Despite the modern structure of their house, I noticed that some of their furnitures are a bit antique. Gawa ang mga ito sa kahoy at binarnisan din. I even noticed a grandfather clock standing beside a wall.
Nang makarating sa loob ng kusina ay nagulat pa ako sa laki ng espasyo no'n. Partida at cooking area pa lang ang lahat ng ito, hindi pa dining area.
"Hobby rin ni Mama ang mag-bake, katulad mo. Kaya mayroon kaming maraming baking equipments. Nga lang, halos hindi na makapag-bake si Mama nitong mga nakaraang araw dahil sobrang busy din siya." saad ni Archein habang inilalapag niya ang mga pinamili na sa counter at isa-isa na itong nilalabas mula sa paper bag.
Tumango-tango ako. I roamed my eyes inside the room and I noticed that it was full of equipments, as he said. Mukhang dedicated nga lang ang section ng kitchen area na ito para sa baking. I was beyond mesmerized. I would want a kitchen like this too.
"Marunong naman pala ang mama mo mag-bake. Bakit hindi ka sa kaniya nagpapaturo?" I said as I helped him with the groceries.
He shrugged. "I didn't even know I would want to try baking until I tasted your cookies." he casually said.
Ngumiwi ako. He then raised his hands to open to cupboard above. Kumuha siya roon ng mga mangkok at mga utensils.
"Ang sarap kasi ng b-in-ake mo kaya gusto ko ring matutunan." he chuckled as he placed the kitchenwares on the counter.
"Bakit? Hindi ba masarap mag-bake ang mama mo?" takang tanong ko naman. I'm sure prior to my cookies, he already tasted his mother's cookies. Ano? Sa cookie ko lang siya nasarapan kaya ngayon lang siya nagdesisyon na matuto rin mag-bake? Nanakawin pa yata ang recipe ko!
"Hmm." he acted thinking. "Oo naman. Mas masarap nga lang yung cookies mo." he smiled at me.
I playfully leered at him. "Traydor ka sa mama mo! Isusumbong kita kay Tita!" I playfully teased as I gently smacked his shoulder.
"Tita? Hmm. Sounds good. It'll be better if you call her Mama as well, though."
Halos malaglag ang panga ko sa naging hirit niya. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh! Him and his silly side. Tse! Parang imburnal! Inaakit akong ma-fall!
"G-gago!" umiiling kong saad. Geez! Why the fuck is my heart beating so fast?!
He laughed. Kita mo?! Pagkatapos niyang pabilisin ang pintig ng puso ko at halos papulahin ang buong mukha ko ay tatawanan niya lang ako. He's never serious with it. Parang ako lang talaga ang nag-a-assume na may laman ang mga hirit niya, samantalang para sa kaniya, joke lang ito.
We both wore aprons as we started the process of making the cookies. Halatang hindi talaga siya marunong pero may mga bagay naman siyang nalalaman. Maybe he learned it from watching his mother do the baking?
He was so messy. Mabilis siyang natuto ngunit hindi maiwasan ang kalat sa kaniyang counter. Organized siya sa school, pero pagdating sa kitchen, bagsak siya sa neatness. Napansin ko na puno ng harina ang kaniyang apron. Marahil ay panay ang punas niya roon.
Napansin ko ang kaunting dumi sa ibaba ng kaniyang labi kaya't agad ko iyong pinunasan gamit ang aking kamay. Ngunit hindi ko napansin na may harina pa pala ang mga kamay ko kaya't nagmukhang pinunasan ko siya ng harina sa mukha.
He playfully leered at me. He then smiled before using the tip of his finger to apply a small amount of the dough mixture on the tip of my nose.
I gasped a little as to what he did. Natawa siya ng mahina at napailing. I leered at him and touched the tip of his nose as well, leaving a small amount of the wet flour on it.
BINABASA MO ANG
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 8
Magsimula sa umpisa
