✭ LOVE DIVE 04 ✭

4 1 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"Ba't ka nagso-sorry, uy? Naiintindihan naman kita kasi kung ako rin yung babae sa 'tin, mag-aalala ako lalo na kung . . . lalo na kung guwapo bf ko." Natawa ang mokong.

"Okay na sana, eh." I acted like I was annoyed, but deep inside me, pigil na pigil akong 'wag tumawa. Nakuha niya ako sa sinabi niya.

"Sus." Napangiti ako saka ko kinagat din 'yong labi ko. I could imagine his face reacting 'pag sinasabi niya 'yon. Nakalukot talaga 'yong itaas ng noo niya, 'yong mata niya para akong kakatayin anytime, tapos 'yong labi niya naka-pout. It was like something that was already ingrained in my memory.

"Seryoso, woy. . . " Kumuha ako ng hangin, "basta ba . . . maipapangako mo na ako lang?" Narinig ko na huminga siya. Asking that question was hard. Even though nakabukas naman 'yong aircon ko, parang ang init pa rin sa pakiramdam.

But the sudden surge of thoughts, feeding my overthinking, like, "what if may makilala siyang iba?" "what if may ireto sa kanya mga tropa niya?" "what if magsawa siya sa 'kin?" "What if he would fall out of love?" all these thoughts popped like a bubble when I heard his voice. Seryoso. Banayad pero may diin. It made me feel warm.

"Promise. Ikaw lang, baby. Dun sa nabanggit mo tungkol sa kung nako-control ko yung sexual desire ko, oo, baby, nako-control ko. 'Pag nagwo-work out ka kasi, nag-i-improve yung self-control mo. Kahit 'di naman ako nagwo-work out, 'di ako magloloko, eh. Kaya huwag ka na matakot, baby, 'a? Kahit marami pang babae d'yan sa tabi-tabi, kahit pa nga mas maganda pa sila sa 'yo, ikaw lang. Ikaw lang talaga. Tandaan mo 'yun, a?"

After namin mag-usap niyaya ako ni Mark na kung puwede raw niya akong makita. As in sa labas, as the usual thing we do, around 10 P.M. I didn't even think twice kasi gusto ko rin naman siya makita. Hearing those words from him made me forget the shame I felt a while ago sa naging reaction ko.

I didn't even bother fixing my hair or magpalit man lang ng shirt. As usual kasi, when I'm with him, komportable talaga akong magsuot ng simpleng oversized-shirt plus pajama. Kabukas ko pa lang nga ng door namin, nakita ko na siya sa harap ng bahay nila. Kumaway pa nga siya nang makita niya ako like he was there really excited waiting for me. I just smiled. Right at that moment, tumakbo na siya sa gate namin.

"Hi, baby," he greeted me. 'Yong ngiti talaga niyang 'yon. The way he said that? 'Kala mo walang nangyaring conflict kanina.

"Hi," I greeted back. He was wearing a sando and a short.

Then in-offer niya hands niya sa 'kin, he used his pouty lips to point it out. And I gladly accepted that.

Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa clubhouse na malapit sa baranggay namin. Ramdam ko nga 'yong lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa balat namin, buti na lang makapal 'yong suot ko. Fortunately, dahil sa init ng kamay ni Mark at sa fact na kasama ko siya ngayon, wala dapat akong ipag-alala.

"'Di ka ba nilalamig, woy?" tanong ko, sumulyap naman siya sa 'kin.

"Hindi naman, uy. Hawak ko rin kamay mo, eh." Then he showed it to me while smiling, pinakahigpitan niya pa pagkahawak doon.

"Ang init nga ng mga kamay natin." Umiwas ako ng tingin, eh pa'no 'di ko makaya the way he looks at me. Kahit na ang bilis na ng tibok ng puso ko, buti na lang naging distraction kahit papaano 'yong pag-sway niya sa mga kamay namin. Para talaga siyang bata kapag ginagawa niya 'yon. 

Nag-stop din naman mayamaya 'yong pag-sway niya. "Hindi ako galit sa 'yo, 'a? Ayos lang 'yun sa 'kin, kahit awayin mo pa 'ko, basta malaman mo na ikaw lang."

"I still want to say sorry sa 'yo. And I want to thank you kasi iniintindi mo ako."

