I sat on my bed as I opened my Twitter account for distractions. Kaka-send ko lang kay Chelsea ng perang hinihingi niya kanina. Ngunit kahit anong gawin kong pag-scroll ay hindi pa rin napapanatag ang loob ko.

Para makalimutan ang mga iniisip ay napa-away pa ako sa isang stan twitter account na sinisiraan ang isa sa paborito kong artist.

Sunrise and Sunset @pinkmarshmallow03
Ewww! Billie's voice is horrible! All she do is whisper on her songs! Creepy! 💀

Napakunot ang noo ko nang makita ang reply na iyon ng isang user sa isang Tweet ko. Mukhang mapapasabak na naman ako nito sa giyera.

LFL🧣 @chaille_ldr
Replying to @pinkmarshmallow03
Girl, she's everything that you never will be. Stop daydreaming coz she can do a lot more than whispering.

Gigil kong pinost iyon bilang reply sa kaniya.

Sunrise and Sunset @pinkmarshmallow03
Replying to @chaille_ldr
Still not beating the talentless allegations. 😴

Handa na sana akong mag-type ng isang buong paragraph para lang patunayan sa user na ito na nagkakamali siya ngunit agad akong napahinto nang makita ang isang notification. It was also a reply from the pink marhmallow users' tweet kaya't agad ko iyong tinignan.

:) @lifeisanarcane_
Replying to @pinkmarshmallow03
Stop being so insecure and hating on people who's obviously way out of your league. In fact, I doubt you'd even reach her level. Well, I guess your first step is to go find a job or something.

Napangiti ako nang makita ang reply na iyon. My smile widened when minutes passed and that pink marhmallow user still haven't replied yet. But still, hindi pa rin ako kuntento kaya't nag-type pa rin ako ng reply.

LFL🧣 @chaille_ldr
Replying to @lifeisanarcane_
@pinkmarshmallow03 never beating the jobless allegations 💀

Natawa na lang ako sa sarili kong reply. Take that, jerk! Aaminin kong jobless din ako, pero high school student pa lang ako 'no! What if the user behind that pink marhmallow account was a middle aged person who spends most of his or her time hating on big figures such as artists in social media?

Shit! Napaka-judgemental ko!

But I wonder, why do hating even exists? Is it because people are always envious and insecure about what other people had achieved? Are they jealous that some people are hardworking enough to achieve something they themselves want?

Kung ganoon, bakit hindi na lang sila magsumikap upang makamit rin ang mga nais nilang makamit? Hindi 'yung ilalabas nila ang galit at selos nila sa pamamagitan ng panghi-hate sa social media. Tsk. How pathetic.

I am on stan twitter to support my favorite artists. And I am actually a multi-stan kaya't hindi ako nanghi-hate ng ibang artists kahit pa hindi ko sila bias. Pero minsan, may mga tao talagang parang mga switch! Magiging trigger na lang sila bigla sa inner demons mo dahil lang naiinggit at nagagalit sila sa mga taong mas may napatunayan na sa sarili nila.

I just sighed as I closed my phone. Pahiga kong ibinagsak ang sarili sa malambot na kutson at napasinghap habang nakatitig sa kisame.

Everything is coming back inside my head again. I can't make it stop.

Muli akong napasinghap bago ko itinayo ang sarili. I stood up and walked towards my closet. Binuksan ko iyon at hinablot mula doon ang isang itim na hoodie na naka-hanger pa. Tinanggal ko ito mula sa pagkaka-hanger bago ipinatong ang hoodie sa kaliwang balikat ko.

Agad kong naramdaman ang paghampas ng malamig ng hangin sa aking katawan pagtapak ko pa lang sa labas ng bahay. The cold breeze of the wind somehow felt... comforting. Ngunit alam kong hindi ko kakayanin ang lamig ngayong gabi kaya't agad kong isinuot ang hoodie na dala ko.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Where stories live. Discover now