Chapter 7

56 6 10
                                        

Chapter 7



"Bakit ngayon ka lang, Chelsea?" istriktong tanong ko nang mahuli si Chelsea na kauuwi lamang. Alas diez na ng gabi, umuuwi pa lamang siya.

I saw the panic in her eyes. Matalim ko siyang tiningnan habang magkasalubong ang aking mga kilay. "A-ate. May... May pinuntahan lang." she slowly muttered, her eyes were roaming. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin. She's obviously lying.

Nakapamewang akong umiling. Hindi ko akalaing nagagawa nang umuwi ni Chelsea nang ganito ka-late. Kaninang umaga pa siya umalis at ngayon lang bumalik. Ni hindi ko siya nahagilap na umuwi man lang para kumain.

"Magsabi ka ng totoo, Chelsea." pirming tanong ko. Hindi niya ako maloloko 'no.

She bit her lower lip as she stared at me, panic was evident in her jittering eyes. Hindi siya nagsalita at naglakad na lang patungo sa sofa, nilampasan lamang ako. My brows furrowed more. Aba't nilampasan pa ako.

"Chelsea! Sagutin mo ako." pagpupumilit ko.

Inis itong bumaling sa akin. "Alright, alright! I was with my friends! There! Happy?!" may halong inis sa boses nito. Lalakad na sana siya paalis ngunit mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso.

"'Wag mo akong pagtaasan ng boses." banta ko rito.

Her brows furrowed as she gazed on my hands gripping on her elbow. Muling bumalik ang tingin niya sa akin. She rolled her eyes and shoved my hands away.

"Sinabi ko naman na sa 'yo, 'di ba? I was with my friends!" giit nito.

"So, para sa kaibigan mo rin 'yung chocolates na binili mo?" saad ko. Mukhang natigilan siya sa sinabi ko at muling bumalik ang kaba sa kaniyang mga mata.

She blinked multiple times and I saw how she swallowed hard. "P-pa'no mo nalaman?" halos hindi makapaniwalang tanong nito. She was breathing raggedly.

I scoffed. "So, hindi pala sa friends, huh? Tell me, is it for your boyfriend?" diretsong tanong ko. Her eyes widened. She immediately gazed away as she bit her lower lip.

Affirmative. This woman doesn't know how to keep her cool. She cannot keep a secret. She cannot live a lie.

I sighed. "I won't tell Mom." mahinahon kong saad. Her eyes softened as she looked at me, still shocked. "But please, tell me the truth." halos magmakaawa kong saad.

She blinked multiple times before diverting her gaze.

"O-oo ate. Para sa boyfriend ko nga 'yon." mahinang tugon nito. "First anniversary namin ngayon." dagdag pa nito.

My mouth gaped as I tried to stifle a sigh. My jaw tightened as I looked at her.

How could she? Oo, alam ko, matanda na siya at maaari na siyang gumawa ng mga desisyon para sa sarili niya... but how could she hide it from us for too long? First anniversary? Ibig sabihin, grade nine pa lang siya ay kasintahan niya na ito.

"Yet you were the one who gave him chocolates?!" eksaheradang sumbat ko.

Napapitla siya sa naging sagot ko. "I-it was just... wala kasi siyang p-pera para bumili n'un, kaya... kaya ako na lang ang bumili." ramdam ko ang kaba sa bawat salitang namutawi mula sa mga labi niya.

I sighed. Siya rin naman ah! Wala rin naman siyang pera! Nagawa niya pang mangutang sa akin para lang mabigyan ng regalo ang boyfriend niya kuno. How effortless of that man! First anniversary pero ang babae pa ang nagbibigay ng regalo. If it were me, I'll leave him for sure.

"Please don't tell Mom." napatingin ako kay Chelsea. She looked at me with her pleading eyes. I just heaved a heavy sigh as I slightly nodded. Mabuti na lang at wala rin sina Mom at Dad ngayon sa bahay.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now