'Yung dalawa naman ay pareho na lang natawa. They then eventually stopped teasing and just continued eating. Mabuti naman, good riddance! Sana magsawa na sila sa ka-a-asar sa 'kin. If I show them that I do not really care and I have no interest, baka talagang tumigil na sila.
But boy, pretending that I don't care and I lack interest was tough! Emphasis on the pretending!
"You really don't want to enter the competition." boses iyon ng isang lalaki. I don't know who possesses that voice dahil nasa loob ako ng storage room ng gymnasium. Bahagyang nakabukas ang pinto nito kaya't naririnig ko kung ano ang pinag-uusapan ng dalawang nasa labas.
It was Archein and another guy. Probably his friend.
"Nah, waste of time." maikling sagot ni Archein.
Agad akong napakagat-labi nang marinig ang boses na iyon. Fuck! Bakit parang anghel rin pati ang boses niya? Sure bang tao talaga siya at hindi undercover angel na nasa balat lang ng lupa upang obserbahan ang mga taong makasalanan sa mundo?
If yes, willing akong naging makasalanan. Obserbahan niya lang ako araw-araw--
Fuck! What are you thinking about, Harley! Shut up!
But he sounded so manly, so angelic, so hot, so sexy--
Ano ba, Harley? Keep your cool together! Sa pagpaparating mo ay nagtutunog na pinaglalawayan mo ang isang lalaki!
But my shoulders dropped as I realized what he just said.
Ayaw niyang sumali sa Eco-Modelo?
I swallowed hard as I bit my lower lip. Bakit naman ako naaapektuhan? Bakit parang nanghihinayang ako? I shouldn't be affected, right? Remember, Harley! You don't care. You have no interest!
Kung ayaw niyang sumali, e 'di 'wag. I respect his choice. At sino ba naman siya para pilitin?
"I heard you'll be paired with the girl from the other section." Muling bumalik ang tuon ko sa kanila nang marinig ang sinabi ng kausap niya.
"Paired, huh?" sarkastikong saad ni Archein. He clicked his tongue. "Whatever, wala naman akong pake. I don't want to join anyway."
Mas lalong bumagsak ang mga balikat ko nang marinig iyon. I just bit my lower lip as I rolled my eyes, sarcastically.
Why am I even affected. He doesn't care, Harley.
"Dude! Tara na!" sa pagkakataong ito ay iba na ang boses na narinig ko. Kasunod nito ay ang tunog ng mga yabag ng paa. I guess they already left dahil rinig ko ang papalayong mga yabag nila. I then heard nothing anymore.
I heaved a heavy sigh as I took what I came here for. A volleyball.
Nang makuha na ang volleyball ay lumabas na ako sa storage room. Sakto naman at paglabas ko ay namataan ko pa sina Archein at ang tatlo pa nitong kasama na papalabas na ng gym. The four of them were being so noisy and were laughing together as they walk.
Nakikita ko ang paggalaw ng mga balikat ni Archein habang tumatawa ito. Ang isa naman niyang kasama na si Brent ay ang nagkukuwento. Kilala ko siya dahil isa siya sa mga volleyball players ng school.
Nang tuluyan na silang makalabas ay saka lang nawala ang tingin ko sa kanila. I roamed my eyes until it landed on my team, waiting for me, while all resting at the bleachers. Matapos ay naglakad na ako patungo sa kanila.
"Bakit ang tagal mo, Harley?" iyon agad ang tanong sa akin ni Janina, isa sa mga teammates ko, nang lumapit ako sa kanila.
"Sorry, I just got distracted." I answered. I then passed her the ball.
YOU ARE READING
Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)
Teen FictionShe was weak, she was scared. That's what she sees as she faces herself in the mirror. Everyone has their own weaknesses, but everyone also has their own strengths. And she became eager to find hers. She was eager to claim it. She became willing to...
Chapter 1
Start from the beginning
