Agad na nagsalubong ang aking mga kilay kaya't naglakad ako hanggang sa makarating ako sa sala. Chelsea was sitting on the couch, her head was bowed down. Si Mama naman ay nasa harap niya, mukhang galit na galit.

"M-ma, wala po talaga 'to." sagot ni Chel at bumaling kay Mama. Nahuli niya ang mga mata kong nakatitig rin sa kaniya.

"Anong nangyayari, Ma?" takang tanong ko.

Napabaling sa akin si Mama. Her brows were still furrowed. Mukha talagang galit na galit.

"Iyang kapatid mo! Nababantayan mo ba 'yan, Harley? Kita mo't may pulang marka sa leeg! Ang landi-landi na!" my mother furiously said while pointing at my sister.

Mas lalong nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa narinig. I faced Chelsea and I was met with her pleading eyes. Umiling-iling pa ito na tila ba nagmamakaawang siya ang kampihan ko.

And my weakness is her.

I bit my lower lip as I was also actually tempted to know what really happened. Pero, si Chelsea. She needs me. Kakausapin ko na lang siya. I couldn't say no to her. Not when I know what happened when I last said no to her.

Napalunok ako bago nagsalita. "Baka naman nakagat lang ng lamok, Ma?" muli akong bumaling sa aking ina.

She scoffed. "Ganyan kalaki, kinagat lang ng lamok?" galit na saad nito. "'Wag n'yo akong pinaglololoko, Harley!" dagdag nito.

"M-ma, kumalma ka muna." I neared her. Mukhang galit na galit ito at kaunti na lang ay parang aatakihin na siya. I breathed heavily as I held her hands, attempting to calm her down.

"Paano ako kakalma, Harley? Iyang kapatid mo, lumalandi na." mas mahinang anito. "Hindi pa nga iyan nagde-deseotso ay nagpapa-papak na sa lalaki!" ramdam ko ang galit sa kaniyang mga salita.

"M-ma, kakausapin ko siya, Ma. Ako na ang bahala rito, Ma. Magpahinga ka na. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." bakas ang pag-aalala sa aking boses.

My mother is not that old. Pero may record din siya ng highblood. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag hindi pa siya kumalma.

"Oh siya! Kausapin mo 'yang kapatid mo at baka kung ano pa talaga ang magawa ko r'yan." inis nitong saad bago kami tinalikuran. "At magsaing ka na rin mamaya!" sigaw pa nito habang umaakyat sa hagdan.

I watched her as she ascended from the stairs. Nang hindi ko na siya makita ng tuluyan ay saka ako bumaling kay Chelsea.

She was quiet as her head was facing the floor. Ang mga kamay nito ay nakapatong sa dikit na dikit niyang mga binti. I tried to look for the red mark my mother was talking about, and there, I actually saw it.

Lumapit ako sa kaniya at bahagyang ibinaba ang collar ng suot niyang damit upang mas klarong makita ang pulang markang iyon. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

"Ano 'to, Chelsea?" walang halong galit sa boses ko. Ngunit may bahid ng pagmamakaawa doon. Gusto kong sagutin niya ako ng kung ano ang totoo.

There was a red mark on her collarbone.

Her lips were pursed as she faced me. Her red eyes were welling up, talagang pinipigilan niya lang na umiyak. I could sense the remorse in her eyes. Na para bang kahit siya, natatakot din.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now