✭ LOVE DIVE 18 ✭

1 0 0
                                    

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I decided to wake up at 5 A.M. para unahan si mama. Gusto kong this time, ako muna mag-asikaso sa kanya. Worried pa rin ako sa situation nila ni papa. 

I actually tried messaging papa, na hindi ko naman s-in-end nang magkasunod-sunod, since that feels like feeding my overthinking. At ayoko rin mag-assume, maging direct, na parang pinaparating ko na hindi ko pinagkakatiwalaan ang papa ko. Kaso, hindi man lang delivered ‘yong messages ko and almost two days na nga simula noong last online niya. I reminded myself na baka may something lang silang ginawa sa barko and honestly, it kinda sucks na wala akong idea about it. 

Kauwi ko rin kagabi, kasama si Mark, nagtanong din ako sa kapatid ko na naabutan ko sa labas. Nasa rocking chair. Kausap si Eunice. According to him, hindi pa rin nasagot si papa. Hinayaan ko na lang muna.

The morning feels weird. Lumabas ako sa bahay, dala-dala ‘yong one hundred peso bill. Sinalubong ako ng malamig na hangin. Maliwanag na. May mga iilang mga tao na rin sa labas, mga kapit-bahay na nagku-kuwentuhan umagang-umaga. ‘Yong iba, may hawak pa ngang tasa, ‘yong usok nakikita ko pa. Coffee is life nga naman every morning. Sinamahan mo pa ng morning tsismis, plus the cold weather? What a perfect combination.
 
Dati, inis na inis ako sa mga taong nagtsi-tsismisan. To the point na talagang kapag may narinig ako, especially sa loob ng jeep, talagang ipupukol ko sa kanila ‘yong tingin ko. Wala man lang bang consideration sa ibang tao? 

Not everyone likes to hear tea. Like, seriously, wala ba silang ibang pinagkakaabalahan? Ano’ng nakaka-satisfy 'pag pinag-uusapan ang buhay ng iba? Mga ibang tsismis pa naman, more on negativity. One-sided pa. Gets ko naman na maybe for past time lang, pero kasi, ‘yong iba, ginawang lifestyle, always a necessity. Wow na wow pa, meron pa ngang tawag sa kanila in this modern age, “marites.” 

Ngayon, as I age, I realized . . . that is beyond my control. Hindi ko madidiktahan ang mga tao kung paano nila gagamitin ‘yong utak at bibig nila. That's their life. Don’t bother na lang, sayang sa energy.

Ngumiti na lang ako sa ibang nasa labas. 'Yong iba familiar, 'yong iba hindi. 

Thinking about it, matagal na rin kami rito sa baranggay pero wala man lang akong ka-close na mga matatanda. Which is understandable naman since selective ako and it’s not necessary to engage all the time because one must protect his energy. I’m just wondering how does it feel like na may ka-close kang hindi mo ka-edaran. Malayo man ang agwat ng edad n’yo, still nakakabiruan mo pa rin. Nakakapalagayan ng loob, to the point na comfortable ‘yong taong mag-kuwento sa ‘yo like a close friend. Sabi pa naman nila, maraming wisdom ang mga matatanda. I would love to immerse myself with their life experiences. I know that would be one of the amazing experiences a person could have.

Dumiretso na ako sa kanto para bumili ng isang supot ng pandesal. Bumili na rin ako ng dalawang tamalis. I don’t like it, pero ‘yang dalawa sa bahay, gustong-gusto nila. Ewan ko. It looks weird. Pinapalaman pa nga nila sa loob ng pandesal. Tinikman ko naman ito ng once, ayoko talaga ng lasa. Hindi ko ma-explain. Hindi talaga sila magkasundo ng dila ko.
 
Pagbalik ko, nakita kong nasa labas na si tita Lorna. Maaga rin pala siyang nagigising. Of course, Celine, karamihan yata sa mga matatanda, maagang nagigising. 

Nakayuko nang medyo, may hawak na walis tingting. Nakatalikod siya sa ‘kin kaya talagang napahawak ako sa supot ng pandesal and I tried to steady my pace. 

Hindi kami masyadong close na close. Sakto lang, na okay lang naman sa ‘kin. Kapag bumibisita ako sa bahay nila, konting kuwentuhan lang.
Nang nag-angat siya ng tingin at napunta sa kabilang daan, doon na nagtama mga mata namin. Nakita ko pa ngang medyo humaba ‘yong ulo niya, just to make sure kung ako nga nakikita niya.

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now