✭ LOVE DIVE 42 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"M-ma! Nakakagulat ka naman! Kanina ka pa d'yan?" tanong ko sa kanya nang umikot ako. Nasa likod siya ng wall, 'yong sa wall na kaharapan noong banyo namin, sa way na papunta sa likod ng bahay. Talagang nakalabas 'yong ulo niya at naglakad palapit sa 'kin nang nakangiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakita ko 'yun," she casually said habang labas na labas 'yong mga ngipin niya. Sinasabi ko na nga ba't after maging good ang morning, may eepal at eepal para masira 'yon. "Sa layo kong 'to sa 'yo, anak, parang naririnig ko yung lakas ng tibok ng puso mo!"

"Oo, Ma, kasi naiinis sa 'yo!" sagot ko naman habang naka-crossed arms. Patuloy lang siyang lumapit sa 'kin. Nailayo ko ulo ko sa kanya nang hawakan niya braso ko at inilapit niya 'yong katawan niya sa 'kin.

"Hindi ko inasahan na makikita ko sa harap ko 'yun, sweetie! Ang tapang mo, ang sweet! Para tuloy akong bumalik sa pagkabata, kinikilig ako sa inyong dalawa!" ngiting-ngiting sabi niya at hinuhuli 'yong mga mata ko, habang ako inilalayo ko pa rin 'yong ulo ko.

"Ano gusto mo, Ma, na matuwa ako sa narinig ko sa 'yo?"

"Don't be ashamed! Mama mo ako! Naiintindihan ko ginawa mo, sa katunayan pa nga proud ako sa 'yo for expressing your love, ha! Ang tapang mo talaga, nakikita ko sarili ko sa 'yo! I did many crazy things!" sabi pa niya at mas isiniksik 'yong katawan niya sa 'kin.

"Ma, puwede ba? Oo na, proud ka na. Thanks kaya pakawalan mo na ako," sabi ko.

"Akala ko, sweetie, wala nang lalala sa ginawa n'yo nung nasa beach tayo!" she continued, like, seriously, why did I expect a bit na makikinig man lang siya? Si Mama 'yan.

Ginawa namin? Na ano? Ano'ng sinasabi ni mama, kaya doon ako tumingin sa kanya.

"Nung tinakasan n'yo kaming dalawa ng kapatid mo. Sinabihan ko pa nga 'yang kapatid mo na 'wag maingay," pagku-kuwento niya kaya I took that chance para kumawala sa kanya. Pati 'yon? Nalaman ni mama? Tapos kasama pa kapatid ko?

"So, nakita mo rin kami. Hindi n'yo naman siguro kami in-observe na parang creepy stalker namin kayo, 'no, Ma?" tanong ko, nakataas 'yong mga kilay. Maybe hindi naman talaga, right? I mean, I know my mama's crazy plus Bryle's crazy, too, pero darating ba talaga sila sa ganoong point? If so, super baliw naman nila?! Besides, why should I worry, wala naman kaming masamang ginawa! Yeah, right!

"Natural, anak, hahayaan namin kayong dalawa. Nabatukan ko pa nga 'yang kapatid mo," sagot ni mama. Fortunately napigilan ni mama kapatid ko sa kung anong plano nito. Kumalma dibdib ko sa narinig ko. Naglakad na ako papunta sa hapag-kainan to prepare something to eat for breakfast. Napatigil ako sa pagbukas ng ref when I suddenly had a realization! Yeah, right!

"Why, sweetie, hindi ka ma-move on sa sweet moment n'yo?" biglang sulpot ni mama sa gilid ko at bahagyang itinulak ng katawan niya katawan ko. Ayan na naman siya, hindi pa ako tigilan. Naiinis ko siyang hinarap.

"Ma! Umagang-umaga! Can you please shut the fuck up?!"

"Ano'ng sabi mo?"

"Don't pretend you're affected. Wala lang 'to sa 'yo, Ma. I know. Please, Ma?" I said and begged.

"You know me very well."

"And you're one of the annoying people I know na laging sinisira araw ko."

"Kasi naman, sweetie, share mo naman. Tama ba ako? Naalala mo pa rin kaya ka napatigil ka sa ginagawa mo?"

Remembering it, it's about him but it's not about that specific moment between us. Kasi kanina, hindi ko man lang siya na-offer-an na kumain man lang ng breakfast! Like, seriously, umalis agad siya kasi nga late na siya! "Ma, hindi. Tumigil ka na, kakain na, anak mo."

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now