Chapter 5: I Should've Stayed

Start from the beginning
                                    

Ibinalik ako sa ngayon nang mabahong hininga na bumalot sa buong nostrils ko.

"Wag kang magalala. Dadahan dahanin ko para di ka masyadong masaktan."

Hindi! Hindi pwede!

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. Pero hawak na ako ng mga alipores niya.

"Wag kang umupo lang diyan! Lumaban ka!"

narinig ko na naman ang boses niya.

"Hindi ko na po kaya" sabi ko sa kanya.

"Anong hindi kaya! Kayanin mo! Paano ka mabubuhay?!”

Kasabay ng ala-alang yun ang pagpatak ng luha ko. Gusto kong lumaban. Tuloy tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko.

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa leeg ko.

 "Hindi.." sabi ko habang umiiyak "Wag. Parang awa niyo na."

Iyak. Iyak. Walang tigil sa pag-iyak. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito. Simula nung pinagbawalan akong umiyak ng nagpalaki sa akin. Si mama. Ayaw niya kong nakikitang umiiyak. Nagagalit siya.

May narinig akong parang pinunit. Yung damit ko. Pinilit kong takpan yung katawan ko, pinilit ko pero hawak pa din nila ako. Lalo pang umagos ang mga luha ko. Ayoko nang pakiramdam na walang laban. Nang hindi makalaban.

"Ayus to! Makinis! Maputi! Parang labanos! Paborito ko pa naman ang labanos"

Pababa na ang mga labi niya sa leeg ko..

Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko. Sa mga oras na to, ayaw ko man aminin pero pakiramdam ko katapusan ko na.

"Get your filthy hands off her!"

Huminto siya, yung boss. Huminto siya sa ginagawa niya.

"Sinong pangahas ang nakialam sa pagkain ng hari ha?!"

"I said get your dirty hands off her!" Galit na galit yung boses ng lalaki.

"Ano? Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, wag mo siyang hawakan.” The guy said with deathly silence. Tapos may narinig akong balibagan.

Naramdaman ko na lang na wala na sa ibabaw ko yung boss nila. Wala naring nakahawak sa kamay at paa ko. Pero hindi pa rin tumitigil sa pagbagsak ang mga luha ko. Nanginginig pa din ako sa takot!

Sinikap kong makatayo. Puro balibagan lang ang naririnig ko. Tinignan ko kung anong nangyayari. Malabo. Dahil na rin siguro sa mga luha ko. Pinahid ko ang mga ito at hinanap kung saan nanggagaling yung mga balibagan. Likod lang nung isang lalaki yung nakikita ko, at... mukha itong pamilyar... si...

Anong ginagawa niya dito? Bakit?

Nandun lang ako sa sulok. Umiiyak. Nick! What's happening to you? You're not suppose to be there. You're suppose to be fighting for...

"Are you ok? Are you hurt?" narinig kong tanong niya sa di kalayuan. He sounds so worried. Hindi ako makapagsalita. Nanginginig pa din ako. Sa takot? Sa galit? Hindi ko alam.

"Hey! Answer me! Are you okay?! Sinaktan ka ba nila?! Damn! Why are you not answering?!!"

Hindi ko alam kung pano nangyari pero.. "Ikaw kaya muntik gahasain!" sabay ngawa.

Huminga siya ng malakas, parang relief?

"So you're fine then." itinayo niya ako. I'm still shaking. Damn! Why do i have to be weak in front of this guy?!

Sa sobrang galit ko. Sa sarili ko, sa mga lalaking to at sa sitwasyon.. Naglakad ako papunta sa mga lalaking nakahandusay sa tabi. Hinanap ko yung may pinakapangit na mukha sa kanila tapos pinagsisipa ko siya. Sinipa ko siya ng sinipa... habang umiiyak ako... sinipa ko lang siya ng sinipa.. Bumuhos na naman ang mga luha ko. Di pa din ako tumigil. Hindi ako makukuntento. Gusto ko siya... sila saktan hanggang sa malumpo sila. Ayoko tumigil hanggang sa may humawak sa balikat ko. Iniharap niya ko sa kanya. Natatandaan ko tong unbuttoned shirt na to. Si goddamnshoe.

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin.

"Shhh. Shhh. Don't worry. You're okay now. You're safe. I'm here."

At anong iniisip ng lalaking to?

Hindi ko nagawang umalis sa pagkakayakap niya sa kin. For the first time in a long time. I feel safe. Not because of my own strength but because of this guy. I felt like I’m in the safest place in the world. Like no one could harm me. And for the first time, I felt like I don't have to fight for myself 'coz finally, someone's there to fight for me..

I can't stop crying, parang nung unang beses kong umiyak sa tanang buhay ko.

"Sshhh. I'm here. I won't leave you."

Narinig ko na yung mga salitang yun dati nung bata ako. Sabi yun ng papa ko. Sinabi niya yun matapos niya kong makita na umiiyak.

Sinama niya ko nun sa city. Unang beses ko yun nun. Sobrang saya ko, nabitawan ko yung kamay ng papa ko kaya napahiwalay ako sa kanya. Nawala sa malaking syudad.

Nakalimutan ko na yung ibang nangyari. Basta ang alam ko na lang, yakap ako ng papa ko habang umiiyak ako.

"Sshhh. Nandito na si papa. I won't leave you. I promise."

Lalong bumuhos ang luha ko sa ala-ala na yun. Bumalik lahat ng sugat. Mahina na naman ako.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now