Chapter 11

40 5 2
                                        

Chapter 11



"You like matcha? Doesn't it taste like grass?"

Agad kong inirapan si Brent nang kumuha ako ng matcha ice cream cone mula sa cooler. Napansin kong mas marami na ang stocks ng matcha flavored ice creams ngayon. Huh, I wonder why? Baka mas nagiging popular na ito ngayon?

"Hehe. Joke, masarap naman 'yan." mahinang saad nito nang makita ang masamang tingin ko sa kaniya.

Uwian na. Magkasama kaming naglakad ni Brent nang tuluyan nang tumila ang ulan. Suot ko pa rin ang medyo malaki niyang t-shirt, pero komportable naman na ako rito.

Nakita ko ang hawak niyang ice cream cone. Strawberry ang flavor nito.

"Are you gay?" natatawang tanong ko.

Nangunot ang kaniyang noo na para bang na-offend siya sa sinabi ko. Marahan akong natawa dahil sa ekspresyon niya.

He pouted. "Bakit? Babae lang ba ang puwedeng kumain ng strawberry flavored foods?" asik nito. Naglalakad na kami patungo sa counter. He paid for both of our ice cream before leaving 7-eleven. "Porke't pink, bakla na agad?" dagdag pa nito.

"Sorry." I giggled. "Pero feeling ko, bagay sayo mag-bakla." naiiling na saad ko.

"Huh!" he exasperatedly huffed. "If mag-gay ako, I'll agaw Archein from you!" he said as he acted gay and talked conyo.

I leered at him. I raised a brow before dramatically flipping my hair. "As if namang magugustuhan ka niya, 'no!"

He dramatically held his chest. "Yes na yes!" He rolled his eyes. "We slept together na kaya! He hugged me pa nga ng super tight!" he argued, still acting like a freaking gay. Ha! Bagay nga sa kaniya.

"Gago!" natatawa kong hinampas ang kaniyang braso.

He laughed. Matapos ay muli siyang nag-seryoso. "But no joke though, I think his love language is physical touch. I mean, cuddles and hugs, gano'n." he chuckled.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Pa'no mo alam?" I judgementally asked.

He gasped. "Siyempre, bading na bading sa'kin 'yon! Lagi kaya akong niyayakap no'n 'pag magkatabi kaming matulog!" natatawang anito.

I just found myself pouting. Physical touch, huh? Cuddles and hugs? Tsk! Mukhang hindi naman siya interesado sa mga gano'n. Baka nagsisinungaling lang 'tong mokong na 'to. At ano nga ba'ng pakialam ko? Tsk! I'm still pissed at him.

"Aanhin ko naman ang love language niya?" I rolled my eyes. "As if namang papatulan ko 'yon!" inis kong saad.

I lied, of course. Naiinis lang talaga ako sa kaniya ngayon. Ayoko muna siyang makita dahil marupok ako! Baka kapag ngumiti lang siya sa akin ay makalimutan ko lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. I'm too vulnerable when it comes to him.

"Sus, kunwari pa si 'teh!" natatawang ani Brent. "Parang hindi mahal ah!" he judged, pang-bakla pa rin ang boses niya.

I made a disgusted face. "Hindi naman talaga! Bahala siya, hindi ko siya papansinin, mga isang taon!" reklamo ko, but I know I'm not capable of doing that.

He just giggled as he gently shook his head. Pareho kaming naglalakad habang kumakain ng ice cream. Matapos ay agad rin kaming nagkahiwalay ng daang pupuntahan. I told him that I'll wash his shirt before returning it to him. He just agreed as we both parted ways.

When I went home, wala pa ring tao roon. I just sighed as I started doing my chores before finally heading to my bed to get some rest.

While sitting on my bed, I opened my Spotify app and played some of my favorite Billie Eilish songs. Binuksan ko ang Twitter account ko para sana ilabas lahat ng inis ko ngayon. I don't know, there had been a lot of mixed emotions inside of me since earlier. Maybe this is because of his mixed signals too?

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now