Chapter 5: I Should've Stayed

Start from the beginning
                                    

"Shattaap! Alam kong nagingles! Bobo mo!" sigaw pabalik sa kanya nung boss nila.

Humarap siya ulit sa’kin at ung hahawakan niya ulit ako, hinarang ko yung kamay niya.

 "Sinabi ko nang wag mo kong hahawakan eh!”

"Aba! Lumalaban ka ha! Mga bata! Alam niyo na!" sigaw niya.

Hala! Ano daw? Alam na nila? Ang ano?

Nawala na yung boss nila sa harap ko at napalitan sila nang dalawang lalaki. Biglang may humawak sa isang kamay ko, tapos sa bewang.

"Nyeta! Sinabi nang wag niyo kong hawakan eh!"

Tapos sinuntok ko gamit ng isa ko pang kamay sa mukha yung lalaking nasa harap ko. Pero may humawak ulit galing sa likod. Umikot ako tapos sinipa ko yung "alam niyo na" nung isa pa. Tumumba siya. Isa na lang siya. Sinipa ko yung birdie nung kaninang sinuntok ko. Namilipit din siya sa sakit.

I’ve done the fighting. Now time to do the flight. Paalis na sana ako, kaso  may dalawang humarang sa akin. Nakalimutan ko na may dalawa pa pala. Tsk!

 “Sa’n ka pupunta? Di pa tayo tapos."

"Oo  nga."

Sinubukan kong tumakbo papalayo, pero hinawakan ako nung isa sa magkabilang braso ko at kasunod nito ang pagsuntok nung lalaki sa harap ko sa tiyan ko. “Aahh!!” Napaupo ako sa sobrang sakit. Hawak ko ang tiyan ko at namilipit sa lupa. Damn! This is too painful!

Lumapit na naman yung boss nila, "So ano? Pwede na ba kitang hawakan ngayon?" tanong niya habang naka-upo siya sa harapan ko.

Kailangan kong makaalis dito. Yun lang ang nasa isip ko. I have to run. Sinikap ko ang makatayo, tumatawa lang sila sa paligid ko. Nung sa tingin ko kaya ko na, ginusto kong tumakbo, pero unang hakbang ko pa lang, natapilok ako 

Great! Bakit ngayon pa ko natapilok? Bwiset!

Mas lalong luamakas ang tawanan ang mga loko sa likod ko!

Goon1: "Miss. Di mo naman kailangang tumakbo eh."

Goon2: "Nandito kami para pasayahin ka."

Boss: "Para dalhin ka sa langit.."

Kinilabutan ako sa mga sinasabi nila. I never felt this scared in my entire life. I felt chills inside. Anong gagawin nila sa’kin? Anong balak nila? I know inside of me what they’re about to do. Pero ayokong pumayag. Hindi pwede ito.

Habang nakatayo ako, thinking of what I’ll do next, I felt someone grab me by the hair. Yung boss nila. I felt his face near mine. Hinatak niya yung ulo ko, tilting it up. "aahhhh!!"

"Ano? Nasasaktan ka na ba?" Naramdaman at naamoy ko yung mabaho niyang hininga.

"Ikaw kaya sabunutan kong gag* ka!"

"Aba! Matapang ka pa rin ah!"

Sinenyasan niya yung isa sa mga alagad niya at naramdaman ko na sinuntok na naman nila ako sa tiyan! I choked out, at napahiga na ko sa kalsada.

"Ano miss? Lalaban ka pa ba?"

Sa unang pagkakataon, hindi ako makapagsalita. Hindi ako makalaban. Hindi ko na alam gagawin ko.

Sa unang pagkakataon, naging mahina ako. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Hindi dapat ganito. Dapat lumalaban ako..

"Walang ibang magtatanggol sa'yo kundi ang sarili mo..."

Yun ang sabi niya. Ganito niya ko pinalaki. Ako lang ang maasahan ko. Wala nang iba...

Pero anong gagawin ko ngayon? Hindi ko kaya...

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now