Prologue

1.6K 54 0
                                    

Prologue

LAHAT ng kababaihan ay nasa kusina upang magluto. Ako naman ay kasama ng kuya kong si Donnar, ang brother-in-law ko at ang soon-to-be brother-in-law ko na si Raphael. Nasa garden kami. Kani-kanina lang ay nasa paligid lang ang mga kababaihan pero ngayo'y kami na lang ang natitira. Tiyempong dating ni Brother-in-law galing sa duty kaya ngayon ay boys day out kami.

"Pakarga naman kay Ian, Kuya Donnar," pakiusap ni Raphael sa kuya ko. May baby nga pala kaming kasama. Kinarga ni Raphael si Ian at tuwang-tuwa ito sa pamangkin ko. Ian or Icarus Aaran is my brother's son na wala pang isang taong gulang.

"Where are the ladies?" tanong ng brother-in-law namin ni Donnar.

"In the kitchen, maybe. Preparing food."

"Really? I don't expect my wife to be a good cook but Sheirme's or your wife's cooking is very excellent."

"Don't let my sister hear you. Sasapakin ka no'n," natatawa kong sabi.

"Natututo naman si Roiri eh," sabad ni Donnar, pertaining to our eldest sister.

"Pero iba pa rin ang kalibre ni Mrs. Achilles Perseus Bradford," natatawang sabi ni Raphael. Natawa lang ako sa komento niya. "Seryosong usapan kuya, anong powers meron ka at napaamo mo nang ganoon ang asawa mo?"

"Powers? Wala ako no'n. Kagwapuhan ko lang ginamit ko," natatawa kong sagot. Siyempre hindi iyon totoo. Higit pa sa kagwapuhan ang ginamit ko mapaamo at mapatino lang ang aking pinakamamahal na asawa.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon