✭ LOVE DIVE 41 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kahit nakasarado pa mga mata ko, inabot ko na phone ko sa usual na pinaglalagyan ko, sa gilid ng heart lampshade ko. Umagang-umaga sino naman 'tong tumatawag sa messenger? Nakita ko pangalan ni Kate sa screen. Inaantok kong nilagay sa tenga ko 'yong phone, nakatingin sa dingding.

"Ano?"

"Nagising ba kita, sis?" tanong niya. Nasa kitchen top nila siya.

"Ano'ng oras na ba? Wait, magna-nine na? Hindi, hindi naman.," sagot ko sa kanya. "Bakit ka napatawag? 'Di ba galit ka sa 'kin?" dagdag ko.

"Oo pero concern ako sa 'yo! Okay ka na, sis?"

"Ang sungit mo?"

"Sumagot ka na lang. Pasalamat ka tumawag pa ako," sabi niya saka nakita ko mga mata niya na umikot. Gamit ang kamay ko, hinawi ko ang buhok ko at medyo itinaas 'yong phone para makita ko nang maayos sarili ko.

"Teka, sis, kaninong braso 'yan?" biglang tanong ni Kate. And that was the moment na naalala ko na kasama ko pala si Mark si kuwarto ko. At magkatabi kami? Yeah, right, magkatabi kami! At nakita ni Kate braso ni Mark!

Pinakalma ko sarili ko, especially sa isip ko, at inilapit nang medyo phone ko, nagpanggap na hindi affected. "Braso? Ano'ng sinasabi mo?"

"Huwag mo akong gawing bulag na babae ka. Sis, may braso akong nakita! Tingnan nga! Saka teka, bakit naman kayo magkasama? Ano'ng meron at bakit? Kailan pa yung ganitong progress n'yo?" sunod-sunod na tanong ni Kate, to the point na napangiwi na ako kasi literal na parang inaaway na ako ni Kate. Makasigaw naman 'to?

"Ang dami mo nang sinasabi. Inaantok pa ako, woy. Ayos na ako. Thanks kahit galit ka pa, tumawag ka pa rin. I appreciate you, by—"

"Hoy, sis, huwag mong ibababa ang tawag! Ayan, ayan, tama nga ako. Meron nga! Magkasama kayo!" Mas lumapit 'yong mukha niya sa camera nang biglang dumantay 'yong braso ni Mark sa leeg ko, 'yong kamay niya naramdaman ko sa gilid ng balikat ko, kaya gulat akong napatingin sa kanya, to the point na nanginginig 'yong kamay ko. Nakapikit 'yong mga mata niya. From that moment, nanlaki bigla mga mata ko at napakurap-kurap noong lumapit 'yong ulo niya sa 'kin, nakasarado pa rin 'yong mga mata. Sobrang lapit talaga ng mga mukha namin, to the point na pinigilan ko 'yong sarili kong huminga saka napalunok pa ako.

"Ayan! Ayan, hoy, magkasama nga kayo! Kitang-kita ko na. Huwag ka na magsinungaling pa, sis! Magkita tayo hindi na ako galit sa 'yo! Marami kang iku-kuwento! Pipilit—" Tuloy-tuloy na sabi ni Kate kaya kailangan ko na siyang patahimikin.

Nilagay ko phone ko sa gilid ng katawan ko. Pagkatapos ibinalik ko 'yong tingin ko kay Mark na nakasarado pa rin ang mga mata.

"Sinadya mo ba 'yon? Nagtutulug-tulugan ka bang lalaki ka?" tanong ko, nakatagilid nang konti ulo ko para mas mapagmasdan ko mukha niya. Bakit kahit nakapikit lang siya, iba pa rin 'yong tama niya sa 'kin? Crazy. Ang guwapo naman kasi talaga ni Mark, tapos ganito pa kalapitan? My old version is probably laughing at me. I used to think some girls are just over reacting when they're describing someone they admire or love. Ganito pala 'yon. I really really get it.

Nakita kong sumilay 'yong ngiti niya at nanigas 'yong mukha ko't nanlaki't napakurap 'yong mga mata ko na mas inilapit niya 'yong mukha niya sa 'kin. Magkatapatan na nga 'yong nararamdaman namin, magkatapatan pa noong mga oras na 'yon 'yong mga mukha namin! "Ayan, dinagdagan ko, mas sinadya ko," sagot niya tapos ngumiti, tapos dahan-dahang nagmulat ang mga mata. Magkatinginan kami tapos saglit niyang isinarado ang mga mata niya. Bakit ganoon? Bakit noong mga oras na 'yon kahit yata sampung minuto kaming magtitigan, hindi magrereklamo mga mata ko? Even if it's unrealistic, my eyes are willing to sacrifice.

"Good morning, baby," bati niya.

"Good morning, babe," nakangiting sagot ko.

"Nakatulog ka ba nang maayos, 'a?" tanong naman niya.

"Yeah. Na-enjoy ko tulog ko."

"Kasi kasama mo ako?" tanong niya nang nakangiti.

"Kasi mahal kita," diretso kong sabi. Nakangiti kong mas lumawak 'yong ngiti niya at mas lumapit 'yong mukha niya sa 'kin kaya napapikit ako. That time naramdaman ko 'yong mainit niyang labi sa noo ko. Si Mark naman kasi, parang tanga, talagang inilapit niya mukha niya na magkatapatan mga mukha namin tapos biglang ganoon? Yes! I admit na nag-expect ako na hahalikan niya ako!

But I still find it sweet and my morning became sweeter when I heard this from him. "Mahal din kita, baby."

Naramdaman kong lumayo siya sa 'kin kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Nakita ko siyang tumagilid, 'yong ulo nakasandal sa palad at nakatingin sa 'kin.

"Mark," tawag ko sa pangalan niya.

"Ano, baby?"

"'Yong . . . wait, yeah, right! Oo nga! Magna-nine na!" Umahon ako. "What time pasok mo, woy?"

Humiga naman ang sira. "9:30," simpleng sagot niya.

"At talagang ang chill mo lang, 'no? Baka ma-late ka!"

"Baby naman, 'yang pagiging mabuti mong estudyante panira sa gusto ko. Gusto pa kitang makasama, eh." At wow, nag-crossed arms pa talaga siya, nakatingin sa 'kin habang naka-pout pa? 'Tong lalaking 'to!

"Mark, tumayo ka nga! Ayokong mag-absent ka nang dahil sa 'kin, woy! Tayo ka na!" Kinuha ko talaga 'yong braso niya at itinatayo siya. Ang bigat-bigat niya, pero naitayo ko rin naman kasi tinulungan din niya sarili niya.

Humarap yung mukha niya sa 'kin at umayos ng upo kaya natanggal ko na hawak ko sa kanya. "Teka, baby, ang naiisip ko lang magpapa-late o kaya 'di pasukin yung first course namin, ikaw, absent agad?"

"Woy, lalaki ka! Wala akong gustong sabihin, ha?! Huwag kang mag-assume!" Which is true. 'Kala ko lang gusto niya mag-absent, hindi ko naisip na puwede naman pala siyang huwag pumasok sa isang course, if ever na sobrang late na niya!

"Ang defensive mo naman, 'a?"

"Mark, male-late ka na, woy! Umuwi ka na sa inyo nang makaligo na!"

"Ito na, ito na. Tatayo na." Tumayo nga siya pero bagsak naman 'yong mga labi. Ako naman tumayo na rin at inayos 'yong kama ko.

"Aalis na, malungkot na," sabi niya bigla, rinig ko sa likod ko. Kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa 'kin. Nakahawak na siya sa doorknob. The way niya sabihin 'yon? In-emphasize niya at binagalan pa talaga.

"Ito na talaga aalis na," sabi pa niya ulit. Nasa same position.

Kahit ang cute niya sa mga ginawa niya, kailangan. "Mark," simpleng sabi ko.

Lumabas na 'yong katawan niya sa kuwarto ko at narinig ko pagsarado ng pinto. Napakagat ako sa labi ko at walang pag-aalinlangang tumakbo.

"Magkikita pa tayo mamaya!" sigaw ko, palabas na sana siya sa bahay namin, nang umikot siya. Habang nakatayo siya, tumakbo ako papunta sa kanya. Without hesitation, tumingkayad ako to plant a kiss on his cheek, ramdam ko mga kamay niya sa magkabilang bewang ko.

Humiwalay ako sa katawan niya at tumayo sa harap niya, 'yong mga kamay ko magkadikit at nasa gitna sila ng lower body ko. That time, sini-sway ko katawan ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. Nakahawak 'yong kamay niya sa cheek niya at pakurap-kurap pa talaga 'yong mga mata niya.

"Thank you sa lahat. Ingat ka," sabi ko nang nakangiti. "Makakasama mo pa rin ako. Lagi."

And the morning was welcomed by our love. 

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now