"So nagmo-move on ka na rin? Eh di goods! Pareho tayo! Couple goals!" kumindat pa ito sa akin.
I scoffed as I disgustedly looked at him. I playfully rolled my eyes at him as a smile formed on my lips.
"Gago! At anong nagmo-move on? Kung talagang nagmo-move on ka na, ba't dikit ka pa rin nang dikit sa'kin?" pangongompronta ko sa kaniya. "Tino-torture mo ba ang sarili mo?" tanong ko pa.
"Iba-iba tayo ng coping mechanism, Harley." tumawa ito. "Trust me, makaka-move on rin ako kapag araw-araw kong nakikita ang magandang pagmumukha mo." he even smiled as he gazed at me.
"Tsk. 'Yung coping mechanism mo pala ay inisin ako." reklamo ko.
Natawa na lang siya sa sinabi ko. "But seriously though, I just want some closure between us. Can we at least be friends?" ngumiti ito ng tipid.
The crease on my forehead vanished. I just stared at his now genuine eyes as a smile slowly crept into my lips. Tipid ko siyang nginitian.
"Of course, Liam. We can be friends." sagot ko naman.
Lumawak ang ngiti at mas lumiwanag ang kaniyang mukha. "Promise, hindi na kita i-a-admire habang nagsasagot ka sa papel mo. Friends na lang ang tingin ko sayo."
Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Napailing na lang ako at mahinang natawa. "Gago ka talaga!" Mahina kong sinapak ang kaniyang braso at tuluyang nang natawa ng malakas.
He bursted out laughing. "Pero 'di na rin kita tutulungan kapag 'di ka nakasasagot ng problem sa board." humirit pa ang gago.
My forehead knitted as I pouted at him. "Okay, FO na tayo." tinarayan ko pa siya.
"No, joke lang!" he also laughed but only for a short time. Muli siyang nag-seryoso ngunit may ngiti pa rin sa mga labi niya.
"But seriously though, thank you, Harley."
"Kanina ka pang 'seriously though', hindi ka naman nagseseryoso." anas ko sa kaniya.
Umiling lang siya at muling natawa. See! Puro siya tawa. Hindi naman nagseseryoso! Tsk.
But to be honest, I'm also thankful that he's still willing to be my friend even after I rejected him. He's actually nice, medyo makapal nga lang ang mukha. Joke.
I'm just thankful that he's not that persistent. Hindi siya makulit at tanggap niya ang kung ano man ang kaya kong i-offer sa kaniya. And in this case, I could only offer him friendship.
Ewan ko nga ba kung bakit friendship lang, 'di ba? I mean, alam ko naman ngayon na wala na akong pag-asa do'n sa isa, I could at least give him a chance. But I can't. And I won't. Parang... may pumipigil pa rin kasi talaga sa'kin.
Kahit kasi alam kong wala nang pag-asa, hindi ko pa rin mapigilan ang namumuong katiting na pag-asa sa puso ko. And that's why I have to move fast. I need to vanish that small hope inside. Dahil alam kong sa huli, mapupunta pa rin sa wala ang lahat. It's better to end this delusion already. Ayoko nang unti-unti na namang mabuo ang pag-asa sa puso ko. Tapos masasaktan na naman.
Nagpaalam na ako kay Liam dahil kailangan ko na ring umuwi. Nalayo pa ako sa bahay namin dahil nasa kabilang direksyon pa 'yon. Madadaanan ko pa ulit 'yong school. It was just a small walk though. Mga three minutes walk lang naman.
YOU ARE READING
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 13
Start from the beginning
