I was shaking my head as I wrote Sid's score on the top-right side of her paper.
Grabe, 12 out of 30 lang siya. Halatang hindi nag-aral at umaasa lang sa akin. Hays. Sayang at pinabalik siya sa upuan niya, baka natulungan ko pa siya.
Agad akong tumayo at ibinigay sa kaniya ang papel niya.
"Ano ba 'yan? Pinabalik pa kasi sa dating upuan eh." reklamo nito nang makita ang score niya. I mentally giggled before I scoffed at her.
"Mag-aral ka kasi." asik ko sa kaniya.
She just pouted so I rolled my eyes. Maya-maya ay bumalik na ako sa upuan ko para hintayin ang kung sino mang magbabalik sa akin ng papel ko.
Seconds later, I saw Liam walking towards me, with a wide grin plastered on his lips. I looked at him before smiling back.
He held me a piece of paper. I believe that it was mine. Agad ko itong kinuha mula sa kaniya. I was excited to see my score.
"See. You are smart." komento ni Liam nang kunin ko ang papel. I gazed at my paper and saw that I got a perfect score. I was beyond joyful over this small achievement. I was actually happy and proud of myself. And it's all thank to him, Archein.
"Grabe. Ini-expect ko naman na 'to, pero hindi ko talaga 'to ini-expect." hirit ko.
Liam laughed. "Naka-28 lang ako pero ikaw naka-perfect score. Keep it up, Ley." he tapped my shoulder before walking away.
I smiled to myself, full of pride. It wasn't my first time getting a perfect score, but this time, I don't know why it's making me feel... more excited.
Lumipas pa ang isang subject at ngayon ay last period na namin for today. Pumasok na si Mrs. Rivera ngunit may kasama siyang isang estudyante. I don't know her personally but I am familiar with her. Isa siyang miyembro ng SSLG.
She smiled as she walked inside the class.
"Ms. Medina, come with Janine. May practice daw kayo para sa Eco-Modelo ngayong araw. You are excused from my subject. Go." saad ni Mrs. Rivera nang makaupo ito sa harap ng table niya.
"Whoo! Go Ley! Kaya mo 'yan!" one of my male classmates shouted.
"Galingan mo, Harley!" another beamed.
"Go, Harley! Smile ka lang palagi." Janette said with a smile.
Agad naman akong natawa dahil sa kanila. "Ano ba kayo? Practice pa lang naman oh!" ani ko. I just shook my head before walking towards Janine.
Nakangiti niya akong sinalubong. "Tara." saad nito nang makalapit ako sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya at sabay na kaming naglakad paalis ng classroom. Sa gymnasium niya ako dinala. Pagpasok namin doon ay nakita na namin sina Sir Ed at Ma'am Yen na naghihintay na para sa amin. Naroon na rin ang ibang candidates para sa competition.
Sir Ed and Ma'am Yen will serve as our coach. Sila ang magiging mentor namin at magtuturo sa daloy ng pageant. Sila ang magdedesisyon kung sino ang magiging contestant number one. Sila ang magtuturo sa amin ng sayaw para sa intermission. At sila rin ang magtuturo sa amin ng mga walks at kung paano namin i-e-execute 'yon sa mismong araw ng pageant.
I greeted everyone in the gymnasium. I should treat them as my friend here in practice, not my rivals. Kung rivals man ang magiging turing namin sa isa't-isa, sa mismong araw na lang ng pageant namin 'yon gagawin.
I furrowed my brows as I realized something. Ngayon ko lang naalala na ayaw nga pala ni Archein sumali dito sa contest. It must also explain kung bakit wala siya rito.
Well in that case, sino ang magiging ka-partner ko?
Muli kong hinanap si Janine at tinabihan ko ito. "Sino ang ka-partner ko, Janine?" I asked her.
She curiously gazed at me. "'Di ba sa 'yo sinabi? Si Archein ang ka-partner mo." saad nito.
Mas lalo lamang nangunot ang noo ko. "Pero ayaw ni Archein sumali. Kung ayaw niya, e 'di sino?" I asked again. Baka mawalan pa ako ng ka-partner 'no! Ayokong maglakad sa stage nang mag-isa.
"Huh? Ayaw niya ba?" takang tanong naman ni Janine. "Wala naman siyang nabanggit. Teka, tatanungin ko si Sir Ed." saad nito.
Ngunit hindi pa man siya nakakapag-simulang maglakad ay agad na bumukas ang entrance ng gymnasium at iniluwa nito si Archein.
My brows furrowed more as I gazed at him. Teka, 'di ba't sabi niya, hindi siya sasali? Bakit siya narito?
I looked at him and our gazes locked. He smiled as he walked towards my direction.
"Nandiyan na pala oh." rinig ko ang boses ni Janine ngunit hindi ko siya pinansin. Nananatili kay Archein ang paningin ko.
Naguguluhan ako. Mali ba ang narinig ko kahapon? Akala ko, ayaw niyang sumali sa ganitong contest. Eh bakit siya nandito? Urgh! Siya na nga lang kaya ang tatanungin ko.
"Balik muna ako kina Sir Ed, Harley. Tatanungin ko lang kung kailan mag-i-start." saad ni Janina kaya't tumingin ako sa kaniya bago tumango.
Saktong pag-alis niya ay nasa tabi ko na si Archein.
I raised a brow at him. "Bakit ka nandito? Akala ko ayaw mong sumali?" I immediately asked him as soon as he neared me.
"Huh? Wala akong sinasabing ayaw ko ah." he casually said.
Agad na naningkit ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. "Meron kaya. I heard you yesterday, sa gym." I said.
I saw how his eyes widened but he immediately calmed. He looked at me as he shot a brow. Siguro ay iniisip niyang stalker ako. Dahil paano ko naman i-e-explain kung paano ko narinig ang usapan nila.
"Hindi ba puwedeng nag-iba ang isip?" he asked.
"Bakit naman?" kuryusong tanong ko.
"Wala lang. Eh sa gusto ko nang sumali eh."
"Bakit nga." I asked again.
"Ang kulit mo. Basta gusto kong sumali."
"Bakit nga kasi."
He sighed but after that, he smiled immediately.
"Gusto ko kasi ikaw ang ka-partner ko." he giggled.
(◍•ᴗ•◍)✧*。
YOU ARE READING
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 3
Start from the beginning
