Chapter 5
"Ate." napatigil ako sa paglalakad pataas ng hagdan nang marinig ang boses ni Chelsea, ang nakababata kong kapatid na babae.
Kakatapos lang namin maghapunan kaya't ninais ko na agad na pumanhik sa kuwarto ko. Ngunit hindi ako natuloy dahil sa pagtawag sa akin ng kapatid ko.
I gently turned my head towards her and forced a smile. I raised my brows to urge her to speak.
I saw how she bit her lower lip as she hesitantly tried to speak. Napayuko siya at halatang may nais siyang sabihin ngunit halatang nahihiya siyang isatinig ito.
I gently sighed before travelling down the stairs again. Pinanood niya akong bumaba mula sa hagdan at maglakad palapit sa kaniya.
"Bakit, Chel? May problema ba?" I worriedly asked as I neared her.
"Ate." she called as she faced me. She pursed her lips, hesitating. But in the end, she still managed to speak. "Puwede bang... puwede bang manghiram?" pahina nang pahina ang boses nitong tanong.
I gently furrowed my brows as I stared at her, confused.
"Ng ano, Chel?" tanong ko, kahit may ideya na ako kung ano ang nais niyang hiramin.
She heaved a deep sigh. Nahihiya siyang tumingin sa akin. "Ng pera sana, ate." sa wakas ay saad nito.
Mahina akong napasinghap. Yumuko siya at umiiling na lang akong napatitig sa kaniya.
"Wala ka na bang allowance, Chel? Biyernes pa lang, 'di ba? Sa Lunes pa tayo bibigyan ni Mama." saad ko.
"M-mayroon pa naman, ate." naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "Pero... pero may gusto lang sana talaga akong bilhin." mahinang tugon nito bago muling yumuko.
I again, sighed for the nth time. I pursed my lips as I tried to look away. Kahit naman ano ang gawin ko ay alam ko, at alam niyang hindi ko siya matatanggihan. Ganito na kasi ako eh. I always prioritize what my sister wants or needs before mine.
Nasanay na ako.
"Magkano ba ang kailangan mo, Chel?" tanong ko, ang tingin ay wala sa kaniya. Malayo ang tingin ko mula sa kaniya dahil kahit labag sa kalooban kong magbigay ng pera sa kaniya ngayon ay alam kong wala akong magagawa.
"U-uhm..." nauutal nitong saad. Sa pangamba pa lamang sa boses niya ay alam kong hindi lamang basta isang daan ang hihingin niya.
Napatingin ako sa kaniya, magkasalubong ang parehong kilay.
She shallowed. "Five hundred, ate." our eyes met and I noticed how she was pleading. Nagulat ako sa halagang hinihingi niya, ngunit nang makita ang pagsusumamo sa mga mata niya ay agad din akong nanghina. Alam kong hindi ko mapipigilan ang sariling kagustuhan na unahin ang kapatid ko ngayon.
I blinked multiple times as I tried to scold myself. Kahit ano talagang pagkontrol ang gawin ko ay palaging mauuna para sa akin ang kapatid ko.
We are not poor, but we aren't rich either. Kumbaga, may kaya lang. Aaminin kong ang isang libo't limang daang allowance namin ng kapatid ko kada linggo ay masyado nang malaki para sa akin. Ngunit hindi ko magawang sabihin kay Mama na bawasan iyon dahil kahit papaano'y kailangan ko rin naman iyon.
But I always encourage myself to save money. Hindi lamang basta napupulot ng mga magulang ko ang perang ibinibigay nila sa akin. Kaya't kahit ang mga luho ko ay kailangan ko pang pag-ipunan. Ni minsan ay hindi ako nanghingi kina Mama ng pera para sa sarili kong kagustuhan lamang. I always take money from my weekly allowance and save them, little by little, until I finally have enough to buy what I want.
YOU ARE READING
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
