They should have been enjoying their college life. Focusing on their school work and reaching for their dream freely, without the weight of those responsibilities that they didn't wish in the first place.
Doble ang pagod at doble ang kayod nila. 'Yung tipong buong araw at buong gabi nilang nilalabanan ang pagod sa mga katawan nila dahil hindi naman sila pwedeng sumuko. Hindi nila basta bastang maaaring iwanan ang bitbit nila dahil bukod sa sanay sila sa pagsasakripisyo, hindi rin nila kayang malugmok ulit ang tinutulungan nila.
Hindi naman siguro masamang isipin muna ang kinabukasan ng bubuohing pamilya bago gumawa ng milagro. Because in the end, the children will carry the hardship and the pain of having so many responsibilities at such a young age.
Kaya minsan, kapag bumibisita kami ni Lola noon sa mga nangangailangan ng tulong dahil sa hirap ng buhay dulot ng pagkakaroon ng maraming anak na nauuwi sa kahirapan, palagi niyang sinasabi na dapat magkarron ng maayos na plano bago magsimula.
Hindi iyon panunumbat dahil lang sa nagbigay siya ng tulong, kundi paalala para sa mga bata na makakarinig no'n na hindi tama ang tinahak na landas ng kanilang mga magulang. Mas maaga nilang maririnig ang mga katagang 'yon, mas maaga silang mamumulat sa hirap na dinanas nila at mas magkakaroon ng mataas na tiyansa para hindi na ipagpatuloy ang siklong iyon.
Tumayo siya saglit nang may pumasok na mamimili. Itinapon niya na rin sa labas ang dala niyang basura, he even separated it before returning to the counter to assist the buyer.
"Isn't it tiring?" tanong ko. "I know for sure that you're busy with volleyball training..." mahinahong sabi ko.
As much as I wanted, I want to be calm. Kinokontrol ko pa ang emosyon ko lalo na ngayon na humuhupa na ang bangayan namin sa isa't-isa.
"Syempre, pagod rin. But just like what I have said, I don't have any choice. Ganito ang buhay at kung magrereklamo pa ako, walang mangyayari sa kinabukasan ko at sa kapatid ko." He glanced outside, probably diverting his attention.
Hindi na ako nagtanong nang tungkol pa roon dahil mukhang hindi siya komportable. He might be thinking na naaawa ako sa kaniya. Totoo naman 'yon pero hindi 'yon gaya ng mga inaakala nila na kinakaawaan ko sila dahil sa estado ng buhay nila.
"Bakit ba hindi ka English speaking? Mayaman naman kayo tapos mukha ka pang galing sa ibang bansa?" takang tanong niya, nakakunot pa ang noo.
Napakurap ako sa sinabi niya kaya agad kong binalik ang tingin sa kaniya after zooning out.
"Required ba 'yon? Eh, hindi naman ganoon ang mga kaibigan ko kahit mayayaman. Mas komportable lang ako sa ganitong lenguwahe, pero kaya ko naman din mag-english."
Ang laki naman ng problema niya. And he was somehow lowkey admitted that I am handsome. Well, my father is British that's why there are features of mine that are different from the common one they always saw.
Hindi ko na rin alam kung nasaan na 'yon, ang tanging alam ko, nawala si Mama noong bata pa lang ako. Kaisa-isang anak siya ni Lola, the only child of the family.
Ni hindi ko nga masyadong alam ang mga naging ganap sila noon dahil ayaw kong buksan ang mga sugat ni Lola tungkol sa nakaraan. She loves my Mom more than anyone. Kaya sabi niya nang mawala si Mommy, siya nalang ang tatayong magulang ko.
"Matagal kang pinangarap ni Mommy mo. Kaya, noong mabuo ka at iwanan siya ng Dad mo... hindi siya masyadong nagdamdam dahil bukod sa ayaw niyang may mangyari sa 'yo ay ayaw niya ring magmakaawa sa taong gustong mang-iwan sa kaniya." I remembered Lola's words when I asked her once about my Mother. I was around seven or eight years old at that time.
ESTÁS LEYENDO
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Chapter 6
Comenzar desde el principio
