" Go bekla, Galing galing mo."

" Nice Bes, kaya mo 'yan tutal kayo nalang din naman naglalaban. Suportanta ka namin, haha!"

Napangiti nalang ako kay Faye and Nicolo. Nakalimutan ata nilang kasali din sila dito. Parang gusto ko lagyan ng busal 'yong bibig ni Uriah.

Dahil parehas kami ng sagot binigyan kami ng bagong problem. Kaso magaling talaga siya. Naunahan na naman ako. Last nalang he'll get 5 points.

" Given the equation, find the value of 'a' and compute for its total area.I'll give you 2 minutes. Go!"

This problem gives me headache. This is so complex but I'll try to work this out.

1 min... I'm still solving. Buti wala pang sumasagot. 30 secs left, hindi padin ako tapos. Natetense na ako at halos mapunit ko na ang papel ko sa sobrang pagmamadaling magsolve.

" ma'am, a=12. 23 and total area= 233." sagot ko mismo matapos kong magcompute. Napangiti ako dahil alam kong tama ako. That's correct and I'm sure with that. Pasimple ulit akong tumingin kay Uriah.

'Ano ka ngayon mayabang?'

" I'm sorry but I need the exact answer." Aniya ni ma'am.

Talagang nagulat ako at napanganga sa sinabi ni ma'am, I'm pretty sure that's correct. Haharap sana ko kay ma'am para magtanong pero huli na.

" a=12. 23 meters." Kaswal na sabi ni Uriah. Lahat ng atensyon namin ay nasa kanya.

" and total area is 223 SQ. METERS." dagdag niya.

Habang sinasabi n'ya 'yon nakatingin lang siya sakin instead kay ma'am. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay inialis na niya nag tingin sakin at ngumisi nang kaunti. Napanganga ako ng bahagya at natulala ng ilang segundo. Mabilis kong iniiwas ang tingin sa kanya nang bumalik ako sa katinuan.

Ang yabang talaga, pero when he smirked...naiinis ako. Naiinis ako kasi... sobrang pogi niya nung oras na 'yon. Ang dimple niya, kapansin-pansin.

Natahimik lang ako at 'di iniintindi ang nasa paligid. I think I'm blushing. No, this is wrong. Bakit ako mag bblush. What he did was not sweet right? Kahit papaano siguro ay naappreciate ko lang ang kagwapuhan niya. Tama, 'yon lang kasi ang pwede kong ma appreciate sa kanya.

"That's correct! Congrats Mr. Emperial. Exempted ka na sa 2 quizzes. Wala ka pa rin kupas kahit graduating ka na, I hope na magtuloy tuloy ulit ang pag participate mo sa klase. See you tomorrow class."

Umayos na ulit ako ng upo. Nagpalakpakan naman 'yong mga classmates ko. Pumalakpak din ako kahit papaano. Ayoko naman masabihan ng bitter.

"Ang galing!"

" Yeah, nakita mo 'yon? He smiled. Bihira lang 'yon ah."

Oh come on! He did not smiled, he just smirked.

" Feeling naman 'tong si Agatha akala n'ya mananalo siya kay Uriah." pagbibiro ng isa kong kaklase. Ngumiti siya sa akin pero binigyan ko siya ng iritableng ngiti.Kulang lang ako ng unit kaya ako natalo!

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon