Naglalakad na ako at malapit na ako sa tapat ng school nang may pamilyar na pigura akong nadatnan. Tumigil ako sa paglalakad at napako lang ang tingin sa kanila. They were standing in front of the school gate while I was just there, not too far away from them.

It was Archein, Brent, and a girl unfamiliar to me. The girl was holding a familiar black tumbler. Inilapat niya iyon sa kaniyang labi at uminom mula roon. I unconsciously swallowed hard as I noticed how familiar the tumbler was.

It was the same tumbler Janine lend me earlier.

"Thanks Archein!" saad ng babae at muling ibinalik ang tumbler kay Archein matapos niyang uminom mula roon. "Sayang, kaunti na lang ang laman. I'm really thirsty. But it's okay though." dagdag pa nito.

Kinuha naman muli ni Archein ang tumbler mula sa babae.

Teka. Kay Archein ang tumbler na 'yon? It can't be right? Baka naman kapareho lang. I mean, hindi naman yata 'yon limited edition, 'no? Puwede namang magkapareho lang sila ni Janine ng tumbler. The possibility is high.

"Tara na dude, Liz!" aya ni Brent sa dalawa.

Liz? Liz ang pangalan niya? I haven't seen that girl before. Is she a transferee? At bakit siya close kay Archein? Ugh, fuck! Why do you care, Harley?!

"Let's go." ani Archein.

I actually can't see his face because I was only facing his back. Nakatalikod silang dalawa ni Brent sa akin ngunit nakikita ko ang mukha ng kasama nilang babae dahil nakaharap ito sa kanila. She was not facing me but I could still see her face clearly.

She was petite. I think she's smaller than me. Maputi siya at balingkinitan ang kaniyang katawan. She was wearing her school uniform and it actually looks good on her. Mapula ang maliliit nitong mga labi at medyo singkit naman ang maganda niyang mga mata.

Ilang segundo pa ay nakita ko na silang naglalakad palayo. My heart was palpitating as I watched them walking. Napapagitnaan ng dalawang lalaki 'yong Liz. Mukhang nagtatawanan din sila dahil sa pagtaas-baba ng kanilang mga balikat. Nakatingala si Liz kay Archein kaya't nakikita ko ang kalahati ng kaniyang mukha. She was smiling ear to ear.

Humarap si Archein kay Liz at bahagyang ginulo ang buhok nito na siyang ikinatawa naman ng babae.

Napagdesisyunan kong hintayin muna silang makalayo bago ako muling magpatuloy sa paglalakad. Hindi mapakali ang aking puso at hindi ko rin alam kung bakit. But one thing's for sure. I hate seeing that girl smiling with Archein.

Putangina! Bakit naman, Harley? Nagseselos ka. Bitch off! 'Di ba't sinabi mo sa sarili mong kalilimutan mo na siya? Ano'ng ginagawa mo ngayon? Tsk! At ano ba'ng karapatan mong magselos, ha?

I just shrugged everything off as I decided to continue walking. Malayo na sila sa akin at halos hindi ko na rin sila maaninag kaya't komportable akong hindi ko na makikita kung paano sila magharutan.

So, he has a new toy now, huh? Kaya pala ayaw niya na akong makita. Tsk!

Masama ang loob kong naglakad pauwi. Ngunit hindi ko alam na mas sasama pala ang loob ko pagkauwi ko.

"Ang bata bata mo pa ay ang landi mo na!" sumbat ni Mama kay Chelsea. Kapapasok ko pa lang sa loob ng bahay ay iyong boses niya agad ang sumalubong sa akin.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now