Plano kong mag-skip muna ng break at sagutan na lang ang assignment dahil after recess ang subject ni Mrs. Clarinal, which is GenMath. Ayokong mapatayo sa labas ng hallway, 'no!

"Harley, may naghahanap sa 'yo." nagulat ako nang sabihin iyon ni Janette. I faced her and gave her a questioning look. "Nasa labas, hinihintay ka." she was slightly giggling as she spoke. Makabuluhan pa ang tinging iginawad niya sa akin.

Napakurap-kurap ako bago sumilip sa may pinto ng room namin. Gayon na lamang ang gulat ko nang makita ro'n si Archein. Hindi siya nakaharap sa akin dahil kaharap niya ngayon sina Liam at ang isa ko pang kaklaseng si Troy at mukhang kausap niya iyong dalawa. Hindi rin nagtagal ay tumango si Archein sa dalawa at nakita kong naglakad na sila palayo.

I couldn't react faster as he suddenly gazed my way. My eyes widened as our eyes met. Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi at marahang kumaway nang makita niya ako. I smiled back before looking back at Janette.

"Siya yung ka-partner mo sa Eco-Modelo, 'di ba? Siya rin pala ang nag-iwan no'ng sandwich at Dutchmill kanina." saad ni Janette.

"Ah, oo, si Archein." sagot ko.

"Oh siya, punta ka na do'n. Hinihintay ka yata eh." she giggled before leaving.

I just sighed as I closed my bag. Kinuha ko ang bag bago tumayo at naglakad patungo kay Archein. Buti na lang, naunang lumabas si Sid dahil kung hindi, baka kung ano-anong panunukso na ang sinabi niya. Tsk!

"Hi, how was your day?" agad na tanong ni Archein nang makalapit ako sa kaniya.

"I barely made it through, Archein." I humorously answered.

Natawa siya at inilahad ang kaniyang kamay. "Alright, how was your first and second period, then?" Tinuro niya ang aking bag, gesturing me to hand it over to him.

I bit my lower lip as I handed him my bag. "It was... fine." mahinang sagot ko.

Sinuot niya ang isang strap ng bag ko sa kaniyang kanang balikat. Para siyang lalaking nagbibitbit ng bag ng girlfriend niya dahil halatang hindi sa kaniya ang bag dahil pambabae iyon.

"Did you eat what I left in your desk earlier?" tanong nito. Nagsimula na siyang maglakad kaya't sinabayan ko na siya.

"Ah, oo. Thank you pala."

"It's fine, just don't skip breakfast again. If you want, kung late ka ulit magising, just tell me through chat. I'll leave food at your desk every now and then."

I pressed my mouth shut to stop myself from smiling. How thoughtful. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin rin siya sa akin, mukhang naghihintay ng isasagot ko.

"Sige, if you say so." nahihiya kong sagot at agad ring umiwas ng tingin.

"Sa'n mo pala gustong kumain?" tanong niya.

"Hmm..." since wala akong packed food ngayon ay hindi kami puwedeng tumambay sa library. Magkaiba kasi ang direksyon niyon sa cafeteria. "Sa cafeteria na lang." sagot ko at humarap sa kaniya.

He smiled. "Tara." hinuli niya ang aking kamay at sinabayan ako sa paglalakad.

We walked until we arrived inside the cafeteria. Nagulat pa ako nang makitang nandito sina Faith at Sid. Nais ko sanang tumalikod at maglakad palabas ngunit huli na ang lahat dahil nakita na nila 'ko.

"Oh my god, Harley! Dito kayo!" nakawiwindang na sigaw ni Sid. Humagikhik pa ito at maging si Faith ay ganoon rin ang ginawa.

I heavily sighed as I melted inside. Why didn't I consider the possibility that they'd both be here? Siguro nakalimutan ko na lang dahil kay Archein! Argh!

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now