Prologue

214 18 31
                                        

Prologue



"'Di ba?" eksaheradang sagot ng isang tinig na narinig ko.

"Like, kung mag-iinarte siya, dapat siguraduhin niya na ring may ibubuga 'yong pagmumukha niya! Hindi 'yong puro mabahong hininga lang ang ibubuga niya, 'no." saad naman ng kausap nito.

"Ang lakas ng topak!"

"Mas malakas hamog ng kilikili no'n!" sagot ulit nito.

Tatawa-tawa na lang akong pumasok sa loob ng classroom namin. Ang aga-aga, puro tsismis na agad sila, worse, ang lakas pa ng boses nila na para bang walang ibang nakakarinig sa kanila.

"Oh, sino na naman ba 'yang kaaway mo, Sid?" natatawang tanong ko rito pagpasok ko ng room. Paano'y pagpasok pa lang ay talagang bubungad sila sa'yo. Nasa tapat ba naman ng pintuan. Ang lakas ng loob at doon pa nag-tsismisan.

"E 'di sino pa?" mataray na saad nito. I mentally giggled. Tumingin ako sa kausap niya at nakitang natatawa rin ito.

"Ah, yung arch nemesis mo?" nakangising saad ko.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Sino sa kanila?" mukhang naguguluhang tanong nito.

Natawa na lamang ako sa sagot niya. Sa dami ba naman ng kaaway niya rito sa campus ay hindi na bago kung hindi niya alam kung sino ang arch nemesis niya.

"Si it girl?" tanong ko.

"Ang daming it girl sa campus, 'te." mataray na sabi nito. "Lalo na diyan sa kabilang section." natawa ako nang mas nilakasan pa nito ang kaniyang boses.

"Eh, si pa-victim?" tanong kong muli.

"Hindi rin." pinag-krus nito ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.

"Eh sino ba kasi? Sabihin mo na lang." natatawang saad ko.

"New enemy unlocked kasi, Ley." natatawang saad ni Janette, 'yong kausap niya kanina.

Well, hindi na ako nagulat. Halos linggo-linggo naman ay may bagong kaaway 'yang si Sid. Napaka-war freak talaga. Nevertheless, kaibigan pa rin namin siya. Totoo ngang marami siyang kaaway, at oo, nakikisabay kami sa kaniya kapag nilalait namin ang mga kaaway niya, pero kapag dumating sa komprontahan, hinding-hindi niya kami dinadamay.

She never lets her enemy touch us—her friends. Kapag laban niya, laban niya lang.

"Name drop naman 'te. 'Wag kang maramot!" humarap akong muli kay Sid.

"Ah basta! Naiinis ako ngayon! 'Wag n'yo 'kong kausapin!" mataray nitong saad bago kami tinalikuran. She then stormed off and went out of the room after that.

Natawa na lamang ako ng mahina nang makalabas na siya.

"Sino ba 'yon, Janette." baling ko kay Janette.

"Hindi ko rin alam eh." kibit-balikat nitong saad.

My brows furrowed. "Gaga! Bina-backstab mo pero 'di mo naman kilala!"

"Eh halatang wala sa mood si Sid! Sinabayan ko na lang." depensa nito.

Natawa na lang ako. Well, you wouldn't want to make Sid angrier. Tinungo ko na lang ang upuan ko at ibinaba na ang bag ko roon.

I took my phone and opened it. Since wala pa naman ang teacher namin ay napagdesisyunan ko na lang na buksan ang Spotify app ko at nagpatugtog ng music.

"It's you, it's you, it's all for you, everything I do. Tell you all the time, heaven is a place on Earth with you. Tell me all the things you wanna do." Buong puso kong sinabayan ang kantang Video Games ni Lana Del Rey. It's one of my most favorite songs off her album Born To Die.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now