✭ LOVE DIVE 53 ✭

5 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

That time, para kaming nagkaroon ng another hot seat. Nasa same place kami ni Mark, nakaakbay siya sa 'kin. Mas hinigpitan niya nga 'yon, as if telling me na kahit ano'ng mangyari, palagi siyang nasa tabi ko. 'Yong dalawa namang magkumare, nasa harap namin. Si mama nakataas ang kilay, si Tita Lorna naman nakatingin sa anak niya.

"Tama ba narinig namin?" tanong ni tita Lorna. Lumapit siya nang medyo sa amin at medyo humarap kay mama.

"Tama nga po, Ma," sagot naman ni Mark. "Nung mga nakaraang araw medyo napag-usapan na po namin 'yun." Napatingin ako kay Mark. 'Kala ko itatanggi niya.

"Tita, Ma, we can handle ourselves. I want to experience life more with Mark, 'yong may privacy. Para kasing nalilimitahan kami sa mga bahay namin. Don't get me wrong sa sinabi ko, it just feels like that. Yeah, right. And I want to feel closer with Mark. Gusto ko nang bumukod kasama siya."

Nakita kong may pag-aalala sa mga mata ni tita. That time, I wondered if usually, nagsasabi ba muna kaya si Mark kay Tita 'pag umaalis kami? "Mare, ano masasabi mo?"

"Mga bata pa sila. Kaya n'yo na bang tumayo sa mga sarili n'yong paa? Hindi puwedeng basta-basta magdalos-dalos sa paggawa ng desisyon, lalo na kung bubukod na kayo. Isa pa, mag-boyfriend/girlfriend pa lang kayo. Sigurado na ba kayo sa isa't isa?"

"Para namang hindi ka bumukod kasama mister mo nun, mare!"

"Mare naman! Dapat nga sinusuportahan mo ako! Ang mga anak natin, gusto nang umalis at magsama!" si mama, sinamaan ng tingin si tita Lorna. Tapos si tita Lorna dumikit lang kay mama, nakakapit sa braso, malawak na nakangiti sa amin. Si mama naman ngumingiwi, pilit na inilalayo katawan niya.

"Sigurado na po ako sa anak mo, Tita. Huwag ka pong mag-alala, hindi ko naman po pababayaan si Celine. Lagi ko po siyang aalagaan at po-protektahan," sagot ni Mark at tumingin sa akin nang nakangiti. I don't even know why that time, imbes na magkaroon ng tensyon sa paligid namin, wala lang. Ang gaan-gaan lang.

Hinawakan ko kamay ni Mark at ipinakita 'yon sa kanila. Nakita ko sa mga mata nila ang gulat, ramdam ko rin na nakatingin sa akin si Mark, ako ngumiti lang. "Ma, Tita, sure na po ako kay Mark. To be frank, we don't actually need your permission since it's our life."

"Watch your words, nasa harap kami ng Tita mo."

Pero nagpatuloy lang ako. I even saw mama na napailing lang. "We can ask for it, yes, pero kahit 'di kayo pumayag, it's still our life to decide with. This is our love," I said firmly and I felt na hinigpitan ni Mark pagyayakapan ng mga kamay namin. Nagtinginan naman 'yong dalawang magkumare bago tumingin ulit sa amin. "I know you guys are worried, given na 'yon kasi parents namin kayo. Pero, Ma, Tita, we can handle ourselves naman na. We may be young in your eyes, lalo na sa 'yo, Ma, but we have love as our guide. I don't think pababayaan kami ng love namin para sa isa't isa. I don't think pababayaan namin ako ni Mark."

"Hinding-hindi," sagot naman ni Mark kaya napangiti ako. "Mahal na mahal ko po talaga si Celine. Sasamahan ko po siya kahit anong mangyari." And I felt my heartbeats start to answer him. Pareho lang kami ng nararamdaman ni Mark.

"Pero, mga anak, ano'ng sasabihin ng mga iba? Ng mga kapit-bahay kapag nalaman na sa edad n'yong 'yan ano na inaatupag n'yo?"

"Tita, it's our love story. Wala po kaming pake sa kanila. Afterall, judgments are just words unless you allow them to rule your life. Gaya ng sabi ko, this is our love, gusto naming magmahal na malaya kami."

"Ang pagkain n'yo paano? Baka mamaya, Mark, magutom ang anak ko sa 'yo!"

"Mare, hoy, huwag mo naman maliitin anak ko!"

"Mare, kailangan nating maging realistic. Estudyante pa lang sila."

"Responsable ang anak ko. Puwede ko ring dalhan ng pagkain!"

Napailing-iling lang si mama.

"Ang pag-aaral n'yo, paano? Celine, baka mamaya malaglag ka sa scholarship mo!"

"Kung malaglag man ako, basta kasama ko si Mark, okay na ako."

"Mare, narinig mo ba 'yon? Baliw na baliw na talaga 'yang anak mo sa anak ko."

"Ako rin naman po sa kanya, Ma."

"Ikaw na bata ka! Ayus-ayusin mo, ha!"

"Ma, aray ko, Ma!" Hinarang ni Mark 'yong palad niya kasi pinalo siya ni tita Lorna sa balikat. "Baby, oh, sinasaktan ako!" pahabol pa niya. Mas lalo lang naman siyang pinalo ni tita sa braso nito. Ako naman napailing na lang at tumingin kay mama.

"Huwag kang mag-alala sa studies ko, Ma. For sure naman 'di ko pababayaan 'yon. Magtutulungan kami ni Mark so we could grow together. Thinking about it, this next chapter of my life will teach me how to depend on someone else. I've been independent and I believe time na 'to to extend myself, Ma. Hindi naman mawawala ang independent side ko, I just need to connect more with the idea na para mabuhay sa mundong 'to, hindi naman pala laging kailangan na ako lang lahat, ako lang may dala-dala lahat. Kasama ko si Mark," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko? Lumalaki ka na. Darating ang panahon na hindi ka na namin makakasama."

"Bibisita pa naman po kami, Tita."

"Natural lang, aba! Anak, may nanay ka! Mami-miss kita. Pati ang Tatay mo, naku 'pag nalaman n'ya 'to!"

"Ako na po magsabi kay Tatay."

"Sasabihan ko talaga Tatay mo 'pag sinaktan mo si Celine. Nand'yan din ang Tita Teresa mo, 'di ka tatantanan n'yan!"

"Oo, Mare, talagang-talaga! Hindi puwedeng saktan ang anak ko na maganda!"

Nakarinig kami ng tawa sa dalawa. And I'm glad na pumayag na rin sila. Excited na tuloy ako na bumukod kasama si Mark. That would be another opportunity to explore the unknown with Mark.

"About sa date, wala pa naman kaming napag-usapan. Even place, wala pa."

"Paano kung samahan namin kayo, mga anak! Para matulungan din naman kayo at masuri ang lugar na paglilipatan n'yo. Ano sa tingin mo, mare? Dapat siguro 'yong malapit lang sila sa atin?"

"Magandang experience 'yan!"

"Well, not for us. Kami ang magde-decide kung saang place. And I hope you'll respect and understand that."

"Celine, anak, pinoprotektahan mo ang pagmamahal na meron kayo, alam namin 'yan, anak. Ang sa amin lang ng Tita mo, gusto lang din namin kayong samahan para din mapanatag ang mga loob namin bago kayo mawalay sa amin."

"Ako natutuwa ako, 'di na nga ako makapaghintay kasi first time mag-girlfriend ng anak ko at ngayon bubukod na pala! Binata na talaga!" masayang sabi naman ni tita at tumingin sa 'kin. "Kaya please, Celine, anak, puwede ba?"

Napatingin ako kay tita. "Sasamahan lumipat, pero kami magde-decide."

"Ayos! Basta kasama kami! Okay na 'yon, mare!" masayang sabi ni Tita Lorna. "Mare, mag-salon tayo!"

"Then what, magpi-picture kayo at ipo-post pa?" tanong ko.

"Why not?"

"Maaaa!" sabi ko. Hindi puwede. Bakit kailangan pang i-post sa facebook? Can they just keep it na lang as memories? "No. No. Hindi puwede."

Thinking about it, oo nga naman, bakit hindi sila puwedeng sumama? Hindi lang naman si Mark kasama ko. Kasama rin namin sila. Kasama nga namin sila nag-celebrate sa relationship namin noon, may pa-tarpaulin pa nga! This happiness, this new chapter of my life with Mark, puwede ko namang i-share sa kanila. Basta huwag lang talaga 'yon, kaya sana naman mapakiusapan pa ang dalawang 'to! Kung ipipilit nila, baka maaway ko pa sila! But fortunately, they agreed na magpi-picture na lang sila. Hey! Hey, Universe! I can't wait na makabukod na kami ni Mark!

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now