagbabasa ng notes niya.
I smiled upon looking at them. They knew how to lift each other's emotions. Hindi nila dinadamdam ang hirap ng buhay kahit nakakapagod ang mga ginagawa nila para lang makapagtapos. They knew how to help each other.
Nilagay niya sa drafting tube ang nakalukot na plates niya. Hindi ko nakita ang nakadrawing dahil hindi naman ako lumapit. Nang isinukbit na niya ang bag niya ay tumayo na rin ako dahil uuwi na siya at wala na akong kausap.
It was already three-thirty in the morning and the sun is about to rise in a few hours. Nagpaalam siya saglit sa kausap niya bago lumingon sa table namin kanina. Nakahilig na ako sa sasakyan ko nang mauna akong lumabas sa kaniya.
"I can give you a ride. Uuwi na rin naman ako." Sabi ko habang nakapamulsa sa suot kong hoodie. The cold air is really biting my skin kahit pa jacket ang suot ko.
"'Wag na. Lalampas ako sa condo mo dahil pupunta pa ako sa kapatid ko." He declined.
Nakaharap na siya sa kalsada pero wala namang mga sasakyan dahil tahimik na ang gabi.
"Ayos lang. Hindi pa naman ako inaantok. Wala na ring sasakyan ngayon. Matatagalan ka pa."
In the end, he accepted my offer and hopped on my car. Inihatid ko naman siya sa location na nilagay niya sa waze ko.
"Thanks for the ride. Goodluck sa game. Ngingitian pa rin kita roon kaya humanda ka." He laughed.
That's the last thing he said before he closed the door of my car.
Umiling-iling ako at nag-drive na pauwi. Nakarating ako sa condo ng apat na minuto bago mag-alas kwatro. Naligo ako saglit at pinatuyo ang buhok bago humiga sa kama.
I couldn't really imagine that we talked earlier like as if we didn't hate each other at first. Well, at least, the beef has ended. Hindi na kami galit at naiinis sa isa't-isa.
But the words he said earlier before closing the door remained stuck on my head.
Ngingitian pa rin kita roon.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 6
Start from the beginning
