I don't know if this was a date or something, wala naman siyang sinabi. Ah basta!
"A-Archein." huni ng isang pamilyar na tinig. Pareho kaming napatingin ni Archein sa babae at tumambad sa akin ang nahihiyang mukha ni Alexa.
May hawak siyang isang maliit na pink tumbler at iniaabot niya ito sa amin.
"P-p'wedeng makahingi ng tubig?" nahihiyang saad nito. "Inubos kasi ni Lloyd 'yong akin." marahan itong lumingon sa direksyon ng sinasabi niyang Lloyd, ang partner niya, at itinuro ito. Lingid naman sa kaalaman ni Lloyd na sinisisi na siya ng kapartner niya dahil busy lamang itong nakatutok sa kaniyang cellphone.
Archein's brows furrowed a bit. Pero ako naman ay kinuhang muli ang tumbler at iniabot iyon kay Alexa.
"Of course, there's plenty to share." nakangiti kong saad.
I know Archein is still uncomfortable facing a new and unfamiliar face so I'm trying my best to shoulder his fear. Friendly naman ako at alam ko naman kung paano makihalubilo kaya't ako na lang ang haharap sa kanila.
And besides, Alexa is kind and gentle. We can be good friends.
"Thank you." she said as she took the tumbler from me. Mabuti naman at hindi ko iyon inubos. Archein's tumbler might look a little small, but the capacity is big. Okay lang naman mag-share.
Binalik na ni Alexa ang tumbler at may laman pa naman ito.
"Ah, s-sige. Mauuna na ako." she smiled softly before facing her back against us. Nagsimula na itong maglakad patungo sa kapartner niyang si Lloyd.
After that, the practice continued. Today's practice went smoothly as always. Nang matapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Ang lawak ng ngiti, ha!" Sid teased as she saw me smiling happily while cleaning in our room. Kada Biyernes kasi ay isa ako sa mga cleaners. "Alangan namang masaya ka habang naglilinis! Iniisip mo si Archein, 'no?" she added.
I just gazed at her and smiled proudly, teasing her. Lumawak na lamang ang ngiti niya at 'di kalauna'y natawa.
Lumapit ako sa kaniya at may ibinulong sa kaniya. "May date kami mamaya, mainggit ka!" I whispered in her ear.
Bahagya niya akong itinulak palayo. I giggled as I saw a disgusted look at her face. "I-lugar mo nga ang kalandian mo!" naiiling nitong saad. "At bakit naman ako maiinggit? Agawin ko sa'yo si Archein, eh!"
"Kung kaya mo!" I popped my tongue out and teased her.
Inirapan niya lang ako at natawa naman ako sa kaniya. Ngayon ay naalala kong dati niya nga palang crush ang lalaki, inagaw ko lang! Lol!
Matapos maglinis ay diretso na rin akong lumabas ng classroom para umuwi na. Wala naman na akong gagawin pa. Tapos na ang Eco-Modelo practice, wala kaming volleyball practice ngayon, at wala na rin akong unfinished activity.
Nagpa-print na rin ako ng copy ng questions at ibinigay ko na iyon kay Alexa kanina.
"Si Archein?" tanong nito nang inilahad ko sa kaniya ang kopya ng questions.
"Ah, wala. Hindi ko kasama." I simply answered.
A look of disappointment coated her face. She bit her lower lip before smiling softly. "S-sige. Thank you ulit dito." saad nito.
I was a bit weirded out about how she reacted but I just shrugged it off. Inalintana ko na lang ito at umalis na.
"7-Eleven?" tanong ni Archein na ngayon ay nasa tabi ko, kasabay kong naglalakad pauwi.
I smiled. "Yeah." I said while nodding.
Pumasok kami sa 7-Eleven at kahit walang sinasabi, pareho kaming naglakad patungo sa ice cream cooler. He opened the lid of the cooler and let me pick my ice cream first. As always, matcha cone ang kinuha ko.
STAI LEGGENDO
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 19
Comincia dall'inizio
