Chapter Twenty-One

Start from the beginning
                                    

"Bakit Pink Panther?" tanong ko ng makaupo sa tabi ko si TOP.

"Wala akong maisip na ibang pyesa. Pangit ba?" sagot nya.

"Hindi!" umiling ako. "Ang cute mo nga eh!"

"Ako? Cute? Sino'ng tinatawag mong cute? Ano ako tuta?"

"Oo! Para kang tuta. Ang cute! Nakaka-inlove!"

"Tss." Nag-iwas sya sandali ng tingin. "Talaga?"

"Oo! Yun ba ang tutugtugin mo sa Christmas Concert?"

"Hindi ko pa alam. Mga bata sa Orphanage ang manunuod sa Concert. Fund raising na rin dahil maraming bisita ang pupunta."

"Mga bata sa orphanage?"

"Yeah, para sa kanila yung kikitain sa concert. Dahil wala silang mga magulang, ang school na ito ang madalas sumuporta sa kanila."

Hmm? Kung ganon kaya naman pala pursigido si Sir Anthony sa pagpilit sa mga seniors na mag-practice. Kung iisipin mabuti, hindi naman pala ganon kasama ang mga taga-Pendleton High.

***

"Namfufu, may laban na naman pala tayo ng basketball!" - Jack

"Sino'ng naghahamon?" - Six

"Sino pa nga ba? Eh di yung Black Puma," - Mond

"Ha?! Kailan daw?" - Pip

"Sa linggo na," - Red

"Nyemas naman oh, may date ako sa linggo eh!" - Seven

"Ayos! May bakbakan na naman!" - Jun

May laban na naman sila sa basketball? Ayos 'yun! Makapanuod! Isasama ko na rin ang Crazy Trios!

"TOP! May laro kayo ng basketball sa linggo? Manunuod ako ha!"

Namutla bigla si TOP at natahimik ang mga kaibigan nya. Napatingin silang lahat sa aming dalawa. Huh?

"Haha! Hindi mo na kailangan manuod Sam! Di'ba may gagawin ka sa linggo? Pumunta ka nalang ng church! Ipagdasal mo nalang kami," natataranta na sabi ni Red.

"Hmm? Hindi! Mas gusto ko manuod ng laban nyo sa linggo!" pilit ko.

"Hwag na nga eh. Sumama ka nalang kina Elena, Christi at Shaina!" utos ni Red.

"Huh? Sino naman ang mga yun?" tanong ko sa kanya.

"Mga kaibigan mong weirdo, nakalimutan mo na ba?"

"Kaibigan ko? Mga weirdo?"

"Nakalimutan mo na ba kaagad ang tatlo mong kaibigan?"

"Tatlo? Sina Michie, China at Maggie? Sila lang naman ang friends ko eh."

"Yun ba mga pangalan nila?"

"Oo, napaghahalatang playboy, dami kasing chicks!" (>__<)

"Kawawa ka naman Sam! Sila lang ang kaibigan mo? Same feathers flock together nga talaga! Hahaha!"

"Hwag mo ngang iniiba ang usapan! Gusto kong manuod ng game!"

"Hindi pwede! Bawal ka don!"

"Che! Si TOP ang kinakausap, ko hwag kang sumabat!"

"Hahaha! Wala ka pala Red eh! Supalpal ka! Bwahaha!" sabi ni Jack.

"Shaddap!" binatukan ni Red si Jack at nauwi yon sa wrestling. Boys.

"TOP! Pupunta ako okay?" sabi ko kay TOP.

Tinignan lang ako ni TOP. Yung mga mata nya parang nagmamakaawa na hwag na akong pumunta.

Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now