Chapter Twenty-Six

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang lakas ng ulan."

"Titigil din yan," itinaas ni TOP ang makapal na kumot sa balikat ko.

Magkatabi kaming nakaupo sa sofa at nakabalot ng kumot.

"May bigla akong naalala," sabi ko.

"Ano 'yon?"

"Si Michie," natawa ako. "Tuwing umuulan lagi kong naaalala yung pag-akyat nya sa kwarto ko. Stalker. Napagkamalan ko syang multo."

"Stalker?"

"Sinundan kasi nya ako sa bahay. Gusto daw nyang makipag-kaibigan... in a creepy way nga lang."

Natahimik sya.

"TOP?"

"Miracle, what if..." tumahimik ulit sya.

"What if what?"

"Nevermind," he sighed. "Matulog ka na."

"Hindi na yata ako makakatulog pa, natatakot ako eh."

"Babantayan naman kita."

"Ayoko," sumandal ako sa dibdib nya.

"Ano'ng gusto mong gawin natin ngayon?"

"Mag-usap. Mag-kwento ka naman."

"About what?"

"Kung ano ka nung bata ka? Yung mga ginagawa mo. Mga lugar na napuntahan mo. Kung sino ang unang nakaaway mo. Una mong black-eye." Natawa ako.

"Hwag mo akong pagtawanan Wifey."

"Naiimagine ko kasi kung ano'ng hitsura mo nung bata ka pa."

"At ano'ng hitsura ko?" Hinaplos nya gamit ang isang kamay ang buhok ko.

"Isang batang bully. Hahaha!"

"Tss."

"Hahahaha! Tama ba?"

Nagkibit balikat lang sya.

"TOP."

"Hmm?"

"Inaantok ka na ba?"

"Hindi pa."

"Good! May itatanong ako sa'yo."

"Kung hindi mo napapansin Miracle, kanina mo pa ako tinatanong."

"Hindi mo naman kasi sinasagot nang maayos."

"Hindi ko naman kasi kailangan sagutin."

"Bakit?"

"Dahil sinabi ko."

"Ang dami mong sikreto. Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala kita ganon kakilala no?"

"Kung ano ako sa'yo, yun ang tunay na ako. Hwag mong pagdudahan, sayo lang ako totoo."

"Parang tula! Hahaha! Isa kang romantic na tao! Haha-Aray!" napahawak ako sa pisngi ko, kinurot nya.

"Pinagtatawanan mo ako?" -__-

"Hindi TOP, hindi, iniiyakan kita oh grabe dami kong luha."

"Pilosopo ka na ngayon?"

"Hahaha! Ang cute mo grabe!"

"Tss. Hindi ako tuta."

"Kakainis ka!"

Parang nagulat sya. "Ano'ng kasalanan ko?"

"Ang gwapo mo kasi masyado," kinurot ko ang magkabilang pisngi nya.

"Hwag mong paglaruan ang mukha ko Wifey." -__-

"KYAAH! Tinawag mo akong Wifey! Ulitin mo nga!"

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon