"Date mo ba 'yung kasama mo? Are you his girlfriend?" walang prenong tanong nito.
Agad na namilog ang aking mga mata. I scoffed as I faced her and gently shook my head. "Hindi 'no! Kaibigan ko lang naman 'yon. Nagyaya lang pumunta rito." I simply answered.
"Ah, okay." tumango-tango ito. "Pero bagay kayo." muling saad niya habang may kakaibang ngiti na nakaukit sa kaniyang labi.
Halos masamid ako sa sariling laway. Kumunot ang noo ko sa kaniya at muling umiling. "'Di kami talo no'n." natatawang ani ko. Ngumiti ako sa kaniya nang makitang tumawa lang ito. Even her laugh sounds angelic. I swallowed hard as I bit my lower lip, ready to speak to her again. "Kayo?" agaw ko sa atensyon niya. "Date mo ba 'yung kasama mo?"
She smiled at me. "I wish." she chuckled.
Nawala ang bara sa lalamunan ko. So, hindi niya date si Archein. Eh, kaano-ano niya 'yon? Maybe tama nga si Faith. Kaibigan lang siya ni Archein. I don't want to assume, pero sana, kaibigan lang siya.
"This place seems popular already." muling naagaw niya ang atensyon ko. "I heard this is owned by a famous pastry chef." dagdag pa nito.
Tumango-tango ako. Ah. Kaya naman pala halos hindi pa isang linggo ay marami na agad ang costumers. The owner is famous. That explains it.
Hindi na kami nagkausap pang muli dahil dumating na ang dalawang lalaki. Wala pa silang dalang pagkain, malamang ay hihintayin pa namin ang orders namin. Nakumpirma ko na lamang iyon nang sabihin ni Liam na tatawagin na lang daw ang pangalan nila ni Archein kapag ready na 'yung orders.
"Do you like strawberries?" nagulat ako nang pabulong na itinanong sa akin iyon ni Liam na ngayon ay nakaupo nang muli sa aking tabi.
I faced him, confused. "I do. Not that much though." I answered honestly.
Ngumiti siya sa akin. "Si Archein ang nag-suggest kung anong desserts ang bibilhin ko para sa'yo." pilyong saad nito.
Kumunot ang noo ko at muli siyang tiningnan. Mahina lamang ang boses niya kaya't malamang ay hindi naririnig ng dalawang kaharap namin.
"Sabi niya, you like strawberries daw." dagdag pa nito na mas lalong ikina-kunot ng aking noo.
"Wala akong sinasabing gano'n sa kaniya, 'no." singhal ko. I kept a low voice as I don't want the two in front of us to hear our conversation.
"Ah, gano'n ba? Edi ibig sabihin, sinabi niya lang na strawberry cake na lang ang sa'yo para couple kayo." humirit ito. Ang ngisi sa kaniyang mga labi ay mas lalong lumalaki.
"Huh?" Anong couple? At bakit strawberries? Tangina, anong pinagsasasabi nitong lalaking 'to?
"I didn't know your crush likes strawberries that much. Halos lahat ng order niya para sa kan'ya ay strawberry flavored. T'as pareho pa kayo ng dessert." nakangising anito. May halong panunukso sa kaniyang mahinang boses.
Mas lalo lamang nangunot ang aking noo. Strawberry? Hindi naman trip ni Archein ang strawberry ah. He never told me. The only time I saw him eating strawberries was when I gave him the cookies I baked for him. May kasama iyong strawberries kaya't kumain rin siya no'n. Other than that, I never saw him enjoying strawberries before, even strawberry flavored foods.
YOU ARE READING
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 14
Start from the beginning
