I gulped as I spoke. "As your what?" kahit ako ay nagulat sa aking tanong. Really, Harley? You are that desperate?! Of course he'll introduce you as his friend! Bakit ano ba gusto mo? Ipakilala ka niya bilang girlfriend? Tsk!

His gaze landed on me. Napatigil siya sa paglalakad at ganoon din ako. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin.

"Girlfriend, gusto mo?" he asked as his glimmering green eyes stared at mine, sensually.

Tumikhim ako nang mapansing para akong nahi-hipnotismo ng kaniyang mga titig.

"G-gago!" mahina kong sinapak ang kaniyang balikat para itago ang totoo kong nararamdaman. I would've said 'yes', but I still had my sanity intact. Mabuti naman at hindi niya ako tuluyang na-hypnotize! Baka ngayon ay boyfriend ko na talaga siya!

It only earned a laugh from him. See! He's not even serious with what he said! What should I even expect!

"Tara na nga lang!" kinuha ko ang kamay niya at nauna nang naglakad para hilain siya. Nagpahila naman sa akin ang gago habang patuloy pa rin sa pagtawa.

I sensed how his grip on my hand holding his, tightened. Mabilis ang kalabog ng aking dibdib at para akong napapaso sa kaniyang hawak. I immediately took my hand from him as soon as we entered the library.

We just ate as we studied inside the library. Hindi naman ipinagbabawal magdala ng pagkain sa library kaya't malaya kaming nakakakain doon. Archein and I parted ways as soon as the break ended.

"Saan ka ba kasi nagpupupunta kapag break time, Harley? May lalaki ka 'no?" bakas ang panghuhusga sa nagtatampong tinig ni Sid. We were seated around a round table on the cafeteria.

"Talagang kapag lunch break ka na lang sumasama sa amin!" naiiling na saad naman ni Faith.

"Hay naku! Kung hindi lang naman si Archein 'yang pinagkakaabalahan mo ay 'wag ka na lang magpaliwanag at itigil mo na 'yang kahibangan mo." sumbat sa akin ni Sid.

Napatingin silang pareho sa akin nang mapansin ang marahas kong pagkagat sa aking pang-ibabang labi upang iwasang mapangiti. Faith gave me a judgemental look. Napatingin sa akin si Sid nang nagtataka bago biglang namilog ang kaniyang mga mata na parang may napagtanto.

"Harley! Chaille Harley Medina, sabihin mo ang totoo!" Sid stood and neared me. Hinuli nang pareho niyang kamay ang magkabila kong braso. "Si Archein ba?" makabuluhang tanong nito.

Nakataas ang isa niyang kilay na parang desperadong makahanap ng sagot.

I just stared at her as I pursed my lips, suppressing a smile. Nothing would change if I tell them, right? Wala namang masamang malaman nila ang mga nangyayari sa buhay ko. They're my friends, after all.

Bahagya kong inilayo ang tingin sa kaniya bago mahinang tumango.

The next thing I knew, Sid was squeeling like a banshee! Humarap ako sa kaniya at nakitang kinukulit nito si Faith na ngayon ay nakangiti na rin habang nakatingin sa akin.

"Fake friend talaga ang hindi nang-a-update." singhal ni Faith.

Bumusangot ako. "It's not that. I was just not sure about what was happening these past few days." mahina ang boses kong tugon.

"Oh my god! Hindi na lantang gulay ang friend namin. Natututo na siyang lumandi!" hirit ni Sid.

Sinamaan siya ng tingin ni Faith. "Tinuturuan mo kasi!" sumbat ni Faith kay Sid.

The whole lunch break ended up with me telling them about what was happening between me and Archein for the past few days. Hindi naman masyadong detailed. Sinabi ko lang naman ang mga bagay na pareho naming kinahihiligang dalawa. I must've also told them how he was giving me these... signals.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now