Chapter 9: Instant

Começar do início
                                    

Bwisit.

***

"And that concludes, our lesson for the day." Nakangiting sabi ng professor namin para sa huling subject namin ngayong araw.

Oo, lumipas ang tatlong oras ng walang nangyayaring masama. Lumipas ang tatlong oras ng walang lumalapit o nangangausap man lang sa akin. Taliwas sa inaasahan ko na pagkakaisahan nila ako sa labas ng classroom sa oras ng lunch, hindi nangyari yun. Bagkus, nakakain ako ng matiwasay sa isang mesa sa canteen kahit pa mag-isa lang ako na nakaupo doon. Pero hindi ibig sabihin non, kampante na ang loob ko. Naririnig ko parin kasi ang bulungan ng mga kaklase ko pati narin ang tingin nila sa akin. Mga tinging halatang may binabalak na masama.

Pagkatunog ng bell, na nagpapatunay na dismissal na, nagmamadali akong tumayo mula sa upuan ko at lumabas ng room.

*splash*

*splat*

Pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pinto, isang balde ng tubig kaagad ang sumalubong sa katawan ko at isang sako ng harina ang nahulog sa ulo ko na naging dahilan ng pagkakaupo ko sa sahig dahil sa sobrang bigat nito.

Kaya pala wala ni isa sa mga kaklase ko ang nagmamadaling lumabas kahit dismissal na.

Nang maramdaman kong nanlalabo na ang paningin ko at nag-iinit na ang mukha ko, pinilit kong tumayo at buhatin muli ang bag ko. Pinagpag ko ng kaunti ang palda at ang blazer ko, kahit wala ring silbi ito sa matinding kapit ng harina sa damit ko.

At kasabay ng malakas na tawanan mula sa room namin pati narin sa kalapit naming mga room, ang mabibilis na yabag ng mga paa ko patakbo, palayo sa kanilang lahat.



***

"Syet! Anong nangyari sa'yo?" Ito kaagad ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang ng coffee shop.

Umiling ako at sinenyasan si Caitlin na wag masyadong mageskandalo dahil may mga customers kami. Pumasok kaagad ako sa staff room, kaagad naman akong sinundan ni Caitlin. Inilapag ko kaagad sa gilid ng lababo ang bag ko at sinimulang ilabas ang mga basang gamit ko. Pagkatapos ay iniligay ko na mismo sa lababo ang bag ko para mahugasan ito mula sa harinang nakakapit doon.

"Balot na balot ka sa harina, head to toe at mugto ang mga mata mo. Explain." Utos ni Caitlin habang nakapamewang siya.

"Western Heights." Maikli kong sagot sa kanya habang ang buhok ko naman ang pinakakaabalahan kong tanggalan ng harina.

"Bakit kahit dalawang salita lang ang lumabas sa bibig mo, naintindihan ko na kaagad kung anong nangyari?" Nagkakataka niyang tanong. "Hay! Iyang mga estudyante talagang yan, yan, yan! Yang mga customers natin sa Western Heights, sakit talaga sa ulo kahit kailan."

Tinignan ko siya, "Akala ko ba gwapo sila?" Biro ko sa kanya.

"Pero ang sasama naman ng ugali! Aba, syempre sayo ako kampi neto ah. Tignan mo naman ginawa nila sayo oh. Ang hirap kaya magtanggal ng natuyong harina sa buhok. Wala pa man din tayong shampoo dito sa shop."

Inabot ko yung Joy na ginagamit namin sa panghugas sa mga pinggan, "Ito na lang muna. Tulong naman, ayaw matanggal e."

Kaagad naman siyang lumapit sa akin at tinulungan ko. Hindi biro ang kapit ng harina sa buhok ko, para akong sinasabunutan ng tatlong malalaking kamay sa sobrang hapdi na ng anit ko.

Bigla akong napatayo, na naging sanhi ng pagtalsik ng tubig at bula mula sa buhok ko. "Anong oras na?!" Natataranta kong pasigaw na tanong kay Caitlin.

"Magf-five thirty, bakit?"

"Si Sir Brent."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "Ha? O napano?"

Western Heights: Casanova's PropOnde histórias criam vida. Descubra agora