"Wala akong pakealam. Bilis na, pumili ka na nga. Nagugutom na ako, eh." She stoop up, ready to order in the counter so I kinda panic on choosing my order. This girl really...
"Akala ko ba nagsisimula kana sa plates natin? Why are you here writing another chapter of your book again?" Pagtatanong ko nang masilip ko ang laptop niya kanina habang umo-order pa siya.
Pinaikot niya saglit ang spaghetti niya sa hawak na tinidor bago sumagot. "Tapos na ako kanina, eh. Kaya nagsulat muna ako para kaunti nalang idadagdag ko mamaya."
Paubos na agad ang pagkain niya kaya nagulat ako. "Dahan-dahan nga, tingnan mo, malapit na maubos pagkain mo samantalang ako hindi pa ubos ang fried chicken ko!" Asik ko kasi parang time lapse lang ang pagkain niya.
Umirap siya. "Hindi naman ako tumataba, alam mo ikaw ang magulat, ang hina mo kumain!"
"I'm an athlete. May sinusunod akong meal plan." I made a face just to annoy her more.
"Meal plan, meal plan..." mabilis niyang tinanggal ang suot kong cap at sinabunutan ako. "Hoy, nakita kitang lumaklak kahapon ng street foods, ah?"
"Cheat day 'yon kasi nagutom ako."
Umiling-iling siya. "Mga lalaki talaga, hindi makakahinga kapag walang nagaganap na cheating..."
"Excuse me?! Iba 'yon sa ginawa sa 'yo ng ex mo." I smirked and watched her too stunned to speak.
"Aba, ambastos ng bibig. Palibhasa, hindi ka pa nakakasubok ng relasyon dahil hindi ka crush ng crush mo!"
"Aray. Sakit mo naman. Uuwi na ako," Nakangusong sabi ko. "Akala ko ba biro lang dapat."
"Tama uuwi na tayo, samahan mo na rin ako sa books store dito kasi bibili ako ng copies ng libro ko." Nauna pa siyang tumayo at handa ng umalis.
Nilinis muna namin ang table namin bago lumabas sa fast food chain at dumiretso sa national books store.
"Unang series mo 'yan, 'di ba?" Tanong ko habang nakapamulsang sinusundan siya. "Nasaan ba ang ganito mo?" Tanong ko ulit nang ibigay niya sa akin ang tatlong libro para dalhin sa counter.
"Hiniram ng kaibigan ko." Simpleng sabi niya bago umikot sa isa pang shelf. "Uy, volleyball game na libro, oh! Gusto mo?"
Umiling-iling ako. "Ayoko. Hindi pa nga ako tapos sa tatlong 'to!" ani ko.
"Oo nga pala, balita ko... 'yung libero ng ateneo last year ay magiging outside spiker na nila? Matapos pala 'yon tumalon?" Kibit-balikat na sabi niya.
Outside spiker? Edi, kami ang maghaharap niyan? Sounds good. Mas gaganahan akong maglaro lalo pa at siya ang magiging katapat ko sa best outside spiker na award.
"Ano naman? Mayabang lang naman 'yon." I shrugged.
"Sus, hindi ko pa rin alam kung bakit ka galit sa mukha niya kapag nakakapuntos siya, eh, normal lang naman 'yon nung tiningnan ko."
"Hindi mo lang alam." Tanging sabi ko nalang.
Umuwi rin kami agad pagkatapos naming magbayad sa mga libro niya. Wala palang dalang wallet si tanga kaya ako ang bumayad. Nanghiram pa nga ng pambayad sa 'kin kahit sabi pa niya ay libre niya.
Hinatid ko muna sa kanila dahil maarte siya bago ako lumiko papunta sa condo ko.
From: Lifeline Lola Crezsie
Kailan laro mo? Papasama ako kay Hareit dahil mukhang wala naman akong mga meetings next month.
I smiled upon reading Lola's message.
To: Lifeline Lola Crezsie
Next month, third saturday pa, La. Okay lang naman po kung hindi na, malayo pa byahe niyo, eh.
Mabilis agad na nagreply si Lola kaya hininto ko muna saglit sa gilid ang sasakyan ko.
From: Lifeline Lola Crezsie
Naku, matutulog lang naman ako sa byahe. Okay lang 'yon tsaka minsan lang ang laro mo, eh.
I replied 'Thank you, La.' to her message before I maneuvered my car again.
Naligo agad ako pagka-uwi bago nanonood ng mga volleyball game sa youtube. Tapos na ako sa plates namin kaya wala na akong ibang gagawin.
I checked my phone when it vibrated in my pocket. Sila Vince lang pala, nagtatanong kung pwede silang pumunta dito kasi kasama niya raw sila Sam at Gideon.
Habang naghihintay sa kanila, I typed a message to our org group chat since one of the big event in UP is in the corner already.
Kami ang may hawak sa lahat ng sports doon kaya busy kami kagaya last year na kahit vice president pa lang ako.
Sports Org. & Events Planning
Creshia: @Zeus Feriorei, pres, may na assign na sa mga sports para magfacilitate?
I typed a reply.
Zeus: I already have the list of sports to be conducted this coming event. I'll just be assigning everyone and send it here later so I can ask for your opinions so we can make any changes before submitting the list to our dean.
Tapos ko naman na talaga ang list kaso hinihintay ko pa ang isang dagdag na sports daw sabi ni Dean. Dodoble kapag inuna ko 'tong i-send sa kanila nang hindi pa kompleto.
I opened my tiktok account and saw lots of comment about my newly uploaded video earlier.
@thamuszer: nagpapasalamat talaga ako sa panginoon dahil gumawa siya ng poging ganito para maging masaya naman ang mga araw ko.
@lewlierb: shet, ang sarap niyo naman este ang galing pala 😁
@jeytohalidey: Next song Here with Me, please 🥹
There's a lot of comments I read but only one got my attention.
@1ndruiji: hahahahaha hindi naman maganda pakinggan.
I frowned while reading it and tap his profile icon. My lips parted when I saw who it was. It's the dumbass.
Asshole.
YOU ARE READING
Snippets of Our Future (Commit and Run Series #2)
RomanceFrom the crowd's shouts whenever Zacchaeusse Euseff, the Fighting Maroons Volleyball Team Captain, steps onto the court, to the victories he earned during his reign as team captain-he's no stranger to the spotlight. But somewhere along the way, some...
Prologue
Start from the beginning
