Suminghap na lamang si Faith at bahagyang tumango.
"Tara na. I'm full." I said as I stood up. Wala na silang nagawa kundi ang sumunod sa akin palabas ng cafeteria.
The day continued with my brows furrowed all the time. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Wala naman akong kaiinisan. Ano? Dahil ba 'to no'ng nakita ko si Archein na kasama 'yung Liz na 'yon? Tsk. Imposible.
Bakit naman ako maiinis? Wala naman na akong pakialam sa kanila. They could laugh together all day, I don't care. Itrato siya ni Archein kung paano niya ako trinato noon, I don't mind. I don't care if he gives her ice cream and comfort her too. 'Wag niya lang dadalhin 'yung babaeng 'yon do'n sa swing sa playground.
That's my place.
"Kumalma ka naman, Harley." natatawang ani ng lalaking naglalakad palapit sa akin. "Para kang pumapatay dahil sa titig mo." dagdag pa nito na mas lalo lamang nagpakunot ng aking noo.
"Tigilan mo nga ako, Liam." I scoffed as I rolled my eyes at him.
"Chill, Harley." nakangising anito. Umiling-iling pa ito habang sinasabayan akong maglakad.
Uwian na ngayon at nauna na si Sid umuwi at nahuli pa ako dahil cleaners ako ngayon. Hindi naman cleaner 'tong lalaking 'to pero ba't nandito pa siya? Tsk.
"Okay, para mawala ang init ng ulo mo... why don't you come with me?" pasimpleng tanong nito.
I side eyed him but immediately gazed away. I didn't stop walking as I faced front and asked him. "Saan naman?" walang buhay kong saad.
I could see from my peripheral vision how he smiled as he faced me while still walking. Lumawak ang ngiti nito nang tumingin rin ako sa kaniya. I shot a brow at him to urge him to answer my question.
"May bagong bukas na coffee shop malapit lang sa school. Wanna come?" tanong nito na nagpatigil sa akin sa paglalakad. I faced him as I stopped from my tracks. Kumunot ang noo ko nang makitang tumaas ang pareho niyang kilay. "So?" he followed.
Mahina akong suminghap bago tumingin sa itaas, umaktong nag-iisip. I made a clicking sound with my tongue as I faced him back.
It's been a long time since I last visited a coffee shop. Wala kasi no'n na malapit lang sa lugar namin. Maybe I should try? Kapag masarap, edi balik balikan.
"Okay." simpleng ani ko at nagsimula na muling maglakad.
"Talaga? You'll come?" parang hindi pa makapaniwalang tanong ni Liam na napako pa yata sa kaniyang kinatatayuan kanina. Mabilis siyang tumakbo para masabayan muli ako sa paglalakad.
"Yeah." I said, not facing him.
"Okay, tara na!" Halos malaglag ang puso ko nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako nang magsimula siyang tumakbo. Nanggugulat pa ang pota. I just rolled my eyes as I ran to meet his pace. Tumigil din kami sa pagtakbo nang makarating kami sa may gate ng school.
"Diyan ang daan? Ang layo naman!" reklamo ko nang makitang sa kabilang direksyon siya umabante. Ibig sabihin ay malalayo pa ako pauwi mamaya. Nasa kabilang direksyon kasi ang daan pauwi ng bahay namin.
"Ang OA naman. Ihahatid na lang kita pauwi." saad niya at muling hinuli ang kamay ko at hinila niya na ako nang magsimula siyang maglakad.
VOUS LISEZ
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Roman pour AdolescentsShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 14
Depuis le début
