"Kung hindi lang naman kami nakaka-istorbo, if that's okay with you both." mahinhin pang anito.

I licked my lower lip before I tried to speak. Ngunit hindi iyon natuloy nang maunang nagsalita ang lalaking nasa tabi ng babae.

"Take out na lang tayo, Liz. It looks like we're disturbing their date." malamig na anas ni Archein. Ang lalaking katabi ni Liz.

I was about to speak when Liam interfered. "Ah no, it's okay." humarap ako at nakitang nakangiti ito kay Archein.

He side-eyes me and winked. Nagulat pa ako sa ginawa niya kaya't muli akong napatingin sa harap. I then met Archein's dark eyes.

"You can sit with us, a double date, perhaps?" halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito.

"Really? Thank you!" masaya pang tumili ang babae bago umupo sa harap ko. Hindi na nakapagsalita pa ang kasama niya dahil agad niya itong hinigit at pinaupo sa tabi nito, kaharap si Liam.

Liam leaned in closer to me to whisper something to my ear. "Gaga, double date tayo ng crush mo." natatawang anito sa aking tainga. "Nga lang, iba ang ka-date niya." mapaglarong anito, mukhang pini-pikon pa ako.

Inirapan ko siya at inis na itinulak palayo.

"Mag-o-order na ako." saad ni Liam. "Anong gusto mo, Harley?" he asked me.

"May latte ba dito?" I asked back.

"Of course." he smiled. "Anong flavor ang gusto mo?" he asked. I was about to answer when I heard someone interfering.

"Matcha. Matcha latte ang gusto mo." it was Archein.

My heart doubled in pace as I looked at him. Nagtama ang mga mata namin at halos malaglag ang puso ko dahil sa bilis ng pagkabog nito. I swallowed hard but the next thing I knew, he's already looking at his company.

"Matcha ang gusto mo, 'di ba?" tanong nito sa babaeng kasama niya.

Nalaglag ang balikat ko dahil sa narinig. Si Liz pala ang kausap niya. So, that girl also likes matcha? Well, 'di na ako magtataka. Siya na rin mismo ang nagsabi, 'I like matcha, too. But I like matcha lovers more.'

Muli kong ibinalik ang tingin kay Liam at nakita ang kakaibang ngiti nito sa akin. I furrowed my brows at him but it only earned a chuckle from him.

The next thing I knew, he was leaning closer to me again. Natawa siya sa likod ng aking tainga. "So, matcha latte ba?" he was giggling as he whispered those words to me.

Mahina ko siyang tinulak palayo at hindi sinasadyang nahulog ang tingin ko kay Archein. My eyes widened when I saw his dark expression while he was looking at me and Liam. Agad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik iyon kay Liam.

"Ah, oo. M-matcha latte. Sabayan mo na rin ng dessert. Ikaw na ang bahalang pumili." I answered his question.

Nakahinga ako ng maluwag nang sabay na umalis ang dalawang lalaki para umorder na. I faced the one in front of me and gave her a small smile. Ngumiti rin pabalik sa akin si Liz.

"Hello, my name is Liz. How about you?" mahinang anito, ang ngiti ay umaabot sa kaniyang mga tainga.

"I'm Harley. Nice meeting you." tipid kong sagot.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang