Binigay ko sa kaniya ang phone niya at nagpatuloy sa paglalakad nang walang reaction. Pogi nga. Pero nakakainis naman.

"'Di ba? Gets mo ba ako?" tanong niya ulit at binilisan pa ang lakad niya para maabutan ako. "Huy! Sagutin mo muna ako!" 

Tumigil ako sa paglalakad para sagutin siya dahil hindi talaga 'yan titigil hanggat hindi nasasagot ang tanong niya.

"Fine! He's handsome, okay na?" sagot ko.

Maputi siya, may abs na gaya ng akin at maamo ang mukha. 

Napatili siya. "Edi bati na kayo?" 

I rolled my eyes. "Hindi. It was just a lame beef between me and Uno. Hindi namin kailangan magbati dahil mas aasarin ako no'n!" 

Bigla kong naramdaman ang pagkulo ng tiyan ko kaya napahawak ako doon. "'Wag na natin siyang pag-usapan. Kumain na lang tayo kasi gutom na ako!"

Buti nalang at hindi na siya nagsalita nang makarating kami sa sasakyan pero kita ko pa rin ang ngiti niya na para bang napagsalita niya ako kahit alam niyang ayaw kong pinag-uusapan ang lalaking iyon. 

Hindi ko na pinansin ang mga pagngiti-ngiti niya sa backseat at tinuon nalang pansin sa daan para makakain na agad kami.

We just dined at the newly opened restaurant dahil masyado ng late para pumunta pa sa ibang mamahaling resto.

"Euseff, may naisip na ako!" nagulat ako ng bigla siyang magsalita sa matinis niyang boses. "Turuan kita magthirst-trap! Para matapatan mo ang kaaway mo!" 

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Thirst-trap? Me? No, thanks. 

"Prezie? What the hell? Are you serious? I only do music covers using my guitars." I dismissed her words and just continued eating.

"Kasi 'di ba? You're a known volleyball team captain, guitarist, at matalinong engineering student! 'Yan nalang ang kulang sa account mo, thirst trap." She chuckled.

"Hindi 'yan required. Nakilala naman ako nang walang ganyan," sabi ko ulit. "Ikaw nalang gumawa."

"Para naman may motivation ang mga tao sa buhay!" she even pointed her fingers at me. "Huy, alam ko ang mga camera angle mo sa lahat ng vids mong hindi kita ang mukha!" she laughed loudly kaya mabilis kong tinampal ng mahina ang kamay niya sa lamesa.

This girl is making me dizzy! Nahihiya na tuloy ako sa mga camera angle ko. It wasn't my intention to brag about my well-toned body...

Mas madali lang talaga kapag ganoon ang angle kasi nakikita ang kamay ko habang nag-strum ng gitara ko!

The next thing I knew, Prezie was bombarding me with a lot of thirst-trap tips. I groaned out of annoyance when she sent another video of Uno. Unlike the other videos, nakahubad na talaga siya ng damit at nakahiga sa kama habang kumakanta ulit ng kantang hindi ako pamilyar.

Hindi naman ako tanga na parang walang alam sa ganiyang mga bagay. In fact, I've tried it before but it's too weird to post since it would be out of my branding.

From: Prezie Sercies Dremida
hahahahaha shock siguro fans mo no kapag nakita ka nilang nagre-rage bait

From: Prezie Sercies Dremida
ay, thirst-trap pala

I muttered a curse. Kailan ba kasi 'to magkakaroon ng boyfriend? At nang tantanan na ako sa pangungulit. Peaceful life pa talaga ang pinangarap ko isang araw bago ang pasukan sa kolehiyo. Eh, biglang dumating ang babaeng 'to.

Hindi naman siya malas kasi nasasabayan niya ang mga trip ko lalo na sa mg assignments and plates namin kaso maingay lang at parang nakabalot sa maliit niyang mundo kung makasigaw sa public.

Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)Where stories live. Discover now