✭ LOVE DIVE 11 ✭

2 0 0
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kahit na hindi pa siya nakikita ng mga mata ko, kahit hindi pa oras para maisip ko siya, si Mark na talaga hinahanap ko. Hindi na nga nakikipag-cooperate 'yong tenga sa discussion time as if I was enchanted by him. Isa nga rin sa mga nilu-look forward ko 'pag pumapasok ako ay lunch time. Ito kasi 'yong time na magkikita kami mi Mark para sabay kaming kumain. 

I still remember pa nga the first week noong maging kami ni Mark.

Yeah, noong first day hindi kami kumain nang sabay kasi we needed to adjust. Ako, may hiya sa 'kin if ever nga na magkasabay kami and admittedly, I also wondered kung magsasabay na ba kaming kumain n'yan every lunch break? Then, sino naman mag-i-initiate n'on to ask? And in what way? Text? In person?

Not that I was hurrying our process, pero sabi ko nga, I wondered about that thing, especially it's normal to look for an opportunity para makasama mo 'yong special someone mo. Who wouldn't want to experience that? And since it was a new experience and it was the first week of your relationship, you couldn't help but look forward to experience that love process.

I wanted to treasure it. I wanted to appreciate every moment, to be there, fully experiencing it. These little things? Malaki effect sa 'kin. Those little details that would complete the whole masterpiece: our love.

Five minutes pa nga before matapos mag-discuss prof namin, hindi na mapakali puwet ko. Kanina ko pa nga rin pasimpleng mino-monitor phone ko, atat na mag-fastforward ang time. And when it was the time para lumabas na ng room, my mind and body argued with me, reminding me that I should be patient, kasi talagang nakipag-unahan ako sa mga kaklase ko and I was even mentally praying na huwag akong mapansin agad ni Mark kahit 'yong mata ko ay parang scanner na just to spot him.

I saw him there sa harap, simpleng nakaupo at nakayuko sa bench sa gilid ng canteen, 'yong mga kamay niya nasa gitna ng legs niya. At noong tumingala siya, ayon na 'yong time na iginalaw ko ulo ko. Ang weird mo, Celine! Nahiya ka pa talaga?

And I even acted I was searching for him. Kahit na nakita ko naman na siya kanina. Napa-stop na nga lang ako noong nasa harap ko siya and he said, "uy, baby. dito na 'ko." Nakangiti siya and that was the time na hindi ko na maramdaman 'yong init sa itaas ng ulo ko and then I saw his face, being wrapped by this maroon color from the umbrella.

"Yeah, right. Ah . . . kanina ka pa ba naghihintay?" But he didn't answer. Habang tinitingnan ako, umikot siya pa-right side at pinantayan ako.

"Hawak ka na sa 'kin." Tukoy niya sa kamay niyang nakahawak sa payong. Kaya nakangiti kong nilagay kamay ko.

"Kanina ka pa?" I tried to ask once again, habang naglalakad na kami. Hindi pa naman kami ganoong nakakalayo from the CBS Grounds.

"Hindi naman, 'a. Gutom ka na? Sandali, hindi ka ba nauuhaw?"

"Ikaw 'yong naglakad papunta sa 'kin."

Napahinto siya at tiningnan ako. I was mentally asking myself kung may nasabi akong mali or what.

"Kahit mainitan pa ako o maulanan, basta makita kita, pupunta at pupuntahan kita."

Tapos si Mark talaga na mokong na 'to, ngumiti pa talaga siya as if it was a normal thing. Kaya ang ginawa ko, bahagya kong tinulak 'yong kamay niyang may hawak ng payong kasi para talaga ma-distract ako sa thought na naramdaman kong nag-init pisngi ko. I felt that warmth in his words.

Ang sabi pa nga niya, "Oh, mainitan ka." Pero hindi na 'yon nag-register sa 'kin eh pa'no, 'yong right hand ko, nakalapat na sa dibdib niya. At bahagyang nakadikit na 'yong katawan ko sa kanya to prevent him from falling. Saka ako tumingala para tingnan siya. Maging siya, hindi makapagsalita, parang huminto samin 'yong oras at 'yong mga mata na lang namin nag-uusap.

Love Dive (LOVE TRILOGY #3)Where stories live. Discover now