"Tsk." asik ko. Ako pa ang OA ngayon? I shoved his hand away as I continued walking. Hindi na rin siya nagreklamo pa dahil magkasabay na ang lakad namin habang naglalakad patungo sa sinasabi niyang coffee shop.

He was being talkative as we walked together. Hindi siya nauubusan ng topic kaya't hindi ako na-bored habang naglalakad. Hindi rin naman ako nainis sa kaingayan niya dahil gusto ko rin naman talaga sa mga madaldal. It's not like I already like him because he's talkative though.

Nalagpasan pa namin 'yong pwesto ng street food kaya't nag-suggest akong bumili muna do'n ng pagkain. Pero ayaw niya dahil baka mabusog daw ako at hindi na kami matuloy patungo sa coffee shop.

Inirapan ko siya at nagbantang hindi ko talaga siya sasamahan kaya in the end, may dala akong dalawang stick ng isaw habang naglalakad kami. Libre niya rin iyon. Umiling-iling na lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

It didn't take long before we reached the said coffee shop. It was only a mere five minutes walk. Talagang malapit lang. If masarap ang menu nila dito, talagang babalik balikan ko 'to. Malapit lang naman eh.

I scanned the whole exterior of the coffee shop. Maganda at mukhang modern. May glass wall ito at kitang-kita ang mga taong nasa loob. I also saw some of my schoolmates inside. They're wearing our school uniform kaya't alam kong schoolmates ko sila. Hindi ko nga lang sila kilala. May mga seats rin sa labas ngunit puno na iyon ng tao.

Now I wonder why I haven't heard of this place before. Mukhang sikat na kahit ang sabi ni Liam ay bagong bukas pa lamang ito.

The place was great. The ambience felt modernized and a bit romantic. There were quotes and some images of hearts, coffee, and even a cupid painted in white on the glass wall.

"When did this open?" tanong ko kay Liam habang naglalakad kami papasok sa coffee shop.

"Just last Saturday." sagot nito.

Tumango-tango ako. This place is already crowded despite it only opening for three days. Puno ito at halos wala na akong makitang puwesto kung saan puwede pang umupo.

"Take out na lang tayo? Mukhang puno na eh." saad ko nang inilibot ko ang aking paningin. How did this coffee shop became this popular? Hindi pa nag-iisang linggo ay dinadagsa na agad ng costumers.

"There. May puwesto. Tara, baka maunahan tayo." turo nito sa isang malaking lamesa na nasa kaduluduluhan ng coffee shop.

The coffee shop was not that big, only about medium sized. Pero sa dami ng tao ay halos hindi na makita ang lamesang iyon na walang nakapuwesto. Agad kaming naglakad patungo doon dahil baka maunahan pa kami ng ibang tao.

We occupied the big table na mukhang for group pa. The table can fit six people but there was only the two of us. Umupo na ako sa isang upuan na nasa gilid lang ang glass wall. Tumabi naman sa akin si Liam.

"Hello! Can we sit here? Kasya pa naman kami dito, right?" bigla ay narinig ko ang mala-anghel na boses na iyon ng isang babae. Nakayuko ako kaya't hindi ko nakita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. But it was a bit familiar.

Nagkatinginan pa kami ni Liam bago kami sabay na tumingin sa harap, hinanap kung sino ang nagsalita.

Gayon na lamang ang paglaki ng aking mga mata nang makita kung sino ang babaeng nagsalita. I blinked twice as I stared at her angelic face, forcefully ignoring the someone beside her.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora