Chapter 7: Lesson No. 1

Start from the beginning
                                    

Teka! Ano ba tong nangyayari? Baka nagkamali lang ako ng gising. I have to go back to bed. Baka nga nagkamali lang talaga ako. Tama. Bed. Nasa’n ang kama ko?

Parang robot, paakyat na ko ulit ng kwarto ko. Pero pinigilan niya ko by holding my hand. "Saan ka na naman pupunta?" 

Tinignan ko yung kamay ko na hawak niya. Sinubukan kong kunin yun pero he won’t let me. "Sa kwarto ko. I'm going back to bed. Nagkamali yata ako nang gising. Isa itong bangungot. Hindi ito nangyayari."

He walked closer to me and he kissed me on the chick. "No princess. It's real. I'm here and i'm your boyfriend."

"Hinalikan mo ko? Sa harap nang nanay ko?!” tanong ko and I feel my face heat up.

"Why?? What's wrong with that?? I don't think tita would mind? Right tita?"

"No. No. Not at all. Actually, kinikilig nga ako sa inyong dalawa." She said beaming.

At tinignan ko lang siya. Hindi ako makapaniwala. She went back to the kitchen.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" pabulong na sigaw ko sa kanya.

"Sinusundo ka. We have a deal remember? And it starts today." Sagot niya.

"Pero bakit kailangan mo pang pumunta dito? Can we meet up somewhere?"

"You're stubborn princess. That's why I'm here, to make sure you won't break that deal."

"Wag mo nga akong tawaging princess. Nakakadiri—“

Naputol ako sa sasabihin ko nang bigla na namang lumabas yung nanay ko. “Princess... why don't you ask your boyfriend to have breakfast with us."

He’s grinning again. Masyado na siyang natutuwa. At ayoko na natutuwa siya. 

"Ahmm.. Hindi na po. Hindi siya gutom.” Sabi ko sa nanay ko. “Hindi ka gutom diba?” tanong ko sa kanya na may tono nang pagbabanta.

“Sino nagsabi sa'yo?? iI'm starving. Let's have breakfast."  Dumiretso siya sa kusina with my mother at naiwan ako sa sala. Still stunned about what happened. Teka! Hingang malalim. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"Princess Nicole? Let's go. Breakfast is ready."

"Oh sige po, susunod na ko."

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.


NATAPOS ang breakfast na masaya sila. at ako? I'm disgusted. Grabe. All throughout breakfast, they acted as if namamanhikan na yung lalaking yun. Ang hindi ko maintidihan ay kung bakit pa niya kailangang sumulpot dito sa bahay at umarte na parang totoo ko siyang boyfriend? Magiging komplikado lang ang lahat dahil sa ginagawa niya.

Hindi ko na tinapos yung breakfast. Hindi ko sila kinakaya. Pero bago pa man ako maka-layo nang tuluyan sa hapagkainan, pinaalalahanan pa ko nung mokong na may lakad daw kami at “I better get prepared.” Chu. Chu niya. Sarap niyang kutusan. Bossy. Mayabang. Gwapo. Mayabang. Bossy. Bwiseeeet!!

After an hour tapos na kong mag-prepare. Tinagalan ko talaga hoping na mananawa siya kakahintay.

I’m wearing a plaid shirt and ripped jean and black heels. Tinapon ng nanay ko yung mga dati kong sapatos. Pambihirang buhay. Kung alam niya lang ang sumpa nang high heels.

Bumaba ako pero bigo ang plano ko. Nandun pa din siya, naghihintay. Sinalubong niya ko kasama ang nanay ko. She bid us goodbye, asks us to take care and says her “I love you” to me.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now