Ngumiti na lang siya sa 'kin.

"Maglakad ka lang, mag-focus ka sa 'kin. Ako bahala sa 'tin," sabi niya maya-maya noong may mga aso na namang nagkalat sa daan. Ito talaga isa mga kainaiinisan at kinatatakot ko eh. Besides, bakit sa tuwing mga ganitong oras sila lumalabas, like, seriously, ano'ng ganap? The way pa naman na nagpulong 'tong mga asong 'to, para silang nasa isang seminar, nagsanib-puwersa para mag-uusap-usap kung sinong next na tatahulan nila. Cute naman ang mga aso for their loyalty, but not in this way! Tatahol-tahol sila eh 'di mo naman sila inaaway. Mga baliw.

Fortunately, like he always does, kapag dumadaan kami rito, he always promise to protect me. And I would always feel protected.

Malapit na sana kami sa clubhouse, kita ko na 'yong ilaw sa loob nang biglang nagsipatayan 'yong ilaw mga poste as if there was a domino. Napakapit tuloy ako sa braso niya. Naramdaman ko naman 'yong init ng kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

Tumingin ako sa kanya and just like that, our eyes met. "Tutuloy pa ba tayo?"

"Gusto mo pa ba, uy?"

"Na alin?"

"Makasama ako kahit madilim."

"Basta huwag mo akong iiwanan, susuntukin talaga kita, woy."

"Hindi naman kita iiwanan. Dito lang ako sa tabi mo. Babantayan kita."

"Sure ka? Hindi mo 'ko aasarin or tatakutin? I know you."

"Gusto kitang inaasar pero 'di naman sa ganito, uy."

Kahit madilim 'yong daan papunta sa entrance, magkahawak-kamay pa rin kaming pumasok. Kahit madilim, hindi ko naramdaman na takot ako dahil sa hawak niya ako at kasama ko siya.

Mahangin pero sakto lang. Nag-stay kami malapit sa swing. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan, enough naman na 'yon para hindi kami madapa.

"Hindi kaya tayo hinahanap?" tanong ko bigla.

Huminto naman siya sa pag-sway niya. "'Di naman siguro. Nagpaalam naman ako kay mama at nag-chat din ako sa kapatid mo."

Napatango na lang ako at tumingala sa buwan, sini-sway ko katawan ko sa swing na medyo lang. Nililipad nang medyo hibla ng mga buhok ko. Napansin kong tumayo siya kahit nakatingala pa rin ako dahil sa biglang paghina ng sounds ng swing. Right at that moment, naramdaman ko na lang na nasa likod niya ako.

"Don't you ever dare, Mark. Mahuhulog ako."

"'Yun nga plano ko, eh. Para masalo kita. Sasaluhin naman kita, alerto kaya ako."

Ano pa ba si Mark na mapang-asar, talagang tinulak niya 'yong likod ko kaya I couldn't help but scream. Ang tahimik pa naman. While him? Tumatawa lang naman, enjoy na enjoy sa ginagawa niya.

"'Pag talaga ako nalaglag tapos nauna mukha ko, hindi ka na magagandahan sa 'kin."

"Kahit may sugat ka pa sa mukha, maganda ka pa rin sa mga mata ko, uy. Kaya aasarin pa kita lalo para din lalo ka pang mainis sa 'kin at sumigaw ka pa sa pagtulak ko."

Dahil sa naririnig ko tawa niya, hinayaan ko na lang siya sa kalokohan niya. Tinulak niya ako. Siya rin naman kusang nagdahan-dahan sa pagtulak sa 'kin, nakaramdam din yata.

Nagpunta siya sa harap ko noong tumigil na 'yong swing kaya napatingala ako. Nakita ko siyang humihingal.

"Happy ka na? Dahil sa kalikutan mo pinagpawisan ka tuloy. Wala kang dalang panyo, woy?"

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan 'yong dalawang pisngi ko. Nakangiti siya sa 'kin kahit hinihingal pa rin. Right at that moment, that was the time na unti-unting nagsindihan 'yong ilaw sa mga poste. Buo ko nang nakita 'yong mukha niya at ang sabi niya nang nakangiti, "Masaya na. Lagi kapag kasama kita."

And the wind blew— it whispered love.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon