Nang makarating sa tapat ng katabi ng classroom ko ay doon kami parehong huminto. We were both panting as we looked at each other, our smile never fading.
I straightened my self as I widened my smile at him.
"Thank you ulit." I said at ikina-tango naman niya iyon. "Bye." I added before gently waving my hand.
"See you." he answered before finally turning his back against me. He started to run again until I saw him in front of his classroom. Tumingin pa siya sa gawi ko at ngumiti kaya't nginitian ko rin siya. Siya ang naunang bumawi ng tingin at pumasok na rin sa classroom niya.
I bit my lower lip as I started to walk towards my room. Pagpasok ko ay pasalamat naman akong wala pa ang prof namin.
Naglakad na ako patungo sa upuan ko at nakitang si Sid na naman ang nakaupo sa katabi kong upuan. Nakipagpalit na naman 'to ng upuan sa katabi kong classmate. Tiningnan ko nga ang upuan ni Sid at nakitang nandoon ang seatmate ko, busy makipag-chika sa classmates naming katabi niya ngayon.
"Bakit ngayon ka lang? S'an ka galing, Harley?" iyon agad ang naging tanong sa akin ni Sid matapos kong umupo sa upuan ko.
"I studied." I answered. Well, totoo naman. Galing naman talaga ako sa library kanina at nag-aral ako. Na-manifest nga lang 'yung sinabi niya kanina na ayain ko si Archein. Hindi ko nga inaya pero sumipot pa rin. Ayon, may company tuloy ako kanina, tinulungan pa ako sa studies ko.
"Ang tagal mo naman. Ako nga, umuwi pa sa bahay pero nakabalik din agad." she pouted. She must've missed me because she had no one to talk to earlier. Eh nandito naman ang iba naming kaklase ah. Wala naman siyang kaaway na kaklase namin. She could've just talked to them instead.
Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong sumagot dahil narinig namin ang pagtikhim ng aming gurong kapapasok lamang.
"Go back to your respective seats. Ang hindi bumalik sa tamang seating arrangement, absent. Miss class monitor?" walang paligoy-ligoy nitong saad habang naglalakad patungo sa table niya sa harap.
"Yes, ma'am." Rizza, our class monitor, answered.
I saw how Sid rolled her eyes before standing up. "Kainis naman." narinig ko pa ang mahinang bulong nito. I just giggled as I shooed her away. Ang kulit kulit kasi. May seating arrangement na nga, kung saan saan pa umuupo.
Nang makabalik ang lahat sa kani-kaniyang upuan ay agad ring nagsimula ang quiz.
Yes, ito ang quiz na talagang pinaghandaan ko kanina. Long quiz kasi ito at malaki ang grades namin dito. Major subject din kasi namin ito at sinabi rin ni Mrs. Catienza na may incentives daw ang kung sino mang makaka-perfect.
I studied hard for this quiz, kaya't confident ko itong sinagutan. I was so relieved that everything Archein and I covered earlier showed up in the quiz. Mas madali ko pang naalala ang mga ni-review ko kanina dahil sa pagiging organized niya.
Nang matapos ang oras para sa pagsasagot ay nakangiti ko itong pinasa sa unahan. I was confident with my answers. Sana talaga ay maka-perfect ako.
"Okay, Ms. Lupera, collect all papers. Pagkatapos ay ipamigay mo rin isa-isa. 'Wag ibibigay sa may-ari." Yesha did exactly what Mrs. Catienza said.
Isa isang ipinamigay ni Yesha ang mga papel at suwerte akong kay Sid ang napunta sa akin. Tatawa-tawa pa ako dahil ang dami niyang erasures. Kaya siguro siya tumabi sa akin kanina dahil alam niyang may quiz.
"Okay, write corrected by." Mrs. Catienza dictated. Agad ko namang isinusulat ang corrected by at ang pangalan ko. "Number one, A." I looked at Sid's paper and saw that her answer was C. Unang number pa lang, mali na agad. Ano pa kaya sa iba? Hanggang number lang naman pati ang ang multiple choice. Enumeration na sa second part ng quiz, at true or false naman sa ikatlo.
DU LIEST GERADE
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
JugendliteraturShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 3
Beginne am Anfang
