Chapter 8: Reconciliation

Start from the beginning
                                    

"Ahhhmm.” Nag-isip ako for awhile. Should I leave him? Should I walk away? Nick. I don’t care, right? So why should I stay?

“Opo." Sagot ko sa driver kasunod ang paghawak ko sa pinto nang sasakyan. Then suddenly, I hear cars skidding to a stop. People gasping. A silence dawned all over me, parang nasa gitna nang isang gyera, bago umatake ang mga kalaban. Everything is tense. Everything is silently eerie. Then all hell break lose, the silence was broken by the sound of reality – cars honking, people talking all at once.

"Oh my God! Yung lalaki!"

"Tignan natin kung anong nangyari."

My heart stopped by the silence awhile ago was now banging on my chest, wanting to get out. Alam kong may masamang nangyari, at alam ko na yung tanga-tangang lalaki na yun ang may kasalanan. Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. I turn around to see what happened.

Malabo. Pesteng luha to oh! Pinunasan ko ang mga luha ko at hinanap ko siya. "Nasaan ka na?" bulong ko sa sarili ko.

I saw a few shocked faces but I found him. There he was, in the middle of the road. A car is next to him. I can still see the skid marks. And people are still looking and whispering.

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nag-umpisa na muling tumulo ang mga luha ko. Bakit ganon? Bakit parang ang layo ng distansya naming dalawa?? Tumatakbo pa rin ako. Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nang makarating ako kung nasaan siya... I slapped him hard on the face. I hate him. I hate him for making me feel this way. I glared at him.

 "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo ha?!” I shout through my tears. Anger. Frustration. Fear. Sinuntok ko siya sa braso niya gamit lahat nang emosyon ko. “Bobo ka ba?! Suicidal?! Mas madali kung tumalon ka mula sa kwarto mo!” Hindi pa din tumitigil yung pag-iyak ko. “Nakaka-asar ka alam m--” 

Hindi niya ko pinatapos. Bigla niya na lang ako niyakap. His left hand's on the back of my neck, his right on my waist. Nasa gitna kami ng kalsada. Him hugging me. Me, crying in his arms. I wrapped my arm around his waist and burry my face against his chest. “Tinakot mo ko, alam mo ba yun?”

"I'm sorry princess." He said silently and he kissed my head.

"Siraulo ka! Alam mo yun?! Bobo ka din!” Pinaghahampas ko siya. Hinampas ko siya nang hinampas. Pero he's not letting go of me. He's still there. We're still there. He's still hugging me. Hindi ko alam kung bakit o pa’no, pero lahat nang galit at pagka-inis ko sa lalaking to, bigla na lang nawala. Kapareho nung unang beses niya ko niyakap, nawala yung takot ko.

Anong ginagawa niya sa’kin? Paalis na ko kanina. I don’t care awhile ago, di ba? Pero ngayon, I want to stay. I don't want him to go. I don't want him to leave. I don't want to leave either. I just want to be here. Here with him.

Nasira yung moment ko nung bumusina yung kotse na katabi namin. "Mga tarantad*! Wag nga kayong maglandian sa kalsada!” Sabi nung driver na muntik nang makabangga kay Dominic.

Biglang bumalik yung galit ko at this time, nakatuon sila dun sa lalaking nasalikod ng manibela. Muntik na niyang mapatay yung tao tapos hindi man lang siya bumaba, tapos ngayon sisigawan pa niya kami at sisirain yung moment ko?!

"Hoy! Umayos ka! Baka hindi kita matantsa!" Hinatak ako ni Dominic paalis dun sa kalsada bago pa ko makalapit dun sa driver at iuntog yung ulo nito sa manibela.

We stand facing each other sa sidewalk. He look at my eyes and speak. "Princess?"

Nawala na yung sadness sa mga mata niya at napalitan na ng guilt.

“Ano na namang katangahan ang sasabihin mo?” tanong ko habang nakapamewang at tinitignan siya ng masama.

"Okay, you have to stop sa mga pagtawag sa’kin ng kung anu-ano. At will you be my girlfriend?" his words became softer sa mga huli niyang sinabi.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now