✭ LOVE DIVE 17 ✭

3 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Before ako lumabas samin, nag-text agad ako kay Mark para itanong kung nando'n pa ba siya. I even tried calling him pero cannot be reach. And ano pa ba, thoughts started coming in kahit hindi naman invited. Galit kaya siya? Nand'on pa kaya siya? Bakit naman kasi nakalimutan mo, Celine, gaga lang? Lumabas ako sa bahay namin nang hindi na nagpapalit habang hawak ko pa rin phone ko at pinapa-ring 'yong number niya. Wala pa rin talaga. Pinakahawak ko nga 'yong phone ko, worried ako na baka mabitawan ko pa. Tiningnan ko agad bahay nila. May ilaw pa naman, as usual naman, minsan kasi umaabot ng around 1 AM 'yong nakasinding ilaw sa bahay nila.

Hindi ko hinayaang kainin ako ng hiya. "Mark!" sigaw ko. Nakatatlong sigaw pa ako before may nagbukas ng pinto.

"Oh ikaw pala Celine."

"T-tita, hello po. Naistorbo ko po ba kayo?"

"Hindi naman, anak." Nakita kong dumapo 'yong mata niya sa kamay kong nakahawak sa phone ko, ang higpit kasi n'on, tapos tumingin ulit sa mga mata ko. "Bakit?"

"Nand'yan po ba si Mark?"

"Wala man, eh. Nakita kong lumabas kanina. May problema ba, 'nak?"

Nag-hindi na lang ako kay tita. Hindi ko na sinabi sa kanya kung anong pakay ko sa anak niya. Ramdam ko nga na kahit nakatalikod na akong naglalakad papalayo sa bahay nila, pinagmamasdan pa rin ako ni tita. Kaya noong humarap ulit ako at nakapasok na si tita sa kanila, agad na akong tumakbo. Tumakbo talaga! Kailangan ko siyang mahanap at makausap! Na kahit bumabangga sa 'kin 'yong lamig ng simoy ng hangin, okay lang. Sobrang lamig ng hangin, uulan pa nga yata, walang stars sa langit!

Wala siya sa mamihan. Wala rin siya sa may kanto. Ang last ko na lang na dapat puntahan ay sa clubhouse. Sana lang talaga walang mga aso na ewan.

Wala ngang aso, kaso, ang malas ko na yata, biglang bumagsak pa talaga 'yong ulan. Like, seriously, bakit ngayon pa?! Wrong timing! But that didn't stop me from running.

Until I found him.

Nando'n nga siya. Sa clubhouse. Sa entrance. Sa may stairs. Nakita kong may tinutungga siya. Mukhang lasing na lasing na, napapayuko siya after tumungga. Salamat naman nandito lang siya.

"Mark!" sabi ko, habang nakahinto sa harap niya na isang metro yata ang layo, nakahawak sa tuhod ko habang humihingal pa.

Tumingala naman siya. Kahit na umuulan, nakita ko pa rin 'yong ngiti niya. "Nandito ka na pala, baby." Tumayo siya para puntahan ako kaso . . .

"Mag-ingat ka, woy!" Tumakbo ako at nilagay ko kamay niya sa kabilang balikat ko. Buti na lang nasuportahan niya sarili niya ng isang kamay niya. Buti na lang din hindi niya nabitiwan 'yong bote ng redhorse at nabasag 'yon, kung hindi, for sure masusugatan siya!

Tumingin 'yong ulo niya sa 'kin. Then narinig ko 'yong pagkabasag ng bote ng redhorse bago ko naramdaman 'yong kaliwang kamay niya na napunta sa pisngi ko. "Nandito ka na."

"Oo, nandito na ako. Sorry, sorry nakalimutan ko."

"Nakalimutan mo?"

"Nakalimutan ko na magkikita tayo rito, hindi ikaw." Nakita ko na unti-unting sumilay 'yong ngiti niya. Hinaplos-haplos niya 'yong pisngi ko. Nilagay pa niya 'yong ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko. 'Yong mga mata niya talaga, na kahit lasing siya, para talagang kinakausap ako.

"Akin ka?" From that moment, kahit bumubuhos pa rin 'yong ulan, naramdaman ko pa ring nag-init 'yong pakiramdam ko.

"Sa 'yo lang."

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon