✭ LOVE DIVE 27 ✭

3 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"Sweetie! Bakit naman nagmamadali ka?" sigaw ni mama.

That time, gustong-gusto kong mag-pretend na hindi sa nanay ko 'yong boses na 'yon. Ma naman! I know hindi naman niya ginawa 'yon intentionally, ang wrong timing lang talaga. Kainis. Huminga ako bago siya hinarap. "Una na ako sa elevator, Ma, sunod na lang kayo. Kapag nagtagal kayo, sa lobby area na lang."

"Sure ka, anak?"

Hindi na ako nakasagot nang kusang dalhin ako ng mga paa ko para magmadali. Eh pa'no, narinig ko na 'yong sound from the magnetic swipe door. Kasabay nang paglabas noong Khalil 'yong hagikgik ni Kate. Anytime, alam kong lalabas na rin 'yon, dumadagundong talaga 'yong dibdib ko. Hanggang sa humina nang humina boses nila. From that moment, there was chaos in me. 'Yong paa't isip ko, gustong magmadali. While my heart was expecting to hear a voice. Tawagan ako para sabay kami, tawagan ako para kausapin ako. Pero wala.

Niyakap ko sarili ko bago ako pumindot sa elevator. Sasarado na sana nang makarinig ako ng mga yabag. Napatingala ako nang may bumungad na katawan sa harap ko hanggang sa tumama mga mata namin.

"D-dex! Ikaw pala . . . "

"You were expecting him?" tanong niya. "Ako na." Umusog ako sa left ko. Umabante siya para pumindot sa elevator, then tumingin sa 'kin. Pero hindi ko alam bakit hindi ko man lang magawang makasagot.

"About what happened earlier, sorry. It wasn't my intention, believe me."

"Why? Ano'ng meron? Meron bang maling nangyari?" tanong ko, to inform him na wala namang nangyari. Na okay lang, ayoko na siyang idamay. Ayokong ma-feel niya na kasalanan niya eh nagmalasakit lang naman 'yong tao.

"I've observed that there's something wrong with you two. Hindi kayo magkasama. Hindi kayo magkausap after that."

Humarap ako sa kanya, tiningala siya. As expected from him. Observation is really skill na helpful talaga sa life. "It's okay, it's not your fault." Hindi naman niya talaga kasalanan.

Bumukas ang elevator. Nauna na siyang nakalabas at sumunod naman ako. Humarap naman sa 'kin si Dexter. "Would you . . . "

"Sorry! Muntikan na 'yon, woy." Natawa siya, kaya natawa na rin ako. Pareho kami kasing nagulat, konti na lang magkakabanggaan na talaga kami.

"It's okay!"

"Ano'ng sasabihin mo kanina?"

"Ah, about that, would you like me to talk to him? I think I should inform him that I have a girlfriend already."

"Wait, what? May girlfriend ka na?" Ngumiti lang siya at naglakad, ako naman humabol talaga.

"Woy!" Nilagay ko kamay ko sa shirt niya and that made him stopped. "I mean, 'di ba last time, is it the same girl? 'Yong sinamaan ako ng tingin n'on!"

"Yup. Her name is Athena," he answered enthusiastically. I could feel that he's really in love. May weird thing talaga na nangyayari 'pag in love 'yong tao, you could really tell and in his case, his face was red!

"Woy, nakaka-proud ka naman! Good for you! Wait, sorry about that!" Tumawa ako. Sinampal ko kasi 'yong braso niya. "Wait, bakit hindi mo siya sinama? You should have brought her with you para naman nakilala namin siya." I inquired, while showing my smiling teeth. Deserve niya 'yong ganitong happiness na hindi ko naibigay. That time, my heart was actually relieved to hear that. Iba kasi 'yong guilt 'pag hindi mo nasuklian 'yong nararamdaman ng taong may gusto sa 'yo at parang mawawala lang 'yon totally, kapag may nagustuhan ng iba 'yong taong 'yon!

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now