Chapter 7: Asher Lance Ynarez

En başından başla
                                    

Ang akala ko, madali lang na manahimik dito. Ang akala ko, madali lang ang hindi pansinin dito. Iyon pala, unang araw ko pa lang, malalagay na ako sa ganong sitwasyon. Ganoon na ba ka-big deal ang family background sa eskwelahan na to?

Napasandal na lamang ako sa upuan ko sa kaiisip. Kinuha ko na lang yung tinapay na ginawa ni Papa para sa akin. 

"Home made ba yan?"

"Ay palaka!"

"Is that a homemade sandwhich?" Tanong niya ulit.

Tinignan ko siya ng nakanuot ang noo ko. "Oo?"

"Can I have some?" Tanong niya.

"Ha?"

"Pahingi ako." Sabi lang niya.

Dahan-dahan kong iniabot sa kanya ang tinapay ko, at kaagad naman niya itong kinuha at sinunggaban. Napapikit pa siya nang simulan na niyang kainin to. Wala namang espesyal sa ginawang tinapay ni Papa. Simpleng kamatic, lechugas, at cheese lang ang nasa loob non, kaya naman labis ang pagtataka ko sa inaasta nitong nasa harapan ko ngayon.

"Uhm.. ikaw si Seb, di ba?" Tanong ko sa kanya. Siya kasi yung pumasok kanina ng biglaan, at nagligtas sa akin mula sa hot seat ng mga kaklase ko. 

Tumango siya, habang nasa sandwhich parin ang atensyon. "Bakit hindi ka kumain sa canteen?" Tanong ko. "H-hindi naman sa nagalit ako kasi kinuha mo yung baon ko." Dagdag ko kaagad nang tignan niya ako sa mata.

"I like homemade stuff better. Madalang lang akong makakain nito. Is your dad a chef?" Tanong niya, pero kahit hindi pa ako nakakasagot, nagpatuloy lang siya. "So, you're a tradesman then?"

Bahagya akong umiling. "Ah, so is it your mom? Siya ba yung chef? What kind of cuisine is her specialty?"

"Hindi sila chef." Paglilinaw ko sa kanya. "At hindi rin ako tradesman."

"Then what are you?" Nagtataka niyang tanong. Pero hindi katulad ng mga kaklase ko kanina, wala kang panghuhusgang makikita sa mukha niya. 

"Wala. Hindi ko nabibilang sa kahit alin sa Hierarchy."

"Huh? Then how are you able to study here?"

"Scholarship." 

"Scholarship? Well, that's new." Sabi lang niya. Tapos ay pinagpatuloy lang niya ang pagkain sa pagkain ko.


"Asher, bumalik ka dito!"

Sabay kaming napalingon ni Seb sa bintana, dahil sa sigaw na iyon. Pagkakita ko, si Rachel iyon na tumatakbo. "Hindi ako papayag, you can't break up with me!"

Narinig kong tumawa si Seb sa mga nangyayari. "There goes Asher for you."

"Asher?"

Tumango siya, "Yup. He's Rachel boyfriend- I mean ex-boyfriend."

"Asher ba yung pangalan ni Rachel, hindi ba Lance yung pangalan nun?"

Nagulat ako ng biglang manlaki ang mga mata niya, at bigla niyang inilapag ang tinapay sa desk ko at bigla rin niyang tinakpan ang bibig ko. "No one calls him that way here."

"Hmphhmp!" 

Inalis din naman niya kaagad ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko. "If you want to have a peaceful life here in WH, don't ever call him that name."

"Lance?"

Napakamot sa ulo sa pagkakainis si Seb, "Wag mo nga siyang tatawaging ganun! He'll make your life a living hell." Bulong niya sa akin. "Kung tinatamad siya, his ex-girlfriends will make you suffer instead."

Western Heights: Casanova's PropHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin