✭ LOVE DIVE 55 ✭

5 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Pumasok kami ni Mark that day. Magkaiba kami ng shed, mas maaga 'yong akin. Noong una, tumanggi ako, of course, ayoko kaya na maghintay pa siya ng almost four hours dahil sa 'kin. But ano pa ba, si Mark 'to, na laging makulit, he really tried to convince me na okay lang daw at gusto raw niya akong ihatid. Kaya ano pa bang magagawa ko? Especially that time, hinawakan ni Mark 'yong kamay ko, nakatitig pa sa mga mata ko!

Ngumiti pa nga siya noong simple na lang akong tumango. Kaya wala sa sarili kong nasampal siya nang medyo at siya, tiningnan lang naman niya ako nang natatawa habang nakahawak pa sa palad niya. Nakakainis, bakit ang cute naman ng lalaki na 'to. And nag-uumpisa na naman pala tumubo 'yong balbas niyang hindi na nakakabwisit tingnan.

"Kita na lang tayo mamayang lunch, 'a, baby? Puntahan kita," sabi niya sa akin, nasa harap kami ng gate. Not the usual gate na pinapasukan namin, which is the main gate.

"Puwede naman ako na ako na lang magpunta. Saan ka ba mag-i-stay n'yan, woy? Sa usual ba? And woy, may dala ka bang face towel n'yan?

"Ako pupunta sa 'yo, baby. Malapit lang naman, huwag ka nang mag-alala, uy. At oo, may dala akong face towel. Akala mo ba makakalimutan ko? May taga-remind kaya ako."

"Woy, hindi naman kaya kita madalas i-remind!"

"Oo nga pala!" Tumawa siya, kaya napatingin lang ako sa kanya. "Pero tumatak sa 'kin sinabi mo, siyempre. Ikaw kaya si Celine. Ang baby ko," sabi niya, nakangiti. Bumawi pa talaga. Naitulak ko 'yong gilid ng braso niya kasi that time, ramdam kong nag-init 'yong mukha ko.

"Sige na, mamaya na lang. Oo na. Fine. Whatever." Natatawa naman niya akong tiningnan. Lumayo agad ako sa kanya. "Pupuntahan mo ako mamaya. Okay po, boss!" sabi ko, nag-crossed arms nakangiti. Para naman siyang namangha sa sinabi ko at ginaya pa talaga ako sa pag-crossed arms ko.

"Pupuntahan po talaga kita, Ma'am," sabi pa niya nang natatawa. Ako nailing na lang at pumasok na sa gate.

"Baby!" rinig kong sigaw niya. That time, ewan ko ba bakit hindi agad ako nakaikot para tingnan siya. Kasi naman, nakakahiya! I mean, not in a way naman na kinahihiya ko siya, I just felt my face were just so red that freaking time na talagang ayokong makita niya.

But he shouted. This time, "Celine!" sigaw niya kaya kahit paano, that was the break my heart needed. It definitely needed that. But I know that was shortwhile. Nagtama mga mata namin at siya naman kinaway kamay niya, nang nakangiti. Para siyang araw, sobrang nagliwanag siya sa mga mata ko. And as if people passing us by were just background characters.

"Galingan mo sa klase! Nandito lagi ako para suportahan ka!" sigaw niya, nang nakangiti.

Ngumiti ako sa kanya and I mouthed, "Thank you, babe!" And just like him, I also waved my hand.

"I love you!" sigaw pa niya, hindi tinatanggal 'yong ngiti niya.

"I love you, too!" And that time, my heart could clearly hear the words I said to answer his love for me and express my love for him. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. And that time, I remembered something. Dati, hinabol niya ako rito. Noong time na b-in-lock ko siya bigla. Then, in this same spot, nakita ko siya sa labas ng gate, nakatingin sa amin ang mga nagtatanong niya na mga mata kung bakit kasama ko si Dexter, kung ano 'yong nangyayari. Now, akalain mo nga naman, ang daming puwede magbago. We're here: I love him; we love each other.

Sobrang ngumiti lang siya at parang ewan na hinawakan pa ng dalawang palad niya 'yong dibdib niya! Then, umalis na siya, umikot specifically. Nagulat pa nga ako noong tumakbo siya at nagha-hop pa talaga 'yong katawan niya.

Napailing na lang ako habang nakangiting naglakad. For everything that happened, the morning was still greeted and ended by love.

****

Simple lang akong nakinig sa discussion. But I admit, my 100% attention wasn't even there. 75% of it? Na kay Mark. Not in a way naman na gusto kong madaliin 'yong oras. It was just a thrilling moment 'yong fact na magkikita rin kami mamaya. Girl, admit it: you're deeply in love.

"Nginingiti-ngiti mo?" narinig ko sa side ko. Nakataas ang kilay sa 'kin, parang diring-diri. "Baliw ka na yata talaga."

"Excuse me, who are you?" I inquired. That was the time na nakaramdam ako ng hawak sa kamay ko kaya nakataas ang kilay ko na napatingin sa mga kamay namin, bago tinapatan ang mga mata niya.

"Sis, ano'ng 'who are you?' seryoso ka ba, ha? Akala mo natutuwa ako?"

"Ako ang hindi natuwa sa 'yo, remember, woy?"

Nakarinig ako ng sound ng pag-usog ng upuan and then nakaramdam ako ng akbay. "Sorry na, sis. Kinausap na ako ni Tita. And sorry hindi ako nakapag-sorry sa 'yo agad. Na-guilty ako, eh. Sorry kung ganun naisip ko kay Mark at yung mga sinabi ko. Concern lang naman ako sa 'yo, ayoko pang mapahamak ka pa," mahabang sabi niya, medyo mahina, pero rinig ko naman. Napatingin tuloy ako sa prof namin sa harap na nagdi-discuss bago sa kanya.

"I didn't like the fact na hindi mo ako pinakinggan," sagot ko, nakatingin nang diretso sa mga mata niya.

"Sorry," she mouthed, then nag-pout pa talaga. Then bigla siyang sumandal sa balikat ko. "Galit ka pa sa 'kin, sis?" tanong niya. Rinig ko talaga na guilty at parang disappointed siya sa nagawa niya. Thinking about it, tama nga naman siya. Silang dalawa ni mama, concern lang naman sa 'kin. Kung sanang sinabi ko lang talaga sa kanila right away, that could clear every complication we all experienced that day. But I know, this wasn't anyone's fault. What matters right now is nag-grow kaming lahat because of this situation.

"Hindi naman ako galit sa 'yo, woy. And thank you for being concern to me, kahit na ganoon, alam mo na. Alis ka na nga, makita n'yan tayo ni Sir, eh."

"Mag-best friend naman tayo, ha, sis? O kaya sabihin ko mag-girlfriend tayo!"

"Baliw. Kapag ikaw tinawag ni Sir, sumagot ka na lang."

Umahon naman siya kaya I took that chance na dahan-dahan kong ilayo upuan namin. "Ang choosy mo pa, sis. Ako na 'to, the one who has an ethereal beauty! Ang ganda-ganda ko kaya. 'Di ba? So ganda!" Napatingin na lang ako sa kanya nang nakakunot talaga ang noo ko.

Fortunately, hanggang matapos prof namin mag-discuss, tumahimik na ang environment ko. Napalingon pa nga ako kay Kate na nakinig sa discussion. Nakalabas pa nga 'yong notes niya at nagte-take notes!

"Sissss, just wait! Hintayin mo 'ko!" sigaw niya, bago ko naramdaman kapit niya sa braso ko. "Bati na tayo, sis, ha!" sabi niya. At hindi 'yon patanong. Final na!

"Never naman tayong nagkaaway nang sobra. Gaga ka lang, most of the time," sagot ko.

"Kaya nga! Thank you k-in-eep mo 'ko, sis, kahit nagagagahan ka sa 'kin! Isa ka sa mga taong meron ako," sabi niya at mas isiniksik ang katawan sa 'kin.

Naglakad kami papunta sa student's study corner. Correction, hinila ako ni Kate. Gaga talaga, but I chose to understand na lang. Kaming dalawa n'yan, hindi talaga kami sobrang nag-aaway. Kung mag-away man, pag-uusapan. Madalas agad, minsan hindi. Need din naman kasi ng time to adjust, emotionally. Good thing lagi namang naaayos. And just like her, thankful din ako sa kanya kasi siya lang ang meron ako. I never had any girl friend besides her. And Kate was the one who introduced and involved me in the idea of friendship. Sa kanya ko unang natutuhan kung paano i-open 'yong sarili ko sa iba kaya there's no way I would allow anything that would ruin our friendship.

"Sis, maiba tayo!"

"Ano?" sabi ko, mataray.

"Magbubukod na raw kayo ni Mark?"

At mas lalong tumaas ang kilay ko. Nakakainis! Malapit na nga lang kami magkita ni Mark, may sisira pa talaga ng mood ko. Si mama talaga! Pati 'yon kinuwento! 

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now