Chapter 13

28 4 1
                                        

Chapter 13



Nang makaalis na sina Brent at Archein ay gulong-gulo pa rin ang isip ko. Nakapako pa rin ako sa aking kinatatayuan at parang tangang nakatulala lang. Nakabalik lang ako sa katinuan nang marinig ang tawa ni Sid.

"Gosh, Ley." natatawang anito. "I think someone's jealous." muli itong ngumisi.

Nakakunot ang aking noo nang humarap akong muli sa kanila. Faith and Sid were now both holding a smirk on their lips. Para itong mga tanga at napapailing pa.

"I think she's right, Harley. Mukhang nagseselos nga siya." napatingala naman ako sa nagsabi niyon. Naalala ko tuloy na katabi ko pa pala si Liam. His tensed conduct was now gone. He was now smiling ear to ear. Parang nasisiyahan sa mga nangyari kanina. "Sa akin? Really? Suitor?! E binasted mo na nga ako 'di ba?" natatawang anito.

"Wait, binasted mo si Liam, Harley?" gulat na tanong ni Faith.

Muli akong napatingin sa kaniya at nakitang naguguluhan ito. I bit my lower lip as I slightly nodded. Ngunit imbes na mangunot ang noo ay mas namuo lamang ang ngisi sa mga labi nito.

"Bakit, Harley? Is it because you... already like someone else?" mapaglarong tanong nito.

I rolled my eyes, trying to keep my cool. "Hindi 'no." simpleng sagot ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Liam. Tsk, pahamak talaga!

"Tsk! Kunwari pa—" Sid was about to tease me again but she was interrupted by the beeping of her phone. Kinuha niya iyon at kinalikot pa. She then stopped pressing it and just stared at it, like she was reading something. "Oh, we need to go na! Tara na Faith! Bye, Harley, Liam!" paalam nito nang muling ibinalik ang tingin sa amin.

Tumango na lang ako dahil parang pinapaboran ako ni Lady Luck ngayon. Well, ngayong moment lang na 'to, tsk! Phew, walang interrogation ngayon.

"You still owe us chika, Harley!" pinaningkitan ako ng mata ni Faith. "Bye!" ngumiti na itong muli at nagpaalam na. Matapos ay nagpaalam na rin ako at pinanood ko na lamang silang maglakad paalis. Mukhang nagmamadali pa si Sid.

Agad akong napabaling kay Liam nang marinig ko ang pagtikhim nito. I faced him and raised my brows, urging him to speak.

"LQ kayo 'no?" he playfully asked.

Agad namang nangunot ang noo ko. But I immediately rolled my eyes as I got what he was pertaining to.

"Q lang, walang L! We're not lovers!" bulalas ko agad sa kaniya na ikinatawa lang niya.

"Sabi ko kasi sa'yo, sa'kin ka na lang eh." humirit pa ang gago!

"Okay, 'tong kamao ko, sa mukha mo na lang." prenteng ani ko at ngumiti pa sa kaniya.

Natawa lamang siya. "Seriously though, you haven't talked yet? All I know is you rejected me already at ngayon ay nagmo-move on na ako sa'yo. Hindi niya ba alam 'yon?" seryosong anito ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

I rolled my eyes. "No, we haven't talked yet. At wala rin akong planong kausapin pa siya." inis kong saad.

His forehead creased but his smile never faded. Mas lalo nga lang itong lumawak. His playful smirk just grew wider, like he was already ready to tease me again.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